CHAPTER 360 - AKIHIRO

228 1 0
                                    

“Rose, niloko ako ni Helix. Niloko niya ako.” Tumigil ang parehong mundo ni Aki at Helix nang malaman nilang pareho mula sa bibig ni Nikki na si Rose pala ang kausap nito sa kabilang linya. Kanina, habang nagpapalitan ng masasakit na salita, biglang nag-ring ang cellphone ni Helix na nakataob sa sahig. Nahulog iyun noong nagaaway silang dalawa ni Helix bago pa dumating si Nikki. Nikki immediately seize the phone up at mabilis na sinagot ang tawag. Both them was just looking at Nikki the whole time she’s speaking to the caller. At nang malaman nga nilang pareho na ang girlfriend niyang si ang kausap nito ay bigla silang nag-panic. Ang kaninang umiiyak at nakaupo lang sa sulok na si Helix ay biglang napatayo. Habang si Aki naman ay hindi sinasadyang mapahakbang palapit kay Nikki.

“Sige. Sige.” Nikki nodded. Umiiyak pa rin ito. “Oo, pupunta ako. Sige.”

Then she hangs up the phone. Tumitig ito sa kanya. And then kay Helix.

“Nikki!” biglang napasigaw si Helix nang halungkatin ni Nikki ang phone nito. Naroon lang naman kasi ang mga text messages nilang dalawa ni Aki.

Napalunok si Aki ng laway. Mabuti na lang at naagaw agad ni Helix ang cellphone nito mula kay Nikki.

“Bakit? Ayaw mo ba akong ipakilala sa kabit mo? Puwede ko kayong kasuhan pero sabi ko nga ‘di ba? Hindi ko gagawin ‘yun?” Nikki crosses its arms. Tumigil na ito sa pag-iyak.

Nang makita ni Aki na ibinulsa na ni Helix ang cellphone nito ay naipikit niya ang mga mata niya at napahinga ng malalim. Aki suddenly remembers the moment that him and Helix exchange numbers. Nasa Dubai pa noon si Rose at wala rin noon si Nikki sa bahay. Him and Helix were just cuddling that time. A typical Sunday morning at umuulan sa labas. Naka-tshirt lang sila at naka-boxers. Nag-uusap nang puro tungkol sa kalibugan nilang dalawa.

“You want to get my number pero sa pangalan ni Rose mo ito isi-save?”

“Yeah,” sagot ni Helix sa kanya.

“Bakit? It’s weird. So ibig sabihin, ‘pag nag-reply ako sa’yo, pangalan ni Rose ang magpa-pop up sa phone mo?”

“Yeah. Just in case Nikki will caught my phone.”

“Okay.” Tumango si Aki. Si-nave niya sa phone ni Helix ang number niya at pinangalan itong Rose Cuevas. Ganoon din si Helix sa kanya. Si-nave din nito ang number nito sa phone niya pero sa pangalan ni Nikki.

“And when we’re going to text each other, pangalan ng mga asawa ko at ng girlfriend mo ang gagamitin natin. Your name will be Rose. And my name will be Nikki.”

“Okay Nikki,” sagot ni Aki. Natawa si Helix dahil dito.

“Thank you, Rose,” ani naman ni Helix sabay halik sa kanya.

Back to the present time, Aki wonders kung ano ang pangalan ng totoong Rose Cuevas sa cellphone nito. Perhaps, it’s Rose Cuevas 2.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Helix kay Nikki nang nagmadali itong umalis.

“’Wag niyo akong susundan!” banta ni Nikki sa kanila. Nang maiwan silang dalawa roon, nagkatinginan silang pareho. He thought Helix’s gonna punch him pero mas masakit pala ang gagawin nito sa kanya. Hindi siya nito kinibuan at iniwan na lang doon ng basta-basta.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon