Chapter 30

6 1 0
                                    


Chapter 30: Basbas

"Saan ngaba nakalagay ang dyosa?" tanong ko kay Kiesha, ngumisi lang siya sakin bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod lamang kami ni Princess. Pumasok kami sa isang hindi pamilyar na silid at doon naming nakikita ang dyosa na mahimbing na natutulog.

Bakas na ang kagandahan sakaniyang mukha sa suot nitong malinis na damit at isang koronang bulaklak. Kahit sya ay tulog, hinid maikakaila ang pagiging dyosa nito kahit siya ay isang kalahating dyosa lamang.

"hintayin natin siyang magising." Saad ni Princess kay umupo lang kami sa gilid ng kama.

"Ngunit, paano nga ba siya makakatulong satin, gayung ang sumpang binigay ni Eva ay kahit sinong paninoon." Tanong ko. napangiti sina Kiesha.

"Dahil siya ay isang dyosa." Simpleng sagot ni Princess. "Si Lola ay may dugong ding dyosa? Ako ay may dugo ding dyosa, kayo ay may dugo ding dyos, ngunit bakit siya?"

"Pagkat ako ang natitirang kamag-anak ng dyosang pinagmulan ng lahat." Napatingin kami kaagad sakaniya at yumuko. Kahit siya ay mas matanda sa amin hindi parin maipagkakaila na siya ang pinaka maganda sa lahat.

"Ako si Dyosa Selene. Ang aking ama ay isang tao samantala ang aking ina naman ay dyosa. Hindi lamang simpleng dyosa pagkat ang kaniyang ina o ang aking lola ay ang hindi nakikilalang nilalang." Nanlaki ang aking mga mata sa mga narinig. Kung gayun, isa siyang makapangyarihang dyosa.

'Kung kaya't maari akong makakapag bigay ng kapangyarihan sa iyo, dahil ako ay mas malakas pa sa kapangyarihan ni Gnome, Omen, Mere o kahit sino pang panginoon. Ngunit lingid sa iyong kaalaman ikaw ay may munti ng kapangyarihan." Saad ng dyosa, umalis muna sina Kiesha pagkat alam nilang kailangan naming magusap. Sila daw ay magbabantay nalang sa labas ng silid.

"Ano ang ibig nyong sabihin? Demyan? (*Dyosa)" ngumiti siya sakin bago tumayo. Tinakpan niya ang bintana ng buong silid.

"Ang iyong ama ay hindi lamang simpleng tao, Isabelle. Siya ay isang prinsipe." Nagtataka man ay nakinig nalamang ako kaysa magtanong pa.

"Noong unang panahon, habang Nagsisimula palamang ang aking lola sa paggawa nitong mundo, nakilala niya ang aking lolo, isa din diyos. Sila ay nahulog sa isat isa at nagawa ang aking ina. Inakala ng lahat ng nilalang na ito ay mahuhulog sa taong nakatakda sakaniya, ang ama ng iyong ama, ang iyong lolo. Ngunit, nahulog ang aking ama sa isang tao at nabuo ako. Bilang paghingi ng tawad ng aking lola ay biniyaan ng isang kapangyarihan ang iyong lolo na maari niyang maipasa kahit kanino. At ito ay ang kalahati ng kalikasan ay iyong sarili.

"sa tuwing ikaw ay sobrang nasasaktan, sobrang nasisiyahan, sobrang nagagalit o kahit anong sobra sobrang reaksiyon ay naapektuhan ang kalikasan. Hindi ko alam kung alam mo ba ito ngunit, alam mo ba na minsan ng nawalan ng sinag ng buwan? At ito ay dahil ikaw ay nawalan ng malay.

"Dahil narin sa sobrang galit sa iyong puso ay nasusunog ang buong kapaligiran at bumuhos ang malakas na ulan. Isa ito sa kapangyarihang Dapat mong kontrolin, pagkat ipinasa ito ng iyong ama sa iyo." Nakanganga ako habang nakikinig sa mga kwento ng dyosa. Hindi sana ako maniniwala ngunit pinakita nya sa aking isipan ang buong nangyari. Lumipad ang dyosa at nagkaroon ng liwanag sa paligid niya.

"ngayon, alam kong kailangan na kitang basbasan upang magkaroon kna ng kapangyarihan dahil nararamdaman ko na, malapit na magsimula ang laban. Kaya sa ngalang ng aking ina, binabasbasan kita na magkaroon na ng kapangyarihan na nakatakda sayo, at tuluyan ng mawala ang sumpa ni Eva sa iyo." Ng sinambit niya ang mga salitang iyon ay may kung anong kapangyarihan ang lumabas sa aking katawan.

Napaangat ako sa hangin at unti unting nagbabago ang aking kasuotan. Naging matalas ang aking mata, pangamoy at pandinig, napunta na din sa akin ang aking espada, at unti unti kong nararamdaman ang aking kapangyarihan.

"Kahanga hanga ang iyong kapangyarihan kamahalan." Gulat na sabi ng dyosa. "ngunit ano nga ba ang aking kapangyarihan, dyosa?" naguguluhan na sabi ko.

"Itaas mo ang iyong palad." Sinunod ko ang utos niya at halos mapanganga ako ng makitang may brilyante ito doon, isang kakaibang brilyante pagkat siya ay may magkakaibang kulay.

"ito ay patunay na maari mong kotrolin lahat nasa iyong paligid. Tumalas nadin ang iyong mata, pangamoy at pandinig, maaari mo na din maramdaman ang emosyon ng isang tao." Paliwanag ng dyosa kaya tumango ako. Magsasalita na sana ako ngunit pumasok na sina Kiesha at nagmamadaling Nilapitan ako. Nagiba nadin ang kanilang kasuotan.

"Dyosa kailangan ka naming ilikas, sinusugod na ulit ang bayan at tuluyan na silang nakapasok sa FEBUME U sa hindi malaman na dahilan." Saad ni Kiesha.

"May isa pang taksil sa palasyo." Ang tanging nasaad ni Princess habang nakatingin sa bintana ng silid. "wala na tayong oras kailangan kana naming dahil sa reyna, mahal na dyosa." Tumango nalamang ang dyosa. Unang lumabas si Princess magkasunod naman ang dyosa at ako samantalang nasa hulihan si Keisha.

Kami ay nasa pinakatuktuk ng kastilyo kaya makikita dito kung paano unti unting sinisira ng mga havalel ang aming kaharian. Dali dali kaming lumabas at pumunta sa pinaglilikasan nina lola, may ilang nakapansin ngunit napipigilan ko na agad sila.

"Isa! Huwag mong gamitin ng gamitin ang iyong kapangyarihan, bago palamang ito sa iyong katawan, maaari kang manghina pag pinagpatuloy mo pa ito." Inis na sab ni Princess kaya Napatigil ako. "Pagkinggan mo sila." Ang tanging na sabi ng dyosa bago namin siya pinapasok sa loob ng devan, ang lugar kung saan tinatago ang mga inosenteng diwata.

"Kayo ay magiingat. Nasa inyo ang aking basbas. Nagsisimula palang ang labanan. Ipaglaban ang kaharian!" saad ng dyosa bago tuluyang nasirado yung pintuan.

"Now, let the battle begin." 

The Charmless Queen💛💙Where stories live. Discover now