CHAPTER 229 - NIKKI

263 6 0
                                    

“Nikki, huwag ka sanang mao-offend ha? Pero bakla ba ‘yang asawa momng si Helix? Alam mo kasi, noong nakaraang buwan, kasa-kasama niya kasi lagi ‘yung housemate niyong si Akihiro ba ‘yun? At ang weird lang kasi sobrang close lang nila. Noong dumaan nga sila rito noong papunta yata sila sa graduation ball, nakita ko silang naghalikan. Tapos noong umuwi naman sila kinabuksan, nakandantay lang ‘yung ulo nung Akihiro sa balikat ng asawa mo habang nagmamaneho.”

Naibuga bigla ni Nikki ang softdrinks na kasaluyan niyang iniinum nang marinig niya iyun kay Miranda. Nasa loob sila ng guardhouse ngayon at kakarating lang ni Nikki galing sa supplier niya ng beauty products. Nagpahinga muna siya saglit rito bago siya muling mag-resume sa ginagawa niya which is shipping those beauty products sa mga clients niyang um-order sa kanya on line.

“Pinagsasabi mo, Miranda! Nakakaloka ka! Hindi bakla ang asawa mo, at pati na rin si Aki. Ikakasal na nga ‘yung tao e. Hindi mo ba alam ‘yung salitang brotherhood, ha? Close lang sila kaya ganu’n…” paliwanagg ni Nikki.

“Kahit na maghalikan na, brotherhood pa rin?” tanong ni Miranda.

Tumayo na si Nikki. “Alam mo, kailangan mo lang ng pampabango ng puke. Oh eto…” May kinuha siya sa paper bag niya. Branded feminine wash. “’Yan, pabahungin mo ang puke mo para ‘di ka na naghihinala ng ganyan. Kaloka ka.”

“Ano ba ‘yan! Ang layo naman ng puke sa utak, Nikki! Tsaka aanihin ko ba ‘to? Wala naman akong pake sa puke ko. Tsaka libre ba ‘to? Kasi kung hindi, ‘wag na lang uy.”

“’Tong tomboy na ‘to, ang kuripot! Oo na, sa’yo na ‘yan. Alis na nga ako! Kaloka!” Lumabas na si Nikki ng guardhouse nang dumating na ang bi-nook niyang taxi.

“Ingat ka! Thank you rito!” Iniwagayway ni Miranda ang feminie wash na bigay niya.

Nginiwian niya lang ito nang makita niya itong tinawanan siya. Maya-maya pa, habang nasa loob siya ng kotse, bigla siyang binagabag ng sinabi ni Miranda sa kanya kanina…

“Nikki, huwag ka sanang mao-offend ha? Pero bakla ba ‘yang asawa momng si Helix? Alam mo kasi, noong nakaraang buwan. Kasa-kasama niya kasi lagi ‘yung housemate niyong si Akihiro ba ‘yun? At ang weird lang kasi sobrang close lang nila. Noong dumaan nga sila rito noong papunta yata sila sa graduation ball, nakita ko silang naghalikan. Tapos noong umuwi naman sila kinabuksan, nakandantay lang ‘yung ulo nung Akihiro sa balikat ng asawa mo habang nagmamaneho.”

Nakagat bigla ni Nikki ang ibabang labi niya. Hindi niya maintindihan pero kinabahan siya bigla. Noong mismong gabing nag-propose si Rose kay Aki sa mismong graduation nito, nagulantang si Nikki nang marinig niyang tila binabangungot ang asawa niyang si Helix sa kalagitnaan ng mahimbing na pagkakaidlip nito. Panay lang ang iyak nito at panay lang din ang pagsigaw nito ng pangalan ni Aki. Kumalma naman ito nang ginising niya ito.

Marami pang pumasok sa isip ni Nikki katulad na lang noong nangyari isang araw. Nasa labas siya at nag-ga-garden habang si Helix naman ay nasa kusina at inaayos ang tubo ng lababo roon. Nakita niyang yumuko si Aki sa harap ng asawa niya na tila bi-nlowjob ito. Nagulantang siya sa nakita pero dahil nasa kalauyan siya ay\t medyo nanlalabo na rin ang mga mata niya ay nilapitan niya ito roon. Ngunit ang nadatnan niya lang ay ang galit na galit na asawa niya at si Aki na parang asong nakayuko.

Napailing-iling si Nikki. Alam niyang makailang beses niya nang inakusahan si Helix na baka pinapatulan na nito ang kapwa nito lalaki na si Aki, but she really didn’t mean it that way. Sa mga pagkakataong sinasabi niya iyun ay iniinis niya lang ang asawa niya.

“Imposible, imposible.” Ininum niya lang ang natitira niyang softdrink na nakasupot at nag-focus na lang sa dinadaan nila ng kasama niyang driver. Maya-maya pa, sumagi bigla sa isip niya ang isang pangyayari. The day after the senior’s ball. Nilinis ni Nikki ang sasakyan nila ni Helix at nakakita siya ng tatlong gamit na condom roon at pati na rin underwear ni Aki. Hindi niya na iyun inusisa dahil ayaw na nilang magaaway ni Helix pero ngayon, tila multong binabalikan si Nikki ng mga hinala niya.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon