CHAPTER 315 - AKIHIRO

270 2 0
                                    

“Rose, just for a while. May pupuntahan lang ako. Sobrang saglit lang.”

“Pero, Aki...”

Sobrang dami pa ang bumabati at nagpapa-picture sa kanila pero nagdesisyon muna si Aki na umalis. Hindi naman nakapalag pa si Rose nang tuluyan na itong bumaba at tumakbo. With his toga on, mabilis na tinahak ni Aki ang daan palabas ng arena. May iilan siyang nakakabangga lal0ng-lalo na iyung mga nagtangkang magpa-picture sa kanya pero hindi niya na iyun inalinta. What’s important for him right now is for him to see Helix. Kailangan niyang magpaliwanag agad dito. Maikli pa lang ang panahong nagkakasama sila pero alam niya na kung paano tumakbo ang utak ni Helix. Once Helix will decide something, hindi niya na iyun babawiin. Wala ng atrasan.

“Helix, saan ka na?” pagod na pagod na turan ni Aki nang makalabas siya ng arena. University ground ang sumalubong sa kanya. He’s standing on the same spot kung saan huminto si Helix kanina. Yumuko siya at nakita niyang may mga basang tuldok doon sa lupa. Ang hindi niya alam, mga luha iyun ni Helix.

“No…” Napailing-iling si Aki.

“No!” Nakagat niya ang ibabang labi niya.

“HELIX!” sigaw ni Aki na umalingaawngaw sa buong field. Puno ng hinagpis ang pagsigaw niya na sinamahan pa ng pagluha niya. Maya-maya pa, hindi niya na napigilan ang sarili niyang humagulgol. Sobrang nasasaktan siya ngayon. At walang salita ang tutumbas sa sakit na nararamdaman niya sa pagkakataong ito.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon