Chapter 17

13 1 0
                                    

Chapter 17: Memories
*Behati Isabelle Monsanto*

"Hahaha! Ang hina mo palang tumakbo Tristan!" Sigaw ko habang tumatawa. Sinamaan lang ako ng tingin ni Tristan, bago ako habolin ulit. Tawa ako ng tawa dahil hindi niya man lang ako maabutan.

"ISA! Pag ikaw na huli ko lagot ka sakin!" Inis na sigaw niya pero nilabasan ko lang siya ng dila bago tumakbo ulit. Andito kami ngayon sa mataas na bahagi ng Charm Kingdom, naghahabulan. May pinaguusapan kasi ang aking ina at kaniyang ina.

"Huli ka!" Sa kakaisip ko ay hindi ko na napansin na napahina na pala ang pagtakbo ko, kaya ito ako ngayon, nakakulong sa mga bisig niya.

"Shit!" I whisper. Napangisi naman siya sakin bago ako pinaupo sa damohan.

"Aalis na kami." Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sakaniya at halos maglapat na ang aming mga labi dahil sa sobrang lapit ko pero wala akong pakialam.
"Anong ibig mong sabi?" Kinakabahan na sabi ko. Ngumiti siya sakin ng pilit, at makikita ko sa mata niya na nasasaktan siya.

"Bukas. Babalik na kami sa aming kaharian. At hindi ko alam kung kailan ako babalik." Sabi niya. Napabuntong hininga ako. Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si Louise.

"Tristan! Pinapatawag tayo ng iyong ama para sa ating paglalakbay bukas." Sabi niya at ngumiti ng matamis kay Tristan. Niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin, bago tuluyang umalis. Naglakad lang siya papalayo sa akin ng walang sinasabi. Ngumisi sakin si Louie bago tumalikod.

Napabuntong hininga ako ng malalim, at umupo sa malaking bato malapit sakin. Hangang sa namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Bakit, ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan? Mahal ko na ba siya? Ngunit... hindi ako ang nakatadhana sa kaniya... si Louise... si ate...

Napabangon ako sa aking kama, habang habol ang aking hininga. What the hell is that dream about? Bakit parang totoo? Alaala ba iyon? Ngunit... Ate? Ano ang ibig niyang sabihin? Ako ba talaga ang batang iyon? Ngunit papaano?

Humiga ako pabalik sa aking higaan ng may mabigat na dibdib. Hangang sa maramdaman ko nalang na nabasa na ang mga mata ko. Bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan? Ano ba ang nangyayari sakin?

Mabilis kong kinuha ang aking makapal na jacket at lumabas sa aking kwarto. Madilim, at wala lang makikita maliban sa itim, ngunit pilit kong inaninag ang dinadaanan ko. Hangang sa makarating ako sa pintuan ng kastilyo.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Sinuot ko ang jacket at niyakap ng napakahigpit ang aking katawan. Tumakbo ako at pilit na inaalala ang daan papunta sa lugar na iyon. Nang makarating ako ay halos matulala ako sa ganda nito.

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan nangyari ang sa panaginip ko, ito ay isang bundok na katamtaman lang ang taas upang makita ang kabuuan ng bayan. Makikita mula dito sa taas ang mga ilaw sa bayan na kay gandang tignan. Umupo ako sa parehong bato sa aking panaginip.. at bigla na lamang umikot ang paningin ko hangang sa mawalan ako ng malay.

Hinintay ko si Tristan dahil akala ko babalik siya... ngunit hindi... simula ng araw na iyon ay hindi ko na siya nakita muli. Nasasaktan ako.. dahil sa alam ko na... na mahal ko siya.

Ang huling balitang natanggap ko mula sakaniya ay ang balitang nakatakda na nang tuluyan na ang kaniyang mapapangasawa ay si Louise... masakit... sobrang sakit.. ngunit wala akong magagawa dahil... dahil isa lamang akong babaeng umaasa na tutuparin niya ang nga pangako niya sakin.

"Tristan... may gusto ko ba kay Louise?" Tanong ko noong panahon na magkasama pa kami... "wala." Simpleng sagot niya. Kaya muling natahimik ako. Hindi ko alam pero bakit feeling ko ang awkward? " Hindi mo ba tatanongin kung sino ang gusto ko?" Sabi niya. Napatingin ako sakaniya, ng may kunot na noo.

"B-bakit? K-kailangan ba?" Nauutal na sabi ko. Ngumisi siya sakin at niyakap ako ng napakahigpit. "Paano pagsabihin ko na ikaw ang gusto ko?" Bulong niya malapit sa tenga ko. Shit! And I can feel my face turning red. "Pero... si Louise ang nakatakda sayo... siya dapat ang mahalin mo... hindi ang taong hindi mo makukuha." Sabi ko, at aalis sana sa mga bisig niya ng higpitan niya pa ang pagkakahawak sa sakin... "kaya kong, ipagpalit ang aking pagiging prinsipe... makapiling lamang ng panghabang buhay ang aking minamahal..." sabi niya sabay halik sa aking noo.

Napangiti ako bago tignan siya sa mata... all i can see is love, care and happiness. Ngumiti ako bago hinilig ang aking katawan sakaniyang mga balikat. "Felality, Zelen." He said and kiss my forehead... I smiled... "tua felality, zelen..." and lean my back more.

(A/N. Ako po ay magkakaroon ng madaling pagaabala. Ang mga salita, katulad ng Felality, Zelen, tua felality... ay mga salitang gawa gawa ko lamang. Kaya sana po wag kayong ma confuse at wag narin kayong mag aksaya ng oras para i search ito dahil, kung may meaning man ito o wala. Hindi ako sure kung malapit ito sa mean ko... pero... gawagawa ko lamang po ito..
Felality: I love you, Tua: Too. So tua Felality: i love you too
Zelen: My love...
Yun lang po salamat hope you enjoy!)

I open my eyes and pant. What was that? I get up in my bed and catch my breath... wait... bed? Sino ang naghatid sakin dito?

"Your highness... your awake... ito na po ang pagkain niyo..." sabi Kaye, isa sa mga kaibigan ko dito sa kastilyo. Ang kanyang ina ay isang maharlika ngunit mas pinili ni Kaye na lumayo at manirahan ng tahimik kaya dito siya pumunta at tumulong tulong sa palasyo...

"Sino ang naghatid sakin dito?" Tanong ko.
"Si... Tristan po mahal na prinsesa... alalang alala po siya... nais niya pong manatili sa tabi niyo pero kailangan niyang umalis kaagad... hinalikan kapa niya nga po sa noo... ang cute niyo!" Sabi niya habang kinikilig bago lumabas at iniwan akong tulala.

Si Tristan?
___________________________________________________
A/N
I have some funny announcement po... sinali ko po ang walang kwentang story ko sa watty's 2019 and i want to ask you a favor... pwede niyo po ba i click ang star na sign pagkatapos niyo mag basa??hehehehe...
😍😅😅

The Charmless Queen💛💙Where stories live. Discover now