Chapter 18:Secret door.
I was eating my breakfast ng biglang sumulpot si Tristan sa kusina, wala siyang damit pangitaas at basang basa na rin ang katawan niya ng pawis. Holy shit! Nanlaki ang mata ko nga makita ang magandang pangangatawan niya, fuck! Busog na ako, shit! Hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya, not until i heard a soft chuckle, iniwas ko bigla ang aking nga mata sa kaniyang katawan at napatingin sa kaniya.
Amusement filled his eyes. Shit! “your liking the view?” nawiwiling sabi niya, as much as i want to say yes i dont. Ayokong mapahiya sa harap niya at baka isipin niya na may gusto ako sakaniya... wala ba talaga? Panunukso sakin ng puso ko. If I can just lie at my self and say that I dont like him... If I can just... but no I cant...Tumayo na na ako at umalis nang wala man lang pasabi... ayokong makita niya ang namumula kong mukha...Ayokong isipin niya na ganon kalaki ang epekto niya sakin... ayokong mapahiya...
Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama.. sa hindi ko alam na dahilan ay wala kaming pasok ngayon araw, pero sabi nila baka daw hangang sa susunod na linggo walang pasok sa Febume U... and I dont know why, wala namang sinasabi sakin sina lola tungkol doon.
Wala rin ngayon araw si Lola dahil may paguusapan daw sila ng ibang reyna tungkol sa hindi ko malaman na dahilan, wala rin si Kiesha dahil sinamahan niya si lola, si Princess, ewan ko sa babaeng iyon, ilang araw nang hindi nagpapakita, kung saan saan ko na siya hinahanap pero wala parin.Gusto ko sanang pumunta sa library pero hindi maaari dahil sabi ni Kaye ay baka daw dadating ang ilang bisita ni lola dito at baka makita at mamukhaan nila ako. Nakipagtitigan ako sa bubong ng kwarto ko, pero ilang minuto lang iyon dahil na bored kaagad ako. Hayst.. ano kaya ang pwedeng gawin ngayon araw? Natapos ko na naman lahat ng librong pwede kong basahin dito sa kwarto, pero wala iyong connect sa nakaraan ng kahariang ito. Umikot ikot ako sa kwarto dahil wala nga akong magawa hangang sa bigla akong natapilok, fuck! Ang sakit non ha! Napatingin ako sa naapakan ko... ano to? Nakawang ang isang bahagi ng inaapakan ko kaya binuksan ko ito, nagulat ako ng biglang mas tumaas ang bahaging iyon, at biglang may lumabas na hagdanan sa tabi nito... ano ito? Kumuha ako ng lampara, at bumaba, takot ako... pero walang magagawa ang takot, walang mangyayari kong hindi ko susubukang suungin ang takot ko... ako lang ang matatalo...
Pagbaba ko ay nagulat ako dahil tumambad sakin ang isang lumang kwarto, may kama, mga kabinet, libro, at iba pang gamit na makikita mo sa isang kwarto. Binuksan ko ang isa sa mga kabinet at tumambad sa akin ang mga damit na pambata, pambata? Pinailaw ko ang ibang lampara na nandito na sa ilalim. Ng mabuksan lahat ng ilaw ay nagulat ako sa aking nakita... mga litrato... litrato ng dalawang bata na masaya, nagtatawanan, naglalaro. Kanino to? Hindi ko makilala ang mga mukha dahil parang sinadya itong burahin... bakit?
Medyo magulo narin ang kwarto, nakatumba ang lamesa sa tabi ng kama at may punit na punit na picture sa ilalim nito. Medyo maalakibok narin ang kwarto patunay na matagal na itong hindi ginagamit. Binuksan ko ang isa pang drawer at nakita ko ang ilang librong hindi pamilyar sakin...
“behati!!! Behati lumabas kana at kakain na tayo!” sigaw ni Princess sabay katok ng malakas. Shit! Dali dali kong kinuha ang ilan sa mga libro at pinatay ang mga lampara. Bumalik ako sa kwarto ko at tinago ang mga libro sa ilalim ng kama ko, bago ko sinarado ang secret room ko. Oo, ayaw ko munang sabihin sakanila ang natuklasan ko, gusto ko ako lang muna ang nakakakaalam... “andyan na!” sigaw ko at inayos ang sarili ko bago ako lumabas.
Nakakunot ang kaniyang noo, “bat ang tagal mo?” pagmamaktol niya. Tumawa lang ako bago siya hinila papuntang kusina... “sanda-" bago pa man matapos ni Princess ang kaniyang sasabihin ay nakapasok na kami sa hapagkainan. Tumatawa kaming dalawa, dahilan para mapatigil at mapatingin sila samin. Napabuntong hininga si Princess bago huminga nang malalim dahil sa mabilis na paghila ko sakaniya, habang ako naman ay hinahabol ang hininga ko. Ho! Ilang araw na ba ako hindi nakagalaw ng maayos? “magandang gabi lola..” sabi ko sabay mano, gabi na pala, di ko napansin ah. Umupo ako sa tabi ni Princess at Markie, ow... awkward... mukhang may pinagawayan ang dalawang to ah? Nang iangat ko ang paningin ko ay sumalubong sakin ang kayumangging mga mata ni Tristan, simula noong una ay gustong gusto ko na talaga ang mga mata niya...
YOU ARE READING
The Charmless Queen💛💙
Teen FictionFalling inlove is the best feeling but being broken is worse feeling. -- Rylandrien Tristan Ferrer Why fall in in love if you can fall out of the window and get the same result. -- Louise Calvin Mates are not irreplaceable... and because of that...