CHAPTER 392 - AKIHIRO

284 3 0
                                    


"Grabe Kuya! You're so lucky, nag-top ka sa bar exam plus you're already married with Rose!" masiglang-masiglang bati ni Kirin kay Aki. He's just drinking his sparkling wine habang tinitignan si Rose sa malayo na kasalukuyang kinukulit ng bestfriend nitong si Ina.

"Huh! Lucky my ass," bulong naman ng boyfriend ni Kirin na si Lance. Narinig iyun ni Aki pero ipinagsawalang bahala niya lang iyun. This is Rose's day. Ayaw niyang makaramdam ng kahit anong negatibo.

"Congrats Aki at salamat sa pagsasagip ng buhay ni Helix," ani naman ni Nikki na halos hindi makatingin sa kanya. He just nodded. Napatingin siya kay Helix pero nakaiwas lang ang tingin nito sa kanya.

"Cheers!" sabi ni Kirin at sabay-sabay silang nag-cheers.

Lumipat na si Kirin, Lance, Nikki at Helix at nang maiwan siya roon ay in-approach siya bigla ng isa sa team member ng wedding planner. Si Janice. "Sir, may nagpapabigay sa inyo. Hindi po siya nagpakilala pero ang sabi niya ibigay ko na lang daw sa inyo."

Kinuha ni Aki ang isang pulang sobre sa kamay nito at nang buksan iyun ay dalawang bagay ang nakita niya. Isang sulat at perang nagkakahalaga ng 9,000 cash. Dali-daling binuksan ni Aki ang sulat.

***

Nak, pasensya na kung hindi ko kayang magpakita ngayon sa'yo. Gusto kong malaman mo na natanggap ko ang sulat mo na naglalaman ng imbetasyon mo sa kasal mo. Anak, salamat dahil naalala mo pa rin ako kahit ginago ko kayo ng nanay at kapatid mo. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo pero ipapagdasal ko lagi na nasa mabuti kang kalagayaan pati na ang pamilya mo.

-Gabriel Mendiola

***

"Papa?" nanginig bigla ang labi ni Aki. Dali-dali siyang lumabas sa venue at nang makitang wala na ang tatay niya sa labas ay napahinuhod na lang siya't naipaiyak ng labis. His brother did not come on his wedding day dahil nalaman nitong inimbitahan niya ang tatay nila. Galit ang kapatid ni Aki sa tatay nila at kahit hindi magkaayos ay isa lang ang gusto niya, ang magkita ito at magkausap saglit. But right now, he shied away both of them. Aki cursed the rain as he keep questioning himself on why is it that his wedding feels so tragic.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon