CHAPTER 320 - AKIHIRO

345 4 2
                                    

“Aki, hindi kita maintidihan. Explain it to me, please. Explain it to me.” Nakayakap si Rose sa likod niya. Nang tumayo kasi siya mula sa pagkakaupo kanina ay agad siyang naglakad ng mabilis palayo roon. Iyun nga lang, sinundan siya agad ni Rose at agad din naman siya nitong nahuli.

“Let’s just go home, Rose. Masamang-masama na ang pakiramdam ko,” paliwanag niya rito.

“Okay. Okay. Pero can we still celebrate for a while? Si Ina, inutusan ko na siyang mag-book ng restaurant. Kumain muna tayo please? Tayo lang naman tatlo e.”

Nang mapansin nitong tila hindi niya nagustuhan ang sinabi nito sa kanya ay agad itong nagsalita.

“O kung gusto mo, isama natin si Helix and Nikki. Where are they, by the way?”

“Umalis na sila…” walang emosyon at mabilis na sagot ni Aki.

Kumalas si Rose sa pagkakayap nito sa kanya at naglakad na papunta sa harapan niya.

“Please, Aki?” Lumambot ang boses nito. Gaya niya, mugtong-mugto rin ang mga mata nito.

Hindi niya magawang makatitig dito.

“My love, my life, my only one. Please?” Hinawakan nito ang kamay niya at nilaro-laro ang diamond ring na nasa ring finger niya.

Ipinikit ni Aki ng mariin ang mga mata niya at makalipas ang ilang sandal ay muli niya itong binuksan. “Okay. Pero bilisan lang natin.”

“I love you Aki!”

Mabilis siya nitong niyakap. Parang umiyak ito saglit nang niyakap siya nito pero hindi niya ito pinansin. Nakita niya lang na nagpunas ito ng mga luha pagkatapos siya nitong yakapin. Nginitian siya nito ng masayang-masaya.

“Cheers!” Sa isang mamahaling restaurant, cini-lebrate ni Rose at Ina ang tagumpay ni Aki. Wala namang ibang nagawa si Aki kundi ang sumabay na lang sa mga pinaggagawa nila.

Nang mapansin niyang panay na ang inum ni Rose ng alak ay nagsimula na siyang maalarma. By seven pm, lumabas na silang lahat roon at hiyang-hiya siya sa sarili niya nang hiningi niya mula kay Rose ang credit card nito para bayaran ang bill nilang lagpas 50,000 pesos. Umuwi na rin si Ina at sa punto ngang ito ay nag-aabang na sila ng taxi sa may sidelines. Pagewang-gewang na rin si Rose.

“Gusto ko pang uminum…” Nagulantang si Aki nang biglang naglakad is Rose palayo sa kanya. Hinabol niya ito agad at nang makalapit nga siya rito ay mabilis niyang hinawakan ang kamay nito.

“Bitawan mo ako!” sigaw ni Rose.

Nanlaki ang mugtong mga mata ni Aki.

Rose is… Rose is crying.

“Rose…”

“Don’t come near me!” banta nito sa kanya pero hindi niya pa rin sinunod ang utos nito. Rose is drunk at isang maling galaw lang nito ay mapupunta ito sa kalsada. Kaya ang ginawa niya, niyakap niya ito mahigpit na mahigpit.

“Bitawan mo ako, sabi! Tulong! Tulong!” Bigla itong nagwala. Agad silang napansin ng mga taong dumadaan.

“Rose? Ano bang problema mo?” Panay pa rin ang pagpipigil ni Aki rito.

“Pagod na pagod na ako, Aki. Pagod na pagod na.” Tumigil ito sa pagwawala. Bigla itong nanghina.

Tinulak siya nito at hinarap siya.

“Akala mo ba, hindi ko napapansin?” Pinunasan nito ang mga umaagos nitong luha. “Pagkatapos kong mag-propose sa’yo kanina, alam kong hindi ka masaya!”

“Rose…” Nilapitan niya ito pero lumayo lang ito agad.

“Tapos nu’ng nakita kita kanina sa labas ng arena, anong ginawa mo sa akin? Sinigawan mo ako kung bakit ako nag-propose ako sa’yo! Sinigawan mo ako, Aki. Sinigawan mo ako. And it’s not very you, Aki. Ang minahal kong Akihiro Mendiola ay hindi ako sinisigawan at buo ang respeto sa akin. Ano ba? Sabihin mo nga sa akin? May mali ba sa akin? Hindi mo na ba ako mahal?”

Kumirot ang puso ni Aki dahil sa sinabi nito sa kanya. “Rose, its just that I was insulted on what you did. Ako ang lalaki kaya dapat ako ang gumawa ng ginawa mo kanina.”

“Aki, bakit pakiramdam ko, may tinatago ka sa akin? Bakit?” Tinakpan ni Rose ang sariling bibig.

“Rose, wala akong tinatago sa’yo…” Sinubukan niya uling lumapit rito pero ayaw pa ring magpahawak ni Rose.

“Pero Aki, ramdam ko e. Ramdam na ramdam ko.” Mas lalong bumuhos ang luha ni Rose. Sobrang nasaktan si Aki sa nakikita niya rito. Ramdam na ramdam niya ang pagod nito. Buntis si Rose kaya dapat tumaba ito but the opposite is happening, sobrang nangangayayat ito at ngayon niya lang ito napansin.

“Pero hindi rin naman kita pipilitin na sabihin agad sa akin ang tinatago mo. Kilala mo ako, Aki. Hindi ako ‘yung tipong namimilit. Pero utang na loob, respetuhin mo naman ako, Aki. Respetuhhin mo naman ako kahit kaonti lang…” Pinunasan ni Rose ang sariling mga luha.

Hindi magawang makatingin ni Aki. He too, is crying. Hindi niya alam ang sasabihin niya.

“One more thing. You have to marry me weather you like it or not. May nabuo na sa ginawa natin kaya kailangan nating panindigan ang ginawa natin. Pareho tayong nanggaling sa magulong pamilya kaya sana, ibigay natin sa magiging baby natin ang pamilyang hindi natin naranasan.”

Maya-maya pa, hindi na nakipagusap si Rose sa kanya at pumara na lang ito ng taxi. Sabay silang umuwi at pagkarating nga sa bahay ay hindi na sila nagusap pang muli. Ni-lock lang ni Rose ang pinto ng kuwarto nila at umiyak lang ng walang humpay doon.

Nakita niya si Helix sa first floor na mas naunang dumating sa kanilang dalawa ni Rose ng kalahating oras, kakausapin niya pa sana ito pero nang nilapitan siya nito ay laking gulat niya na lang nang nginisihan lang siya nito’t bigla siyang nilagpasan.

Hindi nakagalaw si Aki ng ilang segundo ngunit nang nilingon niya ito ay may tumulo na lang na luha sa kanang mata niya nang makita niyang kahalikan na nito ang asawa nitong si Nikki.

“Let’s have sex…” bulong ni Nikki ay Helix.

“Sure…” sagot ni Helix sabay karga rito patungong second floor.

At habang buhat-buhat nga ni Helix si Nikki paakayat ay makailang beses na nagkakasalubong ang mga mata nila at kada nangyayari nga iyun ay hinahalikan ni Helix si Nikki na para bang sinasadya nitong saktan siya. And Helix did it perfectly. Unti-unti lang namang gumuguho ang mundo ni Aki habang nakikita silang dalawa ni Nikki na tila masayang-masaya.
***

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon