CHAPTER 317 - ROSE

279 4 0
                                    

“Ah, saglit lang po ha?” Rose excuses her self sa mga taong bumabati at nagpapa-picture sa kanya at bumaba na siya ng stage. Ina immediately followed her.

“Besh, congrats! Nakapag-propose ka na, naging famous ka pa. At tignan mo oh, trending kayong dalawa ni Aki online.” Pinipilit niyang tignan ang ipinapakita ni Ina sa kanya pero hindi niya magawa dahil nagmamadali talaga siya.

“Ah, Ina. Ayos lang ba kung mag-book ka muna ng masasakyan natin? Pati na rin restaurant. Kahit saan. Sagot ko. Pupuntahan ko lang saglit si Aki.”

“Ah, okay.”

Iniwan niya bigla si Ina roon. Nagmadaling lumabas si Rose at nang magawa niya nga iyun ay nakita niya si Aki na naroon sa labas ng arena. Nakatayo at pirming nakatingin sa malawak na field, as if may iniisip na malalim o may hinihintay na isang tao.

“Aki…” Nang lapitan siya nito ay agad itong lumingon sa gawi niya. At laking gulat ni Rose ang mga sumunod na nangyari. Mabilis na naglakad si Aki patungo sa kanya, galit na galit ang mga mata, at nang makarating nga ito sa harap niya ay mahigpit nitong hinawakan ang magkabilang balikat niya sabay sinigawan siya ng paglakas-lakas.

“BAKIT MO GINAWA ‘YUN?”

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon