Chapter 34

5 1 0
                                    


Chapter 34: Happy Ending?

*Kiesha Amanda Villegas.

Ako si Kiesha Amanda Villegas, anak ng isang tao at mandirigma. Ako ay lumaki sa piling ng aking inaakalang magulang pagkat ang totoong magulang ko ay namatay na nung ako ay sanggol palamang. Isa sila sa mga namatay noong digmaan laban kay Matheo at Reyna Isabella.

Nakita ko kung paano nila kamahal ang kaharian na kaya nilang ibuwis ang kanilang buhay para lamang dito. Kung gayun simula noong bata ako ay pinangako at isinumpa ko na sa sarili ko na, pro protektahan ko ang kaharian sa lahat ng aking makakaya, kahit kapalit pa nito ay aking buhay.

Mamahalin ko ang kaharian higit pa sa pagmamahal ng aking mga magulang dito. Nais kong maging proud sila sa akin. na kahit saan man sila ngayon, alam kong masaya sila sa kung sino man ako ngayon. Mahal na mahal ko kayo, Ina, Ama, kahit iniwan na niyo ako ng napakaaga.

"Sino ka?" tanong ko sa nilalang sa aking harapan. Ng tuluyang umayos na ang aking paningin ay nanlaki ang aking mata. "Ama ni Isa?" gulat na sabi ko, tatayo na sana ako ng biglang pinigilan niya ako.

"Kumalma ka diwata, ikaw ay may mga sugat pa na hindi nahihilom." Saad niya at may pinainom na kung ano sakin. "Ngunit paano? Akala ko ba ay patay kana?" gulat na gulat na sabi ko ngunit umiling lang siya sa akin bago umupo sa aking harapan.

"Bago magkaroon ng digmaan ay may pangitain ng nakita si Isabella kung kaya ay pinalayo niya ako. Ayaw ko mang iwan sila ngunit sabi niya ay iyon ang makakabubuti. Matapos ang digmaan na naganap noon ay pumarito sa Deven ang aking magina ngunit ako ay wala dito pagkat ako ay may isang misyon. Hinanap ko ang aking anak ngunit hindi ko ito nakita kaya ako ay nanatili na lamang dito.

Ngunit nahanap ko kayo ng makita ko ang isa niyong kaibigan na humihingi ng tulong sa kalikasan upang malaman ang nakaraan kaya sinundan ko sila at ako ay naligaw, mabuti nalamang ay kayo ay aking natagpuan. Mabuti na lamang at ikaw ay aking naabutan kaya ako ang nagbigay sayo ng lunas." Mahabang paliwanag niya, kaya dali dali akong umayos ng upo kahit na masakit pa ang aking mga sugat.

"Kung gayun ay kailangan nating bumalik sa palasyo-
"Kapag magaling kana. Magpahinga ka at huwag matigas ang ulo kung nais mo talagang bumalik ng palasyo." At umalis na siya.

Kaya naman ay sinunod ko ang kanyang sjnabi at ng tuluyan na akong gumaling ay lumisan na kami upang bumalik ng kaharian.

"AMA?!" gulat na sabi ni Isa kaya naman ay napangiti ako. Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Tito Charles ng yakapin sya ng kanyang anak. Ama, ina, saan man kayo ngayon sana ay masaya na din kayo.

"Mabuti naman at ikaw ay bumalik na." saad ni Markie kaya ngumiti nalamang ako. Inilibot ko ang aking mata ngunit hindi ko siya makita. "Siya ay lumabas pagkat hindi daw nya akalaing buhay kapa. Andon siya sa hardin. Sundan mo na." natatawang sabi niya kaya naman ay dali dali akong lumabas at hinanap siya.

"Matt?" tawag ko sakaniya, lumingon siya sakin at bakas sa kaniya mga mata na umiyak sya. Tinakbo niya ang pagitan sa aming dalawa at niyakap ako.

"Akala ko hindi na kita mayayakap pa. akala ko... iiwan mo na ako." Umiiyak na sabi niya kaya naman napatawa ako kahit na umaagos na ang aking mga luha. "Ang Pangako ay Pangako, mahal." Bulong ko.

"mahal kita." Saad niya at hinalikan ang aking noo.

"Mahal din kita." Sagot ko ay hinalikan ang kanyang mga labi.

Sa wakas... nakauwi na ako. Sa wakas, I can tell myself already that, this is my happy ending. 

The Charmless Queen💛💙Where stories live. Discover now