CHAPTER 302 - ROSE

396 6 1
                                    


“Are you sure na ayaw mo magpasama sa inyo? 4:16 pa lang ng madaling araw oh? Baka mapa’no ka niyan. Konsenya ko pa.”

“I’ll be fine. Don’t worry…” sagot ni Rose sa bestfriend niyang si Ina nang makalabas na sila ng airport. Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan nila kanina at ngayon lang din sila nakalabas. They’re already on the bus top nearby the airport at pinipilit na lang nila ang mga sarili nilang huwag makatulog dahil sa labis na antok. They are awake the whole time while they are inside the plane kaya ngayon ay bangag na bangag na sila.

“O sige, ganito na lang. Hintayin na lang kita na makasakay ka na ng taxi tapos nasigurado ko nang okay ka na, alis na rin ako.”

“Okay…” tipid na sagot ni Rose, pinipilit na huwag liparin ng hangin ang isipan niyang sobrang luting na luting na. Natawa siya bigla ng walang dahilan.

“Para! Para!” sigaw ni Ina sa taxi na paparting pero nilagpasan lang sila nito.

Bumaling ito ng atensyon sa kanya. “Ikaw kasi e. Ba’t ba kasi hindi mo pinaalam kay Aki na mas mapapaaga ng isang araw ang pag-uwi. ‘Yan tuloy, walang susundo sa’yo.”

“I want to surprise him.”

“Oo na. Oo na! Basta ha, kapag nalaman mong nakahanap na ‘yang si Aki ng ibang babae sa mga panahong wala ka, ipaalam mo lang sa akin. Kasi masusuntok ko talaga siya. Alam mo naman ang mga lalaki ‘di ba. Hindi nila kayang magtiis kahit ilang araw lang. Pa’no pa kaya kung ilang linggo ‘di ba?” Bangag na rin si Ina. Parang lasing na rin magsalita at pahaba na ng pahaba ang intonasyon ng bawat dulo ng sinasabi.

“Aki’s loyal to me.”

“Asus! Sobrang confident! Tignan lang natin ‘yang confidence mo kapag naranasan mo na ang mga pinagsasabi ko sa’yo.”

Maya-maya pa, may dumating ng taxi sa harapan nila.

“Oh, ayan na!” maligalig na sabi ni Ina.

“Tara na!” Hinila siya nito papasok sa loob,

“Teka, ba’t ka sasama?” tanong ni Rose kay Ina.

“Ay oo nga pala. Sorry, bangag lang. Akala ko, nasa Dubai pa rin tayo e. Nasa Pilipinas na pala tayo. Oh my goodness!” Tumatawang lumabas si Ina.

“Ayos lang…” Tumawa na rin si Rose.

“Bye!” Kinaway ni Ina ang kamay niya kay Rose nang isara nito ang pinto.

“Thank you, Ina. Thank you so much…” sagot naman ni Rose na maayos nang nakaupo sa loob.

Yumuko si Ina sa labas para pantayan ang height niya sa pagkakaupo niya sa loob ng kotse. “Ano ka ba? Para saan pang workmate slash bestfriend kita? Basta ha! Kapag nakauwi ka na, text mo ako.”

“Yes po. See you sa graduation ni Aki.”

“Kailan ng ba ‘yun?”

“Sa Friday.”

“Ayos lang ba? Baka maka-isturbo ako sa inyong dalawa.”

“Ayos lang, ano ka ba! Aki will be delivering a speech, you should see it.”

“Taray, guwapo na ‘yung boyfriend, magna cum laude pa, magiging engineer pa, pak! E ‘di ikaw na ang masuwerte. Sana lang talaga hindi manlalaki, este mangbabae ‘yung future fiancé mo para mas pak na pak talaga!”

“Sira! Alis na ako, bye!”

“Bye! Ingat!”

“Ingat!”

Sinabi na ni Rose sa driver kung saan ang hinto niya at nang magsimula itong magpatakbo ng sasakyan ay binalingan niya ng huling tingin si Ina. Nakatingin ito sa gawi niya at nginitian niya lang ito.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon