Chapter 31: Sino ang kalaban?
simula pa kanina ay hindi ko nakikita si Tristan, nagaalala ako pero alam kong hindi Dapat emosyon ang pairalin ko ngayon. Hinihiling ko lang na sana siya ay ligtas.
Ng tuluyan na kaming nakapasok sa paaralan ay doon namin nakita kung gaano kadami ang kalaban, halos lahat ng aming kasamahan ay nakahandusay na at sugatan. Mabuti nalang at nakasalubong naming tatlo sina Ate Yvonne, kaye at Markie.
"Asan na yung iba?" nahihirapang tanong ni Princess habang pinapagaling ang sugat sa braso ni ate Yvonne, mabuti nalang at aming tatlo ay may kapangyarihang magpagaling ng sugat kung hindi ay baka mapano na sila.
"andon sila sa loob ng gym. Napapalibutan sila ng napakaraming havalel at ang hari ng hukbo nito." Sabi ni markie, "Hari?" takang tanong naming tatlo. Hindi... si Eva ang kalaban?
"hindi pa namin nakikita si Eva ngunit magsasabi ko na isa siya sa mga kasabwat pagkat nakita ko ang isa sa kaniyang mga alagad kanina." Sagot ni Ate Yvonne, ng matapos na ay nagsimula na kaming tumakbo papuntang Gym.
Umakyat kami sa katabing building at doon namin nakita kung gaano kadaming kawal ang naroon, gusto kong sumigaw ng makita ko kung paano nila saktan ang aking mahal. Walang may karapatang saktan ang sino man sa aking minamahal, lalo na si Tristan!
Nagulat na lamang ako ng bigla akong sampalin ni Kaye, "Huwag kang magpadala sa iyong damdamin kamahalan, baka nakakalimutan mo na kakambal mo ang kalikasan." Sa sinabi niyang yun ay bumalik ako sa aking tamang pagiisip pagkat siya'y hindi nagkakamali.
"May plano ako."
Andito ako sa harap ng gym at nakita ko na nakaakyat na sa taas sina markie, hindi pa silang maaaring sumugod pagkat maaaring patayin nilang lahat ang kanilang mga bihag. Kailangang may bait. At ako iyon.
Gamit ang aking kapangyarihan ay binuksan ko ang pintuan nito dahilan para mapunta sa akin ang kanilang attention. Nanlalaking mata akong tinignan ni Tristan, ngunit hindi ko siya pinansin.
"Pakawalan mo ang iyong bihag, heto na ako at sumusuko sa iyo." Saad ko ngunit Tumawa lamang ang kanilang pinuno. "Kaawa awang Bella, hindi niya napalaki ng maayos ang kanyang anak." Bakit parang ang pamilyar ng kaniyang tinig? Bakit parang kilala ko ang taong nasa likod ng mascarang iyon.
Ngumisi lang ako sakaniya bago nilabas ang aking kapangyarihan at isa isang pinaslang ang mga havalel na may hawak na bihag. Dahil sa aking ginawa ay kalahati ng aking enerhiya ang nawala at halos mawalan ako ng balanse. Pakiramdam ko ay may paparating kaya sinangga ko ito ng aking espada, akmang sisipain na ako nito mabuti nalang at may pumigil sa paa nito at sinaksak siya mula sa likuran.
Niyakap ko ng mahigpit si Tristan bago siya hinalikan. "Pangako ka sakin. Ako lamang ang iyong papakasalan." Saad niya kaya ngumiti ako, "Pagkatapos ng lahat ng ito, ikaw lang ang magiging hari ko." may susugod sana samin ngunit napigilan siya ni Ate Yvonne.
"Maari bang mamamaya na kayo maglambingan? Tayo ay nasa gitna ng labanan. Walang forever tsk." Napatawa kami sa kanyang sinabi at nagsimula ng makipaglaban.
*Kiesha Amanda Villegas
Saksak dito. Saksak doon. Ilag dito. Ilag doon. Suntok dito. Suntok doon. Pana dito. Pana doon. Yan na lamang ang aking ginawa sa loob ng isang araw simula kanina at nakakasawa na. nais ko na lamang ay matigil na ito at makapiling na ang aking minamahal.
Napatingin ako kay Matt na halos ilang metro lang ang layo sakin. Marami na siyang sugat ngunit patuloy parin siya sa pakikipaglaban. Ng mapansin kong wala ng nakabantay sa gitna ay dali dali akong lumapit doon at pinakawalan ang mga bihag. Ginamot ko ang mga sugatan dahilan para manghina ako.
Nang halos kalahati na ang aking mapakawalan ay may naramdam akong kakaiba, dali dali akong umiwas at wala pang isang minute ay may palaso na tumama sa aking gilid. Nang lingunin ko kung sino ito, ay ang kanilang leader pala.
Nagbato din ako ng palaso at ganun din siya mabuti nalang at nagamot ko na halos lahat ng may sugat kaya sila na bahala kakapakawala sa iba.
Umakyat ako sa gitna upang kalabanin ito. Inaamin kong hindi ako ganun kagaling ngunit handa kung ibuwis ang aking buhay malaman lamang kung sino ang nasa likod ng masakarang iyon. Sinipa niya ako sa tagiliran dahilan para maluhod ako, akmang sasaksakin na niya ako ngunit napigilan ko ito. Sinuntok ko ang kanyang dibdib upang ako ay makawala. Nagpakawala ako ng sunod sunod na palaso ay may iilang tumama may iilang hindi.
Madami ng sugat ang aking katawan at nanghihina na ako ngunit pilit pa din akong lumalaban. "Bakit ayaw mong sumuko, munting diwata?" nawiwiling saad niya. Tinignan ko lang siya ng masama, "Hinding hindi ako luluhod sa isang katulad mong taksil!" isa siyang diwata ngunit bakit siya nakikipagpanig sa mga havalel?
Nanghihina na ang aking katawan ng bigla ng sigawan ang lahat. Andito na si Eva, andito na sya. Dahil dito ay nawala ang atensyon ng aking kalaban dahilan para magkaroon ako ng pagkakataon na saksakin siya. Kinuha ko ang kanyang maskara at halos magulat ako sa aking nakita.
"M-matheo." Bulong ko.
"KIESHA!" rinig sa buong gym ang sigaw ni Princess at halos manlaki ang aking mata ng makitang may lumalabas na dugo mula sa aking baba. Napatingin ako sa aking tyan at doon ko nakita ang isang saksak mula kay Eva.
Unti unting nanlalambot ang aking katawan at ako ay tuluyan ng natumba. Nilapitan ako ni Princess at pilit na ginagaling ngunit wala na. katapusan ko na.
"NO, NO! NO please! Lumaban kaaaa. Lumaban ka! You promise us, walang iiwanan! Sabi mo babalik pa tayo sa burol kasama si Isa! Kiesha! Sabi mo magiging ninang kapa! Kiesh, please please lumaban ka!" umiiyak na sabi ni Princess. I smile at her, then touch her cheeks.
"I-I'm happy. T-thank you." Ngumiti ako kay isabelle na halos hindi na alam ang gagawin. "Andito lang ako palagi. Tandaan niyo yan. M-mahal ko kayo." Umiiyak na ako ngunit nagawa ko pa ding tignan ang mata ng minamahal ko na nakaluhod sa aking harapan.
Nawawala na akong malay kaya tahimik ko na lamang binanggit sakaniya ang mga salitang nais kong iparating.
'I love you.'
Hangang sa unti unting umiilaw ang aking katawan, nagising na lamang ako sa hindi pamilyar na silid.
"Sino ka?"
YOU ARE READING
The Charmless Queen💛💙
Teen FictionFalling inlove is the best feeling but being broken is worse feeling. -- Rylandrien Tristan Ferrer Why fall in in love if you can fall out of the window and get the same result. -- Louise Calvin Mates are not irreplaceable... and because of that...