CHAPTER 393 - ROSE

275 3 0
                                    


Nagkaroon ng mini-party bandang hapon sa venue ng reception and by 7:00 pm, nagsimula ng magsialisan ang mga bisita gayun din ang wedding planner nila at pati na ang team nito. Panay ang pasasalamat ni Rose sa mga ito at kahit pilitin niyang panatilihin ang mga ito ng kahit isang isang araw pa just to have a tour here at Japan ay ang mga ito na mismo ang tumanggi. Everyone wishes them a happy honeymoon and they are just offering them a sophisticated privacy. And Rose thanked them for that.

"May problem ba?" tanong ni Rose kay Aki noong pabalik na sila sa hotel.

"Wala naman," mapaklang sagot ni Aki sa kanya. Nasaktan si Rose nang bahagya dahil sa paguugali nito, yet she needs to be patient with him. Aki's her husband now.

"Aki, remember? We're already married? We should be open with each other," she argued calmly. Napatingin sa rearview mirror ang Japanese nilang driver. Nakagat ni Rose ang parehong labi niya. Nakaramda siya ng hiya. Japanese people used to love silence. Ayaw na ayaw nila ng maingay. Kawalan iyun ng manners para sa kanila.

"Hindi ba dumating si Papa?" tanong ni Rose dito. Pagtutukoy niya sa tatay ni Aki.

Napatingin si Aki sa kanya. "He actually came on the reception pero agad ding umalis kaya hindi ko na nakita."

So, iyun pala ang dahilan. Ani Rose sa kanyang isipan. Aki has some serious issues with its father and she doesn't want to meddle with it. Pinabayaan niya na lang na makaramdam si Aki ng tahimik na lungkot at galit at para maibsan ang nararamdaman nitong hindi maganda ay idinantay na lang ni Rose ang ulo niya sa balikat nito. Rose felt calm when she did it. Aki's shoulder is so perfect she could fall asleep any moment from now.

Pagdating nila sa hotel, labis na napaagikik si Rose nang binuhat siya Aki mula sa sasakyan, patungo sa lobby, patungo sa elevator at maging hanggang makarating sila sa sarili nilang suite. When they're about to go sensual, tsaka naman biglang nagkaroon ng interruption.

"Maya na 'yan," Aki tried to stop her from getting her phone.

Rose just laugh after slipping through Aki's arms.

"Yes?" sagot ni Rose sa tawag sa cellphone. Pinakinggan niya iyung maigi at nang matapos ay agad siyang napatayo.

"Aki, magbihis ka. Kailangan nating magpunta sa airport. Nagka-problema si Nikki at Aki sa flight nila."

"What?"

Aalma pa sana si Aki pero wala na itong nasabi nang si Rose na mismo ang nagsuot dito ng boxers.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon