CHAPTER 340 - NIKKI

296 4 7
                                    

This chapter is dedicated to the following people; kyutiE3, solverba27, and Yokai_Ghail 😊.

xoxo,
JoeyJMakathangisip

***

“Ano ba ‘to? Wala na ba talagang bus ngayon? Letche naman oh!” Hila-hila ang isang malaking itim na maleta ay umalis na si Nikki palayo sa kanina niya pa inuupuang waiting shed. Alas otso pa lang ng gabi ay naroon na siya para maghintay ng bus patungong probinsya pero dalawang oras na ang lumilipas ay puro pedicab lang ang nakikita niyang dumadaan dito.

Kailangan niya umuwi saglit sa kadahilang dumating na rin kasi after five years galing sa California ang isa niyang kapatid na babae. Nakapag-asawa ng mayaman kaya sobrang dami ng dalang pasalubong. Itong dala niyang maleta niya ngayon, wala talaga itong laman. Ito kasi ang paglalagyan niya nga mga pasalubong sa kanya ng kapatid niya.

“Para! Bilis! Letche!” Pumara si Nikki ng taxi at nang dumating ito sa harap niya ay agad na siyang pumasok. Pinagalitan niya pa ang driver kung bakit sobrang bagal nitong tumakbo paunta sa direksyon niya at mabuti na lang ay hindi siya nito pinatulan.

Kotse dapat nilang dalawa ni Helix ang sasakyan niya ngayon pero hindi niya magawa-gawa dahil binabantayan nito si Aki. Si Aki na pakiramdam niya ay mas asawa pa ang turing ni Helix kaysa sa kanya.

“Ano ba? Kapag ba iniwan mo ‘yan diyan, hindi ba ‘yan makahinga?” tanong ni Nikki kanina kay Helix nang tinawagan niya ito. Nasa bahay pa siya sa oras na iyun at nawawala iyung pinakabarito niyang panty kaya labis ang imbyernang nararamdaman.

“Nikki, malala pa rin ang lagay ni Aki. Hindi makatayo. Hindi makakain. Hindi makahinga. Kawawa naman kung iiwan ko ‘di ba?” sagot naman ni Helix sa kabilang linya.

“Ganu’n ba?” Naawa bigla si Nikki. “Saan na ba kasi ‘yang Rose na ‘yan? Ano? Ikaw na ba ang asawa ni Aki ngayon? Bakit hindi na lang kayo magpakasal dalawa? Tutal, ayan na oh. Sobrang caring mo sa kanya. Ako ba, kapag ba nahulog ako mula sa bintana? Gaganyanin mo rin ako, Helix? Naku, ‘wag na tayo! Baka nga hindi mo na ako itakbo sa ospital kahit 50-50 na ako…” turan niya dahil sa labis na inis na nararamdaman niya. Hindi pa rin mahanap-hanap ang panty na kanina niya pa pilit na hinahagilap. Nagmistulan na ring binagyo ang kuwarto nilang dalawa ni Helix dahil sa ginagawa niya paghahalukay pero hindi iyun pinansin ni Nikki. She needs to find the fucking panty of hers. Kulay pink iyun, medyo faded at medyo lose thread na pero iyun talaga ang sinusuot niya kapag malayo ang pupuntahan niyang lugar. Pinadasalan niya rin kasi ang salawal na iyun sa Siquijor at sobrang epektibo niyun pampalayo ng disgrasya. Nikki is afraid of traveling, palagi na rin kasi siyang nakakabalita ng mga nadidisgrasya na bus sa daan ngayon kaya kailangan niya lang talaga ng assurance. Kung hindi niya man iyun mahanap sa araw na iyun ay hinding-hindi talaga siya aalis, hindi man siya magsuot ng panty sa susunod ng pitong araw, peksman!

“Nikki, si Rose, kumakayod ng maigi para may maipambayad siya sa bills ni Aki. Eto nga oh, kakatawag nga lang sa akin na mag-o-overtime ito para kumita ng mas maraming pera.” Helix sounded so true sa kabilang linya. At kilala naman niya ang asawa niya. Alam na alam niyang hindi ito nagsisinungaling.

“Ano ba ‘yan! Nakaakinis!” Gusto niyang magalit ulit pero hindi niya na magawa. Mabunganga lang itong si Nikki pero may puso din naman ito kahit papaano.

“Siguraduhin mo lang na totoo ‘yang sinasabi mo ha! Kasi pag hindi, ikaw talaga ang itatapon ko sa bintana!”

“Promise! Totoo!”

“Okay.” Nawala bigla ang matinding inis na nararamdaman ni Nikki. Natagpuan niya na kasi ang panty na hinahanap niya. Suot-suot niya pala ito simula kahapon. Nakakaloka.

“Kaya mo bang mag-driver mag-isa? Punta ka na lang dito sa ospital. Kunin mo na lang ang kotse rito.”

“Nahihibang ka na ba? Anong gusto mo? Mabangga ko ‘yung kotse natin?” Nikki doesn’t know how to drive kaya labis na lang ang inilipad ng mga dandruff niya sa naging rekomendasyong iyun ng asawa niyang si Helix. Okay na sana e. Kumalma na sana siya. Masarap lang itong asawa niyang si Helix pero pinapasakit din talaga nito minsan ang ulo niya. Jusko, kung hindi niya lang sana talaga ito mahal ay baka noon pa niya ito hiniwalan. Yet, Nikki loves him very much. Walang sakit ng ulo na maidudulot nito sa kanya ang makakapagpawala ng pagibig na nararamdaman niya rito. Matagal niya ng naipangako sa kanyang sarili na ito na talaga ang lalaking mamahalin niya habangbuhay at wala ng iba. Sobrang dami ng lalaki, lalo na mga foreigner ang humaling na humaling kay Nikki pero hindi niya iyun pinagtutuunan ng pansin. Loyal siya kay Helix at kahit isang beses ay hindi niya babasagin ang tiwalang ibinibigay nito sa kanya. Mukha lang siyang kaladkaring babae pero si Helix lang ang tanging lalaking hinahayaan niyang kaladkarin siya.

“Okay. Baba ko na ‘to. Bye. Ingat.” At doon na tapos ang paguusap nilang dalawa ni Helix kanina.

“Kuya malayo pa po ba?” tanong ni Nikki sa driver. She’s back in the present time. Malayo-layo na rin ang tinahak ng isip niya.

“Ay, ma’am! ‘Di pa po tayo umaandar. ‘Di niyo pa po kasi sinasabi kung saan kayo pupunta.”

Napatingin si Nikki sa labas. Mga dumadaang sasakyan ang nakita niya. Natanto niyang hindi pa sila umuusad. Napapanganga na lang siya.

“Kuya naman, puwede ka namang magsimulang magmaneho kahit na hindi ko pa sinasabi sa’yo kung saan ako hihinto. O ‘di kaya e tinanong mo na lang agad sa akin? Paano kung panghabang buhay akong natulala rito sa loob ng kotse mo, e ‘di panghabangbuhay din tayong nakatengga dito?”

“Tangina, e ‘di bumaba ka kung ayaw mong sumakay dito…” sagot sa kanya ng driver. Sumabog bigla ang mga dandruff sa anit ni Nikki dahil sa sobrang inis.

Eventually, sinabi niya rin naman sa driver kung saan siya hihinto at nang makarating nga sila sa tapat ng subdivision ay buong puso niya itong binayaran.

“God bless Kuya! Ingat ka! I love you!” sarkastiko niyang sabi rito. Pinakyu lang siya nito.

“Aba!” Babatuhin pa sana ni Nikki ng sapatos ang driver pero hindi niya na nagawa dahil sobrang layo na ng natakbo nito.

“Kainis!” Naglakad na si Nikki papasok habang hila-hila ang maletang walang laman. Pagkadaaan niya sa guardhouse ay kamuntikan na siyang atakihin sa puso nang hinila siya bigla ng kaibigan niyang si Miranda na panggabing guwardiya ng subdivision nila.

“Huy! Gaga! Ano ba?”

“Tignan mo ‘to! Dali! ‘Di ba sabi ko sa’yo, nakita kong naghalikan ang asawa mong si Helix at ‘yung housemate niyong si Aki noong pauwi sila pagkatapos ng senior’s ball! Ito na, Nikki! Ito na! May ebidensya na ako! Ito na!” Ginagulagad bigla ni Miranda ang computer sa table niya ng makapasok sla sa loob ng guardhouse. Hindi naman maka-react si Nikki kaya pinagmasdan niya lang ang ginagawa nito.

And then, boom! A picture pop up on Miranda’s monitor. Screenshot iyun sa kuha ng CCTV ng guardhouse. Inilapit ni Nikki ang mukha niya sa monitor. At first, kotse lang ang nakita niya ngunit nang makita niya rin ang nasa loob nito ay agad na nanlalaki ang mga mata niya.

She was not expecting this.

She was not.

***

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon