CHAPTER 348 - HELIX

245 2 0
                                    

“Nikki, ano ba?” sigaw ni Helix matapos niya itong hilain palayo kay Rose. “Are you crazy?” dagdag nito.

Tumitig lang ito sa kanya. Nakita niyang puno ng galit ang mga mata nito. Hindi mawari ni Helix kung bakit ito nagkaganito. Kahit kanina, gulat na gulat siya nang makita ito pagkatapos buksan ang pinto ng sasakyan niya bago pa nito mahila si Rose palabas. Buong akala niya’y nagpunta ito sa probinsya’t kaya labis na lang ang pagkabato niya. He even thought that it wasn’t her. Na namamalikmata lang siya. But it was Nikki. It was his wife.

Hindi rin siya nakapag-react agad ng hinila nito si Rose palabas sa kotse niya. Nabato ng saglit si Helix dahil sa pagkabigla kaya hindi niya ito nasundan agad. Doon lang siya naka-responde nang pinatungan na ni Nikki si Rose sa aspalto’t pinagsasampal.

“Baby ko… Ang baby ko.”

Mas lalo pang nagising ang diwa ni Helix nang marinig ang tila hayop na ang pag-iyak ni Rose. Nakaupo pa rin ito sa daan and just what the hell, she’s bleeding!

“Rose!” Agad niyang binitawan ang parehong braso si Nikki at mabilis na nagpunta sa gilid ni Rose. Nanlaki ang ma mata niya nang makita ang pulang-pulang dugo na umaagos sa hita nito. Even if he’s trembling, he still managed to check kung puwede niya ba itong buhatin and when he finds out that’s it okay, mabilis niya itong ginawa. He’s a gym instructor and at the same time a martial artist kaya alam ni Helix kung paano rumesponde sa mga pangyayaring ganito. He knows if he can assist that patient or he should just call the ambulance.

“Open the door!” sigaw niya kay Nikki habang tumatakbo papunta sa gilid ng kotse. Nikki who was still in shocked wasn’t able to react that fast. Nanlalaki lang ang mga mata nito’t naninigas ang katawan.

“Nikki!” sigaw ni Helix rito at tila natauhan ito bigla. Natatarantang gumalaw si Nikki at nang makarating nga sa gilid ni Helix ay agad-agad niyang binuksan ang pinto. Mabilis ngunit maingat namang pinaupo ni Helix si Rose doon.

“Helix, ang baby ko….” Rose was already very pale. Naghihina na rin ito at panay lang ang iyak.

He fastens her seatbelt, “Don’t worry Rose, we’ll save you and your baby,” anito kay Rose.

“Nikki, assist her. Tabihan mo siya...” utos ni Helix nang hinarap niya si Nikki.

Nanginginig itong tumango sa kanya.

Umikot silang dalawa sa harapan ng sasakyan. Helix immediately started the engine nang makaupo siya sa driver’s seat. Nang makita niya sa rearview mirror na ayos na rin si Nikki at Rose sa likod niya ay mabilis niyang pinaandar ang kotse. Sobrang tulin ng takbo ni Helix to the point na noong tinangka silang hinarang ng security sa exit ng subdivision ay kamuntikan niya nang banggain ang gate.

“Rose, I’m sorry. I’m sorry.”

Napatinging muli si Helix sa rearview mirror at panay lang ang iyak at hingi ng tawad ng asawa niyang si Nikki kay Rose. Napailing-iling si Helix habang pinagpapawisan ng labis. He doesn’t know what do with with Nikki. Noon ay kaya niya pang i-tolerate ang pagiging selosa nito pero sa ginawa nito ngayon ay alam niyang napuno na siya nito. Malaki ang hinala niyang ginawa nito kay Rose ang bagay na iyun dahil nakita nitong nasa loob ito ng kotse niya kanina. With this, he can say that he’s really tired with Nikki. Pero ngayon, hindi muna iyun ang iisipin niya. Right now, he needs to clean her mess. He needs to save Rose and her child, which is Aki’s child too.

Naipikit ni Helix ang mga mata niya nang maalala niya si Aki.

This is a big mess.

A very big one.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon