CHAPTER 367 - ROSE

228 1 0
                                    

“AAAH!” Parehong napakapit si Rose at si Nikki sa isa’t-isa nang biglang kumulog ng sobrang lakas. They are still on the waiting shed at doon ay naabutan nga sila kamalasan. Mabuti na lang at medyo malapad ‘yung bubong kaya hindi sila nababasa ng sobrang lakas na ulan. It’s 5:09 PM at kahit medyo maaga-aga pa ay nagmistulan ng gabi ang paligid dahil sa pagkakulimlim ng kalangitan. Parehong takot sa kulog si Rose at Nikki kaya ganito ang nangyari sa kanila ngayon. Parang tukong magkadikit.

“TSS!” Pareho rin naman nilang pinandirian ang isa’t-isa nang tumigil na ang pagkidlat. Sabay nilang hiniwalayan ang isa’t-isa at nilipad na nga sila ng kanilang sariling pandidiri sa magkabilang dulo ng upuan ng waiting shed.

“Tawagan mo kaya asawa mo. May kotse kayo ‘di ba?” suhestiyon ni Rose. Umirap lang si Nikki at nag-cross arms. Tama, nakalimutan niyang nitong umaga lang ay nalaman din pala ni Nikki na may kabit ang asawa nitong si Helix. Kaya paniguradong ngayon ay galit pa rin ito.

“Eh ba’t ‘di na lang ‘yung si Aki ang tawagan mo. Tutal, may bago naman kayong kotse…” mataray na sambit ni Nikki.

“Wala kaming kotse,” sagot ni Rose.

“Meron. Nakita ko kaninang umaga. Pi-nark ni Aki sa labas ng bahay.”

Natulala bigla si Rose. Wala siyang maalala na may bagong kotse si Aki. Imposible kasi. Wala pang trabago si Aki kaya ni gulong ay ‘di niyun mabibili.

“Wala ka talagang alam sa asawa mo. Pabaya ka. Kaya ka pinapalitan ng ng iba e,” utas ni Nikki.

Natawang may sarkasmo si Rose. “Ang galing. Ikaw nga rin e. Dami mong alam sa asawa mo, ‘di mo man lang alam na may kabit na rin pala. Tapos ang martir pa. Ni ayaw alamin kung sino ‘yung kabit ng asawa niya.”

“Yah!” sigaw ni Nikki. Magsasabunutan pa sana silang dalawa kaso hindi na nila nagawa nang may dumating ng kotse sa harap nila. Kotse ni Helix.

“Oh!” Dali-daling napatayo si Nikki. Bumaba ang window ng sasakyan. Pareho nilang nakita si Helix sa loob.

“Sakay…” walang ka-emo-emosyong sambit ni Helix.

Luminawag bigla ang mukha ni Nikki at nang tatawid na sana siya mula sa waiting shed para makapasok sa kotse ay bigla siyang natigilan nang may napagtanto. “Teka! May atraso ka pa sa akin ah? Ayoko! Ayokong sumakay! ‘Di ako uuwi sa bahay!” pagmamatigas ni Nikki.

“E ‘di ‘wag.” Biglang pinaandar ni Helix ang kotse. Agad na tumili si Nikki kaya huminto agad si Helix. Sumuong si Nikki sa ulan at nang makapasok ay sa may labas lang ito ng window tumingin. ‘Di ito bumaling ng tingin kay Helix.

‘‘Di ba nila ako aayaing pasakayin?’ bulong ni Rose sa sarili niya na kasalukuyang naiwan sa waiting shed. Nang dumating kasi si Helix, parang naging estatwa na lang siya rito. Parang tao-tao lang. Ganun.

“Teka!” sigaw ni Nikki at tumigil ulit si Helix sa pagpapaandar ng kotse.

Nakita ni Rose kung paanong pumikit ang mga mata ni Helix dahil sa inis.

“Rose, sakay ka na!” imbeta sa kanya ni Nikki.

“Ah, sige.” Napangiti naman si Rose. Thanks God.

“’Wag na, may susundo na kay Rose…” ani Helix at hindi man ito nagdagdag ng explanation at pinaharurot na ang kotse.

“Aba!”

‘Di pa nakakapag-react si Rose nang may dumating ng sobrang bagong itim na kotse sa harap niya.

“Aki?” ani Rose nang makita niya si Aki sa loob pagkatapos bumaba ang window sa gilid. She was surprised with the car pero mas nasorpresa siya dahil sa mga nakita niya sa mukha nito. Puno ng pasa at dugo ang mukha ni Aki, jusko!

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon