CHAPTER 352 - NIKKI

250 6 6
                                    

“Patawarin mo ako, please! Patawarin mo ako, Rose. Patawarin mo ako! Jusko! Patawarin mo ako!” Tila aliping napaluhod si Nikki sa gilid ng hinihigaang patient bed ni Rose. She was crying so hard that her tears just kept pouring down her cheeks. Nakadaop din sa isa’t-isa ang parehong palad niya na tila nanalangin. Kanina niya pa hinihintay ang pagkakataong ito. It took an hour bago umalis si Aki roon para hayaan silang dalawa ni Rose na makapagusap. At nang dumating nga ang oras na ito’y mabilis niyang ginawa ang dapat niyang gawin.

“Please! Patawarin mo ako! Jusko!”

Nikki felt so guilty on what she did on Rose. Habang hinihintay nga niya kanina sa labas na matapos ang mga nurses at doktor sa paggagamot kay Rose ay panay lang ang dasal niya. She had no intentions of killing Rose’s baby. Pokpok lang siya pero hindi siya mamatay tao. Sadyang nagdilim lang talaga ang paningin niya nang makita niya si Rose sa loob ng kotse ng asawa niya. At hindi lang iyun, tila sinapian nga siya ng demonyo nang makita niyang nagkalapit ang mga mukha nito. Sa ganang kay Nikki ay kung sino namang babaeng makakakita ng ganu’n ay iyun talaga ang gagawin. Iyun iba nga ay talagang nakakapatay pa. Nagkaroon siya ng intensyon na saktan si Rose pero hindi ang anak nito. Hindi niya magagawang manakit ng buhay na hindi kayang ipagtanggol ang sarili.

“Please, patawarin mo ako. Handa akong magbayad kahit magkano, handa ako gawin ang lahat ng iuutos mo. O kung gusto mo, ipakulong mo ako. Please, ipakulong mo ako…” Nikki begs again.

Rose is not talking back to her.

“Please po. Maawa ka po sa akin. Please.”

“Nikki...”

“Po?” Natigilan siya nang tinawag siya ni Rose.

“Huwag mo akong i-po. Mas mukha kang matanda kaysa sa akin.”

“Opo, este, oo, Rose. Oo.” Tuwang-tuwa si Nikki. Iyun nga lang, umiiyak pa rin siya ng sobra-sobra at nakaluhod pa rin hanggang ngayon.

“Puwede na ba akong tumayo? Ang sakit na kasi sa tuhod e,” pagbibiro niya. She’s just trying to make Rose laugh.

“Sino bang may sabi sa’yong lumuhod ka?” malamig nitong sagot nito sa kanya.

“Oo nga, sino bang may sabi sa akin. Pero bahala na! Luluhod pa rin ako! Ang laki ng kasalanan ko sa’yo e…” parang batang sagot ni Nikki. Nilaro-laro niya rin ang mga daliri niya.

“Pero seryoso Rose, talagang totoo ang pagso-sorry ko sa’yo ngayon. Nung nakita ko kayo ni Helix, sobrang nagalit ako sa’yo. Hindi ko naman kasi alam na wala naman pala kayong ginagawang masama.”

“I’m not interested with your husband, Nikki.”

“Alam ko, alam ko…” she responded. “Kaya nga ako humihingi ng sorry e kasi sobrang guilty ako. So ayun nga, noong nakita kitang dinudugo, naalala ko bigla ang sarili ko sa’yo. Alam mo ba, gaya mo, dati na rin akong nabuntis, at hindi lang isang beses kundi sobrang dami na. Palagi naming sinusubukan ni Helix magkaanak pero wala e, hindi pa tumatagal ang baby sa loob ko ng three months, nawawala na ‘yung heartbeat niya.” May tumulong luha sa kanang mata niya. She tried to smile. “Gusto kong mabigyan ng anak si Helix kaya sumubok kami ng sumubok to the point na hindi ko na kayang makitang may baby na nawawalan ng heartbeat sa loob ng katawan ko kaya tinigil na namin.” She sobs pero ngumiti pa rin. “Kaya nga sobrang selosa ko e, kasi natatakot ako na baka bigla akong ipagpalit ni Helix doon sa kaya siyang bigyan ng anak. Kaya sorry.” Humagugol ito. “At gusto ko lang malaman mo na noong nakita kita dinudugo, grabe ang takot na naramdaman ko. Sobrang natakot ako sa puwedeng mangyari sa’yo.”

“Nikki…”

“Hmm?” Pinahiran ni Nikki ang mga luha niya nang tinawag siya ni Rose.

“Aki seems so cold to me. At narinig mo naman ang sinabi niya sa akin ‘di ba? Na hindi niya na ako kayang mahalin gaya ng dati? May alam ka ba kung bakit siya nagkakaganyan sa akin?”
Napatingin si Nikki sa sahig. “Rose, eto ha. Hindi naman sa gumagawa ako ng kuwento o ano pero, paano kaya kung…” Natigilan si Nikki nang maalala ang screenshot na pinakita ni Miranda ssa kanya sa guardhouse kanina. “Alam kong naiisip mo rin ‘to kahit papaano. Pero paano kaya kung may tinatagong relasyon si Helix at Aki sa ating dalawa?”

Napalingon si Rose sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa.

Nikki is denying this all the time. Dahil bukod sa mukhang imposible dahil parehong lalaki si Helix at Aki ay hindi ito kayang tanggapin ng puso niya. Pero hindi naman din siya puwedeng magbulagbulagan habang buhay. Pokpok lang siya pero hindi siya tanga.

Hindi siya tanga.

Hindi sila mga tanga ni Rose.

Hindi.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon