CHAPTER 370 - AKI

243 4 0
                                    

Habang nasa gitna sila ng daan, Aki explained to Rose everything. Na itong bagong kotse na minamaneho niya ay issue ng employer niyang si Edison Bermundo. And that tomorrow, he will already start working sa kompanya nito. Rose just nodded at everything that he is saying at tila hindi man lang siya nito tinanong kung kaya na ba nitong pumasok bukas sa kabila ng mga pasa niya. Aki feels like she doesn’t care. Pero ayos lang. Para kay Aki, maybe Rose is just trying to adjust on him. Siguro ay natanto na nitong nasasakal na siya nito kaya’t binabawasan na nito ang higpit sa kanya. But it is just very ironic because the moment Rose lose her grip on him, he feels very free that he thinks that this too much freedom might suffocate him.

Ganito pala ang labis na kalayaan, Aki realized. Na kapag sobrang malaya ka, pakiramdam mo, hindi ka talaga totoong malaya. To think that freedom is borderless is stupid. Malayang nakakalipad ang mga ibon sa papawirin pero ikakamatay nito kapag lumusob ito sa dagat. The same with the fishes. The ocean might look infinite but the moment they’ll step out of it, they’re dead.

Pagkarating nilang dalawa ni Rose sa hotel ay tinulungan na siya nitong makapagbihis. He’s naked infront of Rose nang ginamot nito ng yelo ang mga pasa niya. And even though the situation is like that, he’s not able to suffer an erection.

“What kind of wife would you want me to be, Aki? Anong gusto mo? Full time wife? O gusto ‘yung career woman?”

Aki smiles. Inayos niya ang upo niya sa sofa. Nasa gilid niya lang si Rose. “Ikaw ang bahala. Kung anong gusto mo, ‘yun din ang gusto ko.”

“Hindi mo na ba talaga ako lolokohin?” tanong ni Rose sa kanya.

Aki blinks. “Hindi na. And in fact, I am very much ashamed of what I did. Pinagsisihan ko na ‘yun. I hope we’ll no longer gonna discuss this dahil tapos na ‘yun ‘di ba?”

Rose pouts. Mas lumapit pa ito kay Aki at nang dinapian nito ng cold compress ang pasa niya sa may checkbone ay nagsalita ulit ito. “Pero hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung sino ‘yung pinalit mo sa akin? It’s weird but I’m really curious.”

Hinawakan ni Aki ang kamay ni Rose. “If you will find out who that is person is, trust me, you will immediately cancel our marriage.”

Tulalang napatitig si Rose sa kanya. He can see the fear in her eyes. Alam ni Aki kung ano ang pinakagustong mangyari ni Rose at ‘yun ay ang pakasalan siya. At alam niya ring gagawin ni Rose ang lahat para mangyari iyun. And now that she is bugging him again about Helix, he has no choice but to threaten her. Aki is giving up his happiness for this fucking marriage. But he can’t just let Rose ruin his memories with Helix.

“Sorry.” Biglang napayakap si Rose sa kanya. “Hindi ko na itatanong. Please get married with me immediately. Magsisimula na akong maghanap ng wedding planner nating bukas, kaya sorry.”

Pumatong si Rose sa kanya. Aki feels her sexual tension. Yet, because Rose had just brought up the thing about him and Helix, hindi niya ito pagbibigyan.

“Magbibihis lang ako.” Pumasok na si Aki sa kuwarto nila. Bago niya sinara ang pinto ay nginitian niya si Rose. Kitang-kita niya ang pagkadismaya nito. Yet when he closes the door, his smile fades immidately. Napatingin siya pelvic area niya and now, he’s finally hard. At alam niya kung bakit ito nangyayari. Iniisip niya lang naman kasi si Helix.

Napatingin si Aki sa sa malaking window ng kuwarto. Umuulan pa rin ng malakas.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon