Chapter 29: Katotohanan
I was panting when I woke up. I was welcomed by Tristan's worried eyes; he was drying my sweats and tears. I hug him. Very very tight as I remember the moment my mom died. She died trying to save me. She died because of me.
"shhh, its okay its okay, stop crying." Pagpapatahan sakin ni Tristan at hinayaang akong umiyak ng umiyak. Fck it. "I s-saw.... Her." Nahihirapan kong sabi. Hinahaplos niya ang buhok ko kaya pinagpatuloy ko lang ang pag kwe kwento. "I saw my mom. I saw how she died. I saw where she died. I know why she died. Its because of me." Umiiyak na sabi ko.
Tristan cupped my checks before kissing my forehead. "Hey, that's not true. don't ever think about that. She died because of Eva. She died because she wanted to save us all." Pagpapatahan niya. Nananatili akong tahimik at ilang minute ay kumalma na ako.
"we should tell them what you dream of. None of us knew how did the queen died Isa, so so many stories but they are contradicting with each other." Tristan said softly so I nod and get up in bed before getting in the bathroom and starting cleaning myself. After how many minutes we are now going down the stairs and we are proceeding to the meeting room.
Tumahimik ang lahat ng dumating kami at may kaniya kaniyang pagkain na din sila. We shouldn't waste time anymore we need to know everything before they started the war.
"I knew how my mom died." Bungad ko kaagad.
"are you saying na, sinugod kayo sa mundo ng mga tao?" takang tanong na sabi ni Louise tumango ako bilang sagot.
"then paano mo nakilala si Tita Betty?" sabat bigla ni Kiesha na ikinataka ko din. Then why did she lie? Is she really one of us? Or a traitor? Or maybe a spy?
"how can you be so sure na sa mundo ito ng mga tao?" sabat ni Matt sa gitna ng katihimikan. Kumunot ang aking noo, paano nga ba? I was fckng thinking when Princess entered the room.
"Its not in the human world Isa. Do you remember Dwatra? The lost empire?" saad ni Princess kasunod nito ay si Kaye at si Ate Yvonne. May bitbit na makapal na libro si Princess at nilagay ito sa harap dahilan para lumikha ng malakas na ingay.
"Habang kami ay naghahanap ng kasagutan sa lumang library sa baba ng kastilo ay nakita namin ito. Emperyo ng Dwatra, kaya pala hindi ito makita kita pagkat ito ay nakatagong imperyo. Ng mag karoon ng digmaan sa buong mundo dito ay naisipan ng hari ng dwatra na magtago. Mayroon lamang dalawang imperyo ang dwatra, ito ang Deven at H'alm. Ang imperyo ng H'alm ang nagsimula ng laban. Dahil sa kahihiyan ang mga diwata na hindi gusto ang ginawang kataksilan ng kanilang hari ay lumipat sa deven." Kwento niya.
"ang Deven ay isang mapayapa ngunit misteryong kaharian. Kaya pala maliit lamang ito pagkat ito ay hinati sa dalawa ng hindi nakikilalang nilalang. Ang Enchanted Kingdom na nasa Imperyo ng Siram. Maaring magkaisa ang dalawang kaharian ngunit kailangan magtago ng isa. At iyon ang deven. Nanatili silang tahimik pagkat sila ay pinaghahanap ng hindi kilalang nilalang dahil sa kalapastanganang ginawa ng kanilang kabilang kaharian." Pagpapatuloy niya.
"ngunit may isang nilalang na nakakita nito, at ito ay ang iyong ama Isa. Natuklasan niya ito kaya inutusan ng hari ng Deven na paslangin siya. Hindi pa daw handa ang Deven para sa iisa namang digmaan. At doon na lumabas ang isyu tungkol sa isang diwata na nahulog sa isang tao. Ngunit tumaksil si Matheo. At doon na ganap ang labanan. Hindi namatay ang iyong ama sa laban Isa, ngunit siya ay nawawala at walang bangkay ang nakita ganon din kay Matheo. Ngunit bago pala mahuli ang iyong ama ay nasulat na niya ito dahilan para Mabasa ng iyong ina. At pinagpatuloy niya. Hinanap niya ang Deven at napag desisyunan na doon na lamang manirahan Pagkatapos tayong salakayin nina Eva. Ngunit sila ay natuklasan muli. At doon namatay ang iyong ina." Pagtatapos niya. Akmang Magsasalita na ako ng biglang sumabat si Jade.
"at paano mo nalaman ito, diwata? Ikaw ba ang ispeya nila?" nakangising sabi niya. "Gamit ang kapangyarihan ni Kaye na mahanap ang isang lugar ay humingi ako ng tulong sa kalikasan upang ipakita sakin ang lahat ng pangyayare. Nais mo bang ipakita ko din sayo, kamahalaan?" inis ngunit mahinahon na sabi ni Princess. Napatahimik silang lahat makalipas ang isang Segundo ay nagsalita na ang reyna.
"Kailangan na nating kumilos. Kiesha, Isa at Princess tignan niyo ang kalagayan ng diwata, upang mabigay sayo ang basbas ng kapangyarihan na ating hiningi. Markie, Tristan, Yvonne, sanayin niyo ang mga kawal kung paano makipagdigma lalo, Louise at Jade, humanap pa kayo ng ibang diwata na nais tumulong upang mailigtas ang ating kaharian. Ako at si Mika naman ay ihahanda ang buong palasyo at kaharian.
Tutulong kami sa pagpapalikas ng mga mamamayan sa taong lugar upang hindi sila maano. Althea at Kaye, kayo ay humayo sa kabilang kaharian upang hikayatin silang makipaganib sa atin." Sunod na sunod na utos ng reyna, ngunit bago ito lumabas ay may tinanong muna si Althea. "ano ang aming sasabihin sa kanila mahal na reyna?"
"Na maghanda para sa nalalapit na digmaan."
YOU ARE READING
The Charmless Queen💛💙
Novela JuvenilFalling inlove is the best feeling but being broken is worse feeling. -- Rylandrien Tristan Ferrer Why fall in in love if you can fall out of the window and get the same result. -- Louise Calvin Mates are not irreplaceable... and because of that...