Chapter 6

12 1 0
                                    

Chapter 6: Goodbye

Nagising ako sa mahinang tawag ni nanay sakin. "Isa... gising na maaga pa kayo ni Princess aalis..." sabi ni nanay na para bang iiyak na naman. Its been a week since I decides to go back to the place where I belong... they call this place as Charm Kingdom. Hindi alam ni Princess at Nanay ang pinanggalingan ng kahariang ito at ito ang una kong aalamin.

Gumusing ako at niyakap si nanay."Nay..  kapag na ayos na ang lahat... babalikan po kita... dadalhin kita doon at sa kaharian tayo maninirahan ng tahimik... pangako yan Nay.." nakangiting sabi ko. Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko dahil ayokong magalala si nanay. Tumango lamang si Nanay bago bumitaw sa yakap. "Anak... magpakabait ka doon ha? Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyayari dapat mag isip ka muna bago gumawa ng desisyon... isipin mo muna ang possibleng maging kalalabasan nito bago ipalabas ang isang hatol... naiintindihan mo?" Mahinang sabi ni nanay na tinanguan ko kaagad...

"Tao po? Tita Beth! Gising na po ba ang mahal na prinsesa?" Nagbibirong sabi ni Princess kaya dali daling pinunasan ni nanay ang mga luha niya bago sumagot..."sandali lang..  inaayos niya pa ang mga gamit niya ija... oh ayus naba lahat ng gamit mo?"tanong ni nanay kaya ngumiti ako...

After 30 minutes ay andito na kami sa labas ng bahay kasama si Nanay at Tita Lira... " tita... alagaan niyo po si nanay ha!" Mahinang sabi ko. "Ako ang bahala sa nanay mo Isa... pangako iyan..." ngumiti sakin si tita bago ako yakapin at bumaling kay nanay... " Nay! Wag na po kayong umiyak... babalikan ko po kayo.. pangako..!" Sabi ko... ngumiti naman siya sakin at ibinigay na ang mga gamit ko... "aalis na po kami... para hindi po kami gabihin... babalik po kami... paalam po!" Mahinahong sabi ni Princess kaya humalik na ako sa pisngi ni Nanay bago nagpaalam...

"Ano ang gagamitin nating sasakyan?" Tanong ko kay Princess.  "Hindi natin kailangan ng sasakyan Isa... lalakad lang tayo..." sabi niya at tumawa. Naglakad lakad lang kami hangang sa makadating kami sa isang kakahuyan. Biglang may inilabas si Princess na crystal at itinapon ito sa lupa bago lumabas na parang portal. Pumasok kami doon at nagkalad hangang sa makalabas kami...

At bumungad sakin ang napakalaking field. "Asan tayo?" Takang tanong ko. "Andito tayo sa tore ng Kastilo Isa... or should I say Princess Isabelle..." nakangiting sabi niya. Tumingin muli ako sa labas at nakita ko ang napakalaking field. Sa kaliwang bahagi nito ay mga maliliit na bahay na sa tingin ko ay bahay ng mga tao... oh scratch that! Diwata pala. Habang sa kanang bahagi naman ay isang kakahuyan? Habang sa harap ng field ay isang gate na may pangalang:

FESBUME Academy

Wierd name! Habang nagmamasid ako sa palagid ay biglang may espada na tumutok sa likod ko. Fuck! What? Tinignan ko ang likuran ko at nakita ko si Princess na nakataas ang dalawa niya kamay. What the hell is this?! Tumaas ang kilay ko kay Princess na para bang nagtatanong kung bakit ganito ang bumungad samin! The hell? I was expecting a hug from my grandmother but this?mga kawal na konting galaw na namin pwede nang maging dahilan ng kamatayan namin! And why does Princess look guilty!

"What is this?!" Inis na sabi ko. "Sino kayo? At bakit kayo naparito! Saang kaharian kayo nanggaling?! At ano ang balak niyo?!" Sabi ng kawal na sa tabi ko.  Fuck! Kung pwede ko lang sipain ang mukha mo! "Una sa lahat hindi kami nanggaling sa isang kaharian... nanggaling kami sa mundo ng nga tao!" Sagot ko akala ko papakawalan na nila kami pero mas diniinan ng pesteng kawal ang espada niya dahilan para maramdaman ko na tumutulo na ang dugo ko mula sa leeg ko. Shit! "Paano kayo napuunta dito? Saan niyo na kuha ang lagusan?" Dagdag niya na tanong.

"Kuya..  pwede bang hinay hinay lang?hindi ko pa nga natapos sagot lahat ng tanong mo magdadagdag ka ulit!" Inis na sabi ko. Pero mukha wala manalng pakealam ang mga guard na ito. The hell?!okay! Nakarating lang ako sa mundo ng mga diwata nagiging palamura na ako!

"Anong nangyayari dito?" Natigilan ako ng marinig ang boses nayun... yung boses sa panaginip ko... yung..  sino ba yun? Titan? Tantan? Trisan? Aw! Yung Tristan pala!

"Paumanhin sa distorbo mahal na prinsepe ngunit nahuli namin silang dalawa na nakatayo dito sa may tore..." sabi ng kawal... "nakatayo lang naman ah!ano problema doon?!"sabat ko dahilan para mas lalong idiin ng kawal kanyang espada sa leeg ko. Shit ha! Nasasaktan na ako! Pinalakihan ako ng mata ni Princess na para bang binabalaan ako nito...

"Maaari ko bang makita ang mukha ng mga ito? Humarap kayo sakin ngayon na!"maawtoridad na sabi niya dahilan para mapatingin kaming dalawa ni Princess sakaniy at shit lang! Siya nga! Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang mukha naming dalawa. "fuck! Pakawalan mo sila kawal! Hindi mo ba sila nakikilala?!" Inis na sabi ng prinsipe. Napahawak ako agad kay Princess ng mawalan ako ng balanse pero patuloy parin na umaagos ang dugo sa aking leeg..  ang sakit lang ha!

May ibinulong ang prinsipe sa kawal dahilan para mamutla ito. Nagulat kami ng bigla itong lumuhod sa harapan namin at paulit ulit na humingi ng tawad. "Tumayo ka! Hindi kami diyos para sambahin! Kaya please lang! Tumayo ka!" Natatarantang sabi ko at inalalayan siyang tumayo. Ngunit nagulat ako ng bigla itong lumayo sakin. "Hindi niyo po ako dapat hinahawakan.  Isang malaking kasalan ang saktan ng isang hamak na kawal ang isang katulad mo aming Prinsesa... patawad po!" At nagulat ako ng bigla niyang sinaksak ang kaniyang sarili gamit ang espada na hawak hawak niya.

Napaatras ako sa ginawa niya... shit! Bakit niya iyon ginawa?!
___________________________________________________
A/N
     Sorry po kung ang lame! But I did my best! Love lots!💛

The Charmless Queen💛💙Where stories live. Discover now