Chapter 1

95 2 3
                                    

Special thanks to: Jihyunie17 for making the book cover.
If you have stories you can ask her to make a cover for your books. She is also the one who made my present cover of my two other stories.

Chapter 1: beginning

" Isabelle! Gumising ka
na jan! Kaaga aga pinapagalit mo na agad ako!" Napabalikwas agad ako sa kama ng marinig ko ang sigaw ng aking ina...

Napatingin ako sa orasan sa sira sira kong cellphone at halos mahimatay ako ng makitang alas otso na pala ng umaga! Natatakot akong tumayo pero wala akong magawa... baka mas malala pa ang gagawin niya sakin kapag hindi ako nagpakita sakaniya.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok pero kahit ganon kailangan ko parin gumising sa oras dahil magagalit siya... ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko... alas kwatro na ng madaling araw ako nakatulog dahil kailangan ko pa gawin ang proyekto ko naipapasa sa lunes.

"Bakit ngayon kalang bumangon? Ha! Diba sabi ko sayo kahapon maaga ka magising dahil may trabaho kapa mamayang alas onse!paano ka makakatulong sa gawaing bahay kung  paggising mo ay aalis kana agad!" Inis na sabi ng nanay ko at tunuturo pa ako ulo ko.

"Pasensiya na po inay..." yun nalang ang tanging nasabi ko.

"Ikaw talagang bata ka!bakit di ka gumaya sa kapatid mo oh! Ikaw kakagising mo palang pero siya ayun na! Nakaalis na para makipagkita sa mga kaibigan niya!" Napapikit nalang ako dahil sa mga narinig ko..

Here we go again...

Ang tanging naisip ko nalang. Ganyan lagi ang nangyayari... she always compare me to her fucking child!

Hindi kami magkapatid na buo ni Mariel... magkapatid lang kami sa ama. Pero ilang taon na ang nakalipas simula nang mamatay siya... kaya ito ako ngayon... nagtitiis sa masamang ugali ng bago niyang asawa. 

Gusto kong umalis pero hindi ko magawa... oo kahit ganon ang pakikitungo sakin ni Nanay mahal ko parin siya. Hindi ko nakita ang totoong nanay ko simula ng ipinanganak ako. Kaya siya na ang tinuring kong ina.

Hindi kami mayaman... tutal nga minsan ay sa isang araw isang beses lang kami kumakain... panlalaba ang trabaho ni Nanay samantalang ako ay sa isang coffee shop. Kaya gabi ko na nagawa ang project ko kagabi kasi may trabaho ako at nag Overtime pa.

Hindi pa ako tapos magaral... ikatatlong taon palang ako ng college samantalang si Mariel naman ay sa unang taon ng college. Ang sahod na natatanggap ko sa coffee shop ang ginagawa kong baon. Tapos kapag wala naman pasok ay nagtatrabaho ako sa isang bakery na pinagmamay ari ng mama ni Princess na bestfriend ko. Triple ang sahod na natatanggap ko sa bakery dahil yun nalang daw ang tulong nina Princess sakin. Kahit nahihiya ako ay tinatanggap ko nalang, kapag ganito buhay mo wala na talagang hiya hiya.

10:30 na kaya naghahanda na ako para sa trabaho ko ng pumasok si Nanay sa maliit ko na kwarto. Hindi gaano ka liit ang bahay naman. May tatlo itong kwarto na maliliit diin isang banyo maliit na sala at maliit na kusina. May katabing kubo ang bahay namin na kung saan nagluluto si nanay. Sa kabilang bahagi naman ay isang balon kung saan kami naglalaba...

"Isabella... may pera kaba jan?? Humihingi kasi kapatid mo eh... kahit daw 1000 lang... wala akong natabi eh." Sabi niya.

Gusto kong tanongin kung para saan niya gagamitin pero nanatiling tikom ang bibig ko at tinignan ang wallet ko na malapit nang maubosan ng laman.

1500 nalang ang tira sakin kaya binigay ko kay nanay ang 1000. Mabuti nalang ay may natabi pa ako sa sahod ko sa coffee shop.

Lumabas si Nanay na hindi manlang nagsasabi ng salamat... okay lang..  sanay na ako...

Tumayo na ako at lumabas doon ko nakita si Mariel na tuwang tuwa dahil may panlibre na naman siya sa mga barkada niya nawalang kwenta... balita ko nga naninigarilyo na yan eh... pero hindi ko lang pinakailaman... baka ako na naman ang maging masama...

"Alis na po ako..." sabi ko... pero wala manlang sumagot... okay lang... sanay na ako...

After 10 minutes na paglalakad at nakarating na ako sa bakery nina aling Lira... nanay ni Princess..

"Hello po... sorry po kung nahuli ako.." sabi ko habang sinusuot ang apron...

"Ano kaba ija... ayos lang... wala panamang masyadong costomer eh." Nakangitinv sabi ni tita Lira kaya napangiti narin ako.

Pumunta na ako sa loob ng kusina nila at doon ko nakita si Princess na nakahintay para maluto ang kaniyang tinapay.

"Isa! Kamusta na??!" Nakangiting sabi niya at niyakap ako.
"Ayos lang... ikaw??" Natatawang sabi .

"Ayos kalang ba talaga??" Tanong niya dahilan para mapawi ang ngiti ko. Pilit na ngiti ang pinakakita ko sakaniya at nagsimulang ihanda ang mga pangangailangan ko.

"Hayst... ano na naman ang nangyari? " nagaalalang tanong niya..

"Nanghingi sakin si Nanay ng pera... ibibili ko sana  yun ng bagong bag eh... sira na oh!pero binigay ko nalang..." mahinang sabi ko dahilan para mapabuntong hininga siya.

"Hindi na natin yun pag uusapan... kamusta na kayo??" Nakangiting sabi niya at tinaaas taas pa ang kaniyang kilay...
Hindi ko narin napigilang mapangiti at mamula sa sinabi niya.

"Sinong kayo?" Paenosenteng tanong ko. " asus! Edi sino pa edi yung Prince Charming mo!" Natatawang sabi niya. Napabuntong hininga lang ako at umupo katabi niya.
"Ayus lang siguro??" Hindi siguradong sabi ko.

"Bakit anong nangyari jan sa boyfriend mo?!" Nagaalalang tanong niya. Yes!may boyfriend po ako. His name is Elton Jan Torrez, magkaibigan po kami simula pagkabata hangang sa lumaki ay nagkagustuhan na. Pareho kami ng section mula elementary hangang highschool... nangako kami sa isat isa na sa college parehong culinary ang kukuhanin namin course...

Kaso nagbago ang lahat ng ipakilala ko siya kay Mariel. Pinakilala ko siya noong graduation namin sa 2nd year college.  Then this year... bigla siyang nagbago ng course,  and i dont know the reason why... sabi niya..  hindi niya kaya... o baka... ayaw niya na...
___________________________________________________
💛💛
A/N
Hope you like it... sana po mag vote ang comment rin kayo... thank you!💛

The Charmless Queen💛💙Where stories live. Discover now