Chapter 33

6 1 0
                                    

Chapter 32: Tagumpay

"Talaga lang ha? Paano mo nasisigurado na ikaw nga ang mananalo?" nakangising saad ni Eva kaya ngumisi din ako sakaniya. "Pagkat hinding hindi nagtatalo ng kadiliman ang liwanag." Ang tanging nasaad ko at sinugod ko siya.

Hinding hindi ko hahayaan na sila ang Manalo sa laban na ito. Hinding hindi ko isusuko ang kaharian ko. Hinding hindi ako magpapatalo sa babaeng ito!

Kumulog ng napakalakas at kumidlat, bumuhos din ang ulan at halos dumilim ang buong kapaligiran, ngunit hindi ito naging hadlang upang sulubin ko ang aking Tiya, ang aking taksil na Tiya.

Gamit ang aking kapangyarihan at kalikasan nakagawa ako ng espada at itinapon ito sakaniya, tumama ito sa kanya ng puso dahilan para umilaw ang kanyang katawan, napangiti ako at tinignan siyang unti unting napaluhod sa sahig.

"Sabi ko naman sayo eh, hinding hindi ko hahayaang Manalo ka." Tanging na sabi ko, akmang aalis na ako ng biglang may palaso na tumama sa aking likod. Huli na ang lahat upang iwasan ko ito. Bago pa man makalapit sina princess ay tuluyan na ako nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nasaan ako? Patay na ba ako? Ngunit... napatay ko ba si Eva?

"Isa?" saad ng isang malambing na tinig, ng lingonin ko ito ay napaiyak na lamang ako. "I-Ina." Sambit ko at niyakap siya. Umiyak ako ng umiyak sa kaniyang braso. Pighati, kasiyahan, kalungkutan ang bumalot sa aking buong pagkatao. Hindi ko akalaing makikita ko ang aking ina, hindi ko akalaing mayayakap ko pa siya. Hindi ko akalaing makakausap ko pa siya.

"Ina... Ina!" umiiyak na tawag ko sakaniya, niyakap niya ako ng mas mahigpit kaya mas lalo akong napaiyak. Naramdaman kong nababasa na ang aking balikat senyales na umiiyak din siya.

"Ang laki, laki mo na. hindi ko akalaing mayayakap pa kita ng ganito kahigpit anak. Miss na miss ka ni mama." Hinalikan niya ang aking noo kaya mas umiyak ako lalo. "Miss na miss na miss din kita mama." Hinaplos niya ang aking buhok at pinapatahan ako kahit siya ay umiiyak na din.

"Shhh, tahan na. andito na si Mama, tahan na shhh." At niyakap ako ulit. Ilang minute pa ay kumalma na ako at ngumiti sa kaniya. "Ma? Patay na po ba ako?" kinakabahang sagot ko. Ngumiti sakin si mama ng malungkot bago may kinuha na kung ano.

"Naalala mo pa ba ito anak?" sabi niya at pinakita sakin ang kwentas. Ang kwentas na ilang buwan ko ding hinahanaap. "Pano napunta sa iyo yan ina?" takang tanong ko, ngunit ngumiti lamang siya sakin bago sinuot ang kwentas.

"kahit saan ka magpunta pag suot mo ito, mararamdaman mo na andito lang ako palagi sa tabi mo. Mahal na mahal kita anak. Nais kong magmakasarili at huwag kanalng ibalik sa kanila ngunit alam kong kailangan ka ng charm anak. Magiging magiting ka na Reyna. Lagi mong tandaan, mahal na mahal kita." Saad niya bago ngumiti sakin. Niyakap ko siya ng mahigpit at sa huling pagkakataon ay hinalikan niya ako sa noo.

"mahal na mahal din kita ina." Sambit ko, ngunit nagulat na lamang ako ng makitang unti unti siyang nawawala. "Hangang sa muli, kamahalan." Nagawa niya pang mag wink sa akin bago tuluyang naglaho. Nagulat na lamang ako ng may biglang Tumawag sakin.

'Isa, gumising kana.' Tristan?

Hingal na hingal ako ng buksan ko ang aking mata. Sinalubong ako ng matang puno ng pagaalala ngunit napalitan din kaagad ng kasiyahan ng magtama ang aming mga mata. "Mahal ko..." mahinang sambit niya at niyakap ako ng napakahigpit.

"Tristan." Umiiyak na naman na sabi ko. "Mabuti at gising kana Isa. Kailangan mo ng maghanda. Tatlong araw nalang ay ika dalawangpu't-isa na kaarawan mo na." mahinang saad niya kaya kumunot ang aking noo.

"Ganon ako katagal walang malay?" takang tanong ko, ngumiti siya sakin bago tumango. Inalayan niya akong tumayo bago kami lumabas ng aking silid. "Ng ikaw ay nawalan ng malay, namatay si Eva. Maraming nasawi ngunit nagawa parin naming bumangon. Ikaw na lamang ang hinihintay namin upang tuluyan ng maayos ang lahat."

"maayos na din sa wakas ang lahat, mahal." Sambit ko. Ngumiti siya sakin at binuksan ang pintuan ng hapag. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang halos kumpleto sila, maliban nalang sa upuan ni Kiesha. Nalulungkot pa din ako ngunit alam kong nasa maayos na kalagayan na siya. Sana ay masaya na siya saan man siya magpunta.

Ngumiti ang lahat sa akin at ganun din ako. Kumain na ulit kami dahil gutom na gutom na talaga ako. Nagulat na lamang ako ng bigla silang tumayo. Akmang tatayo na din ako ng biglang pinigilan ako ni Tristan. Kumunot ang aking noo ngunit ngumiti lamang siya sakin. Nagulat ulit ako ng makita lumuhod siya sa aking harapan.

Tumingin ako kay Lola ngunit Nakangiti lamang siya, habang si princess naman ay iyak ng iyak. Mukhang... alam ko na ang nangyayari.

"Isabelle, naalala mo pa ba ang Pangako ko sayo? napagkatapos ng lahat ng ito ay papakasalan kita, ngayon aking mahal. Tinatanggap mo ba ang aking pagpapaanyaya na ikaw ay makipagisang dibdib sa akin?" bakas sakaniyang mata ang kaba kaya dali dali akong ngumiti. Tumango ako pagkat hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nilagay niya ang isang magandang singsing sa aking daliri bago ako hinalikan sa harap nila. Umingay ang paligid at napuno ng tawanan ang buong hapag. Hangang sa...

"Isang kataksilan ang iyong ginawa Tristan." Saad ni Louise at nanlaki ang aking mata ng makitang hawak hawak nito si Dusk at may espada na nakalagay sa kaniyang leeg. "ano ang ibig sabihin nito Louise?" naguguluhang saad ni Lola. Ngumisi siya bago nagsalita.

"Louise Calvin Remus. Anak ni Matheo at Isabella. Prinsesa ng H'alm." Sambit niya kaya ako ay tuluyang nagulat. Siya ay aking kapatid sa ina? Bakit?

"ako lamang ang nakatakda sayo Tristan. At hinding hindi ako papaya na pati ikaw ay kuni ng impostorang iyan! Ikaw kapalit ng buhay ng nilalang na ito." Walang emosyong saad niya. "Ngunit, kadugo mo kami Louise, paano mo nagawa sa amin ito?" naguguluhang saad niya.

"nakita ko kung paano mo pinaslang ang aking ama, kung kaya't naghiganti ako. Hindi ko naman inaasahan na hindi pa pala sapat ang lason sa palaso ko upang hindi ka magaling ng iyong kaibigan." Inis na sabi niya, "Kung gayun, ikaw ang taksil sa palasyo?" gulat na sabi ni Princess at Nginisihan lang siya nito.

"hindi ka padin lalapit Tristan? Kung gayun mamaalam na kayo sa kaniya." Akmang isasaksak na ni Louise ang kanyang sandata sa leeg ni Dusk ng biglang kinagat siya ni Dawn kung gayun ay nabitawan niya at akmang kukunin niya ang kanyang sandata ng may palasong tumama sakaniya kamay.

"AT SA TINGIN MO AY HAHAYAAN LANG KITA?" nagulat kaming lahat ng marinig namin ang boses ni Kiesha, lumapit kaagad ang mga kawal kay Louise at Dinala siya sa kulungan.

"Magbabayad kayo! Magbabayad kayo!" sigaw niya at pilit na nagpumiglas ngunit hindi padin siya nakawala.

"Kiesha?" gulat na sabi ni Princess at niyakap siya ng napakahigpit. Sumunod ako kaya naman napatawa siya. Umiiyak si princess habang ako naman ay sinamaan siya ng tingin dahil siya ay tawa ng tawa pa. "Papaano?" naguguluhang saad niya.

"sabi ko naman sa inyo eh, hindi ako sumisira ng Pangako. Congratulations nga pala Isa, ito ang aking regalo." Saad niya at biglang nag step aside kung gayun ay nakita ko ang isang taong hindi ko inaakalang makikita.

"AMA!"  

The Charmless Queen💛💙Where stories live. Discover now