CHAPTER 311 - ROSE

291 6 3
                                    

Special Mention: This chapter is dedicated to Daffney. Lul. You can request too. Comment ka lang sa baba. ;) Enjoy reading!

Few chapters to go at matatapos na rin itong When Our Wives. Thank you! <3

-Kuys Joey J. Makathangisip

* * *

“Sa bleachers lang kami…” eksplika ni Helix sa kanila nang makapasok sila sa loob. Sa arena ng university gaganapin ang graduation nina Aki. Punong-puno na ang university ng mga bisita at graduates. Panay na rin ang picture ng mga tao.

Tumango si Rose at Aki.

“Saan ka?” tanong ni Nikki nang humiwalay si Helix sa kanya.

Hindi nagpaliwanag si Helix at umalis na lang sa pagkakapit ni Nikki sa kanya.

Nilapitan niya si Aki at niyakap. “Congrats ulit, Aki.”

“Thank you, Helix…” sagot ni Aki. Pumikit siya nang diniinan ni Helix ang pagkakayakap sa kanya. Nakalimutan niya saglit na kasama pala nilang dalawa ni Helix si Nikki at Rose.

Mabilis silang naghiwalay nang sabay na umubo si Nikki at Rose.

“Congrats, Rose at pasensya ka na sa asawa kong si Nikki.” Helix handshakes Rose.

Nginitian niya lang si Helix. Inirapan naman siya ni Nikki.

“Congrats, Aki!” Yayakapin pa sana ni Nikki si Aki kaso hinila na ito ni Rose paalis.

“Let’s meet your professors, Aki. Gusto ka nilang kitain bago ka mag-march, right?” Tumango si Aki at naglakad na sila palayo.

Kumapit siya sa braso ni Aki at noong nakalayo-layo na sila ay binalikan niya ng tingin sina Helix at Nikki.

At nang makita niyang nakatanaw pa rin si Nikki sa gawi nila ay tinaasan ito ni Rose ng middle finger.

Natulala si Nikki at nang makita ni Rose na bumitaw ito sa asawa nitong si Helix para sugurin siya ay nagmadali lang siyang maglakad kasama si Aki.

“Masayang-masaya ka ah?” tanong sa kanya ni Aki.

“Wala. It’s just that Nikki is very funny.” Tumawang mahinhin si Rose.

“Rose…” Natigil siya sa pagtawa nang binangit ni Aki ang pangalan niya.

“Hmm?” Napasilip siya sa mukha nito habang naglalakad sila.

“Hindi ko gusto ‘yung biro mong panlalandi kay Helix. Even if you are just trying to annoy Nikki. Sana hindi na iyun maulit pa.”

“Bakit?” payak niyang tanong kay Aki. Hindi niya na dinugtungan ng iba pang palabok ang tanong niyang iyun. It was just a plain and straight ‘why’.

Tinitigan niya si Aki habang hinihintay ang sagot nito.

“Because I’m jealous!” sagot ni Aki sa tanong niya.

“Where side are you jealous, Aki? Sa side na mahal mo ako kaya nagseselos kang pabiro kong nilalandi si Helix? O sa side na baka gusto mo si Helix kaya ayaw mong nilalandi siya ng iba?”

Natigilan si Aki sa tanong niya. Nakita niya ring gumalaw ang adams apple nito, palatandaang lumunok ito ng sandamukal na laway. Nakita rin ni Rose ang pagkurap ng mga mga mata nitong mapupungay ng makailang beses. Nagiwas din ito ng tingin sa kanya at tila namutla.

“Ofcourse, on the side na mahal kita at ayaw kong may nilalandi kang iba, Rose. Right. Ayaw kong may nilalandi kang iba.”

Napangiti bigla ng malapad si Rose at mabilis niyang niyakap si Aki sa pangalawang pagkakataon.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon