Chapter 2: Betrayal
"Hoy!ayos kalang?" Siko sakin ni Princess dahilan para mapabalik ako sa ulirat ko. "Uh-huh?" Takang tanong ko. Bigla siyang sumeryoso ng tingin kaya medyo natakot ako. Minsan lang maging seryoso si Princess dahil masayahin siya tao... at nababahala ako ngayon kung bakit ang seryoso niya...
"Anong nangyari sa inyong dalawa??" Takang tanong niya. Napayuko nalang ako at hindi ko siya tinignan deretso sa mata dahil kinakabahan ako... "Isabelle... ano ang nangyari sa inyo." Matigas at walang emosyon na sabi niya, pero nanatili akong tahimik. Ayaw kong magsalita. Hindi ako pwede magsalita. Yan paulit ulit na bulong ko sa isip ko.
"Kapag hindi sumagot susugurin ko ang lokong Elton na yan!" Inis na sabi niya dahilan para mapapikit ako. Kapag kinaibigan mo si Princess grabe yan siya mag alala... pareho talaga sila ni Kiesha yung isa ko pang bestfriend na hindi ko alam kung saan lumakwatcha!
"Behati." Isang salita pero napatingin agad ako sakaniya. Minsan niya lang akong tawagin na Behati at kapag tinatawag niya ako non... alam kong seryoso na siya... Pero hindi parin ako nagsalita... because If I speak... it will make the situation worse. Nanatakot ako hindi dahil kay Princess... natatakot ako baka kapag nagsalita ako ay maaaring bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan!
"Please tell me... I'm your bestfriend right? Hindi ko kayang makita na umiiyak ang bestfriend ko... so Please tell me..." mahinahong sabi niya... "I-i... I dont know... hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa relasyon na min... o kung pero pabang kami?" Sabi ko at tuluyang tumulo ang luha ko...
"T@ng|n@! Simulat sapul hindi ko na talagang gusto ang lalaking yun!" Inis na sabi niya at bigla siyang tumayo... "saan ka pupunta?" Nagaalalang tanong ko. "Pupuntahan natin siya... lilinawin natin kung ano paba kayo.." sabi niya. Kaya kahit labag sa kalooban ko ay sumama ako sakaniya.
Hindi gaanong mayaman sila Elton pero hindi rin sila kasing hirap namin. Ang papa niya ay isang retired Philippine Army samantalang ang mama niya ay isang doctora. Close kami ng parents niya simula ng una at mabait rin sila sakin... sakatunayan nga ay tinuturing nila akong anak nila.
Noon super excited ako kapag pumupunta ako kina Elton pero ngayon... hindi ko alam... iba ang kaba ng dibdib ko.. parang may mali... Kumatok kami sa pintuan nila at binuksan naman iyon ng papa ni Elton. Ngumiti siya samin at malugod kami na pinapasok...
"Good afternoon po.." bati namin. "Good afternoon man sainyo.. sige maupo muna kayo.. tatawagin ko lang si Tita Elinor niyo.." nakangiting sabi niya at tumango lang kami. Maya maya pa ay lumabas mula sa kusina si Tita Elinor at biglang kaming niyakap... "Kamusta na kayo? Tagal na nating di nagkita ah!" Masayang sabi niya. "Okay lang po kami... kayo po??" Magalang na sabi ko, binitawan niya kami at hinayaang maupo. Alam kong kanina pang atat na atat si Princess na magtanong kung asan si Elton.
"Oks lang ako! Bakit nga pala kayo naparito? Wala dito si Elton... pupunta daw sa bahay niyo... bibisitahin niya ikaw kasi may date kayo... hindi mo ba alam yun?" Sa sinabi ni Tita Elinor ay bigla akong kinabahan... pupunta siya sa bahay? Bakit? "Po? Wala naman po silang napagusapan ni Elton. Sa katunayan po nga andito po sana kami para linawin ang relasyon nila ni Isabelle at Elton.." sa sinabi yun ni Princess ay halos nanlaki ang mata ko samantalang gulat na gulat naman abg magasawa sa pagiging straightforward niya.
"Sandali lang... Isabelle... kagabi.. may naalala akong sinabi si Elton... malapit na daw kaming magkaapo... buntis kaba? Pupuntahan niya daw kasi ngayon ang magina niya..." sabi ng papa ni Elton dahilan para mapaiyak ako... "hindi po ako buntis.. at impossible pong mabuntis ako dahil walang nangyari samin at ilang buwan narin akong iniiwasan ni Elton lagi nuya kasama si Mari-" natigilan ako ng biglang nag sink in sakin ang lahat nang nangyayari... mukhang na gets rin naman ni Tita kung ano ang ibig kong sabihin dahil bigla nalang sita humagolhol...
No! Hindi totoo!!. Ang tanging nasabi ko.. pero impossible... bakit?? "P¿t@ng/N@! SABI NA NGA BA EH!" inis na sabi ni Princess... "ija... pupuntahan natin ngayon si Elton... hahayaan natin siyang mag explain okay?" Sabi ni tito na tinanguan ko naman kaagad... sana hindi totoo... sana hindi totoo..
Paulit ulit na sabi ko sa isip ko habang papunta kami ng bahay. Mabuti nalang at nakapagpaaalam si Princess sa mama niya bago kami umalis na tinanguan naman ni Tita kaagad agad. Hindi ko magawang umiyak... siguro na ubos ang luha ko kakaiyak sakaniya... siguro... manhid na ako...
Nang pumasok kami sa bahay ay nadatnan ko si nanay na umiiyak habang tinitignan ng masama si Mariel na nakaupo sa sahig sa gilid nito ay si Elton na halos pulang pula narin kakaiyak.
"Nay! Bakit niyo po siya sinaktan?!" Takang tanong ko at tinulungan tumayo si Mariel pero nabitawan ko rin agad ng marinig ko ang sinabi ni Nanay...
"Buntis siya Isabelle! At alam mo kung sino ang ama?! Ayang boypren mo! Pinagtaksilan ka nila anak! Paano mo pa siya magawang kampihan!" Inis na sabi ni nanay na nagpaguho ng mundo ko!
.Bakit?! Bakit?! Bakit sila pa! Bakit hindi nalang iba! Bakit??! Paulit ulit na sigaw ko sa isip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko... tutulungan ko bang tumayo si Mariel o sasampalin ko si Elton.
Hindi ko na alam ang nangyayari... basta isa lang ang alam ko...
Nasasaktan ako...Nasasaktan ako na para bang gusto ko malaho na lang na parang bula... napapagod narin ako... na para bang gusto ko nang sumuko...
___________________________________________________A/N
Hope you like it guys! Love lots!😊😊
💛
YOU ARE READING
The Charmless Queen💛💙
Teen FictionFalling inlove is the best feeling but being broken is worse feeling. -- Rylandrien Tristan Ferrer Why fall in in love if you can fall out of the window and get the same result. -- Louise Calvin Mates are not irreplaceable... and because of that...