CHAPTER 310 - ROSE

314 5 1
                                    

“You’re already very good looking,” puri ni Rose kay Aki na ngayon ay suot-suot na togang matagal-tagal na nitong inasam-asam na mailagay sa katawang nakakaramdam ng pagod dahil sa ilang taong pakikibaka sa kolehiyo. Alalang-ala ni Rose ang mga araw na palaging nagrereklamo si Aki sa kanya kung gaano na ka-boring ang pumasok araw-araw. Not because he feels lazy about going to school pero hindi lang siya na-cha-challenge sa mga activities at exams na nangyayari sa mga subjects nito. Aki always studies in advance kaya kapag pumapasok siya ay palaging wala nang excitement ang mga lessons para sa kanya dahil kung ano ang mga inaral niya ay inuulit lang ito ng mga professors niya. Aki wants the real thing. Iyun hindi puro theories lang at iyung naa-apply talaga sa totoong buhay, and at the same time challenging. Something that would bug the life out of his body. Something that would really take his time and effort. Something that would make him awake for several nights.

At tandang-tanda nga ni Rose ang mga araw na pinapakalma niya si Aki, na sinasabi niya rito na maging patient lang muna kasi darating din ang panahon na matatapos ang boredom niyang ito at mapapalitan na ng mga karanasang makakapagbigay ng totoong challenge sa kanya. At dumating na nga ang araw na iyun. It is happening today.

“You sure?” tanong ni Aki sa kanya.

Pumikit si Rose, tumango, ngumiti at inayos ang kuwelyo sa loob ng toga ni Aki, “Sobrang sure.”

Magtatagal pa sana silang pareho roon nang may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto nila. Nagkatinginan silang dalawa ni Aki at maya-maya pa ay napagdesisyonan na nilang buksan ito. Bumulaga sa kanila ang nakangiting si Nikki kung saan sa likod nito ay naroon namang nakatayo ang asawa nitong si Helix.

“Sa kotse na namin kayo sakay?” tanong ni Nikki sa kanila. Nagkatinginan silang muli ni Aki. They can feel each other’s hesitation. Tatangi pa sana si Rose pero wala na siyang nagawa nang hinila na nito si Aki. Nagsimula na ring sumunod si Rose matapos niyang i-lock ang pinto ng kuwarto.

“Helix, hawakan mo si Aki para hindi na makatakas tapos ako, hahawakan ko naman si Rose? ‘Di ba, Rose?”

Hindi na nakapagsalita si Rose nang tumabi na si Nikki sa kanya’t pinulupot na ang kamay nito sa braso niya. Nginitian niya ito ng pilit lalo na nang makita niya ang ayos nito. Pink spaghetti paired with a very tight maong shorts. Kinulot din nito ang maikli nitong buhok. Matingkad din nang suot nitong make up. Nang makita niya nga rin ang dibdib nito ay halos mapa-sign of the cross si Rose nang matatanto niyang isang maling galaw lang ng katawan nito ay paniguradong lalabas ng walang paalam ang pares ng suso nitong palaging umaalog-alog.

“’Di ba, Rose? Sumagot ka naman?”

Nginitian niya lang ulit ito.

Magko-commute lang naman sa talaga silang dalawa ni Aki papunta sa university dahil mahaba pa naman ang oras pero dahil nag-insist na nga si Nikki ay hindi na siya nakapalag. Nakita niya na rin naman kasi na medyo naging okay na ang pakikitungo nito sa kanila kaya ayaw niya rin naman itong bastusin. Kaninang umaga nga, noong nagbo-breakfast silang dalawa ni Aki, nakisalo itong si Nikki at ang asawa nitong si Helix sa kanila, at buong akala niya ay pagsasampalin silang dalawa nito ni Aki pero laking gulat niya nang tumatawa lang ito all the time. Rose clearly remembers how shitty Nikki’s attitude is towards her the other day at she really felt grossed out with it pero dahil mabuti siyang tao at dahil naniniwala siyang deserve ng bawat nilalang dito sa mundo ng second chances ay pinatawad niya na ito ng walang pagaalinlangan. Hindi niya rin naman kasi alam kung ano ang mga drama nitong si Nikki sa buhay kaya ayaw niya ring manghusga agad.

Inakbayan lang ni Helix si Aki at kita naman ni Rose kung gaano na naging kalapit ang dalawa dahil sa palitan ng mga biro nito. Tumatawa-tawa lang din ang dalawa ang habang naguusap. And Rose is glad about it. Alam niya rin kasing hindi gaanong ka-friendly si Aki sa mga kapwa nito lalaki before at nakakatuwa lang na ngayon ay natututo na itong makasilamuha sa mga kapareho ritong tigasin. Rose had learned her lesson last night. Na huwag agad manghusga ng isang tao base sa mga panandaliang nakikita mo rito. Instead, know the person deep inside, kilalin mo ito ng maigi at huwag na huwag mo agad itong paratangan ng kung anu-ano. Helix, despite of its habits that Rose doesn’t really like, ay naniniwala siyang mabuti pa rin itong lalaki, dahil kung hindi ay bakit ito kakaibiganin ni Aki?

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon