Chapter 19: Sorry...Princess Lina Montefalcon.
Nakaupo ako ngayon sa sala ng kastilyo, hindi niyo ba alam na ang kastilyo na ito ay pa rin lang bahay? May isang kwarto dito na katulad sa kwarto sa mundo ng mga tao, hindi pa ito nalalaman ni Behati sapagkat hindi pa siya lumalabas sa kwarto niya, ewan ko ba sa babaeng yun. Andaming problema sa life. Hays.. napatingin nalang ako sa t.v. na umaandar. Yup!may tv din po dito, kaso dito lang talaga sa kwarto na ito, may cellphone din, laptop, pero once na ilabas mo ang mga gamit na ito ay masisira ito. Dinala ito ni Marky... never mind! Hindi ko kilala ang taong nagdala nito dito.. kung sino maan siya, bahala siya sa buhay niya. Pssh.
Napangiti ako habang pinapanood ang drama na miss na miss ko nang tignan, ako lang dito magisa dahil lumabas muna si Kiesha para kumuha ng pagkain. Ewan ko lang iba, si Behati kanina pa namin tinatawag pero hindi sumasagot, hayst...
Hindi ko ma pigilang mapatili dahil sa pangyayari sa pinapanood ko, hindi ko namalayan na pumasok na pala si Kiesha, at may kasama siyang demonyo pa sa Demonyo!
"anyare sayo te?"saad ni Kiesha habang nilagay sa katabi kong mesa ang pagkain na dala niya, samantalang umupo naman si, i mean ang demonyo sa likod ko. Tss... "asawa ko." Simpleng saad ko, hindi na ako nagulat ng may biglang nabali sa likod ko. "ohh? Markie, ayos kalang?"saad ni Kiesha, "sinong asawa?"gulat na gulat na sabi niya, tinignan ko siya at binigyan ng isang napakalaking pekeng ngiti, "sakin. Bakit may angal ka?" sabi ko, nakita ko kung paano sumalubong ang dalawang kilay niya, at biglang tumalim ang paningin niya. Ang cute niya, tse! Hindi pala!
"sinong asawa mo?" tanong niya, yung kausap ko...saad ng kabilang bahagi ng isipan ko pero hindi ko sinabi yun no. "Yung sa TV bakit?"sabi ko sabay cross ng dalawang naginginig kong kamay, pero pilit kong tinatago ito. Shit! Sana hindi niya mapansin! Napatingin siya dito kaya mas tinago ko ito, ngumisi siya bago tinignan ako sa mata, tinaas ang dalawang kilay bago tumawa. Shit! Nakita niya!
Inirapan ko lang siya bago binalik ang tuon sa pinapanood ko. Bwesit! Rinig na rinig ko pa rin ang tawa niya kaya dahil ss inis ay pinatay ko ang t.v. at sinuot ang earphone ko. Ayaw kong marinig ang tawa niya... hindi ko alam... pero imbis na mapangiti ako habang tumatawa siya ay gusto ko nalang umiyak... nasasaktan ako...
Oo, kahit anong pilit ko na kalimutan ang feelings ko sakaniya, hindi ko parin makalimutan... kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na wala na, heto parin ako... umaasa... na sana, sana maramdaman niya na naiinis ako pero gustong gusto ko siyang kausapin... pero ewan ko ba. Bakit hindi niya parin napapansin..
Ano ba ang mali? Nais ko lamang ay mahalin rin ako ng taong mahal ko... ngunit bakit parang napakahirap makamit ito? Simula bata ay hinahangaan ko, kung paano mahalin ng isang Alpha, ang kanilang luna, lalo na sa mga kwento kwento. Kaya noong nalaman ko na lobo ang nakatakda sakin, hindi ko mapigilang ma excite... pero mukhang hindi talaga...
Napabuntong hininga ako bago pinikit ang mga mata ko. Kapag patuloy akong nakamulat at ganito ang iniisip ko ay baka tumulo nalang bigla ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko kaya dali dali akong lumabas ng pintuan, wala na akong pakialam kahit mag taka sila, wala na akong pakialam sa mga tawag nila, ang nais ko lang ay makalabasa sa kwartong iyon at lumayo sa kaniya.
Namalayan ko nalang ang sarili ko sa harap ng hardin, sa likod ng kastilyo. Umupo ako sa isang bench doon at hinayaang tumulo ang mga luha ko kanina ko pang pinipigilan.
Hindi ko na napigilan ang pag hikbi ko, pinalabas ko na ang lahat, lahat lahat ng sakit, pighati at kalungkutan, para isahan nalang. Naramdaman ko nalang na may humahagod sa likod, nang tignan ko kung sino yun, si Isa lang pala, I show her my smile, well, not literally my real smile, I just dont want her to be worried. I just sigh and turn my head, I dont want her to see the sadness in my eyes, I dont want her to pity me.
YOU ARE READING
The Charmless Queen💛💙
Teen FictionFalling inlove is the best feeling but being broken is worse feeling. -- Rylandrien Tristan Ferrer Why fall in in love if you can fall out of the window and get the same result. -- Louise Calvin Mates are not irreplaceable... and because of that...