CHAPTER 318 - AKIHIRO

278 3 0
                                    

“Bakit mo ginawa ‘yun, Rose? Bakit?” Pagkatapos niyang sumigaw ay biglang nanghina si Aki at napaluhod na lang sa harap ni Rose. Panay ang iyak.

“Bakit?” Aki was already wailing. Habang umiiyak ay halos wala na ring lumalabas na boses sa bibig niya.

“Aki? What is happening to you? Ano ba? Hindi kita maintindihan?” Mabilis din namang yumuko si Rose at niyakap siya. Gusto sana itong itulak ni Aki at pagbabatuhin na lang ng bato at buhangin pero alam niya namang hindi niya iyun magagawa. Nagkakagusto lang siya sa kapwa niya lalaki pero hindi niya kayang manakit ng babae. Lalong-lalo na si Rose.

Lalong-lalong na si Rose na siyang ina ng magiging anak nilang dalawa.

Aki wailed one more time.

Sa pag-iyak niya na lang dinaan ay mga bagay na hindi niya masabi.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon