Chapter 28: Simula
Chapter 28: Simula
*Behati Azalea Monzanto
Dali dali kaming lumabas sa silid at pumunta sa bayan. Pagdating namin dun ay halos mapaiyak ako sa aking nakita. Mula sa masasayang tawanan, masisiglang usapan, maiilaw na bayan ay naging maingay dahil sa iyakan sigawan at pait, bangkay sugatan at mga taong pilit na nililigtas ang sarili, usok at apoy ang namamayani ngayon sa bayan.
Dali dali kaming nagsikilos. Si Princess, Matt, Kaye, at Althea ang bahala sa pagliligtas ng mga sugatan at inosenteng diwata, habang kami naman ang nakikipaglaban sa mga havalel.
Inilabas ko ang aking espada at sinaksak ang pinakamalapit na havalel. Wala pang isang oras ay halos mapaslang na namin ang lahat ng sumugod ngunit may ibang nakatakas mabuti nalang at may nakabantay nang kawal sa labasan na kasama si Lola at si Tita Mika.
Inaayos na namin ang bayan at halos kami ay pagod na mula sa laban, mabuti nalang at may dumating na tulong mula sa kaharian ni Jade at Louisse. Kaya medyo nabawas bawasan ang aming ginagawa.
Gabi na tahimik kami na kumakain, siguro ay dahil na din sa gulat at pagod. Ngunit biglang nagsalita si lola,
"kayo ay nagnakaw? Matatangap ko. kayo ay nagsisinungaling? Maintindihan ko. kayo ay sumuko? Ayos lang sakin. NGUNIT ANG MAGING TAKSIL, AY ISANG KALAPASTANGANAN NA HINDING HINDI KO MAPAPATAWAD!" dumagundong sa buong kusina ang malakas at galit na sigaw ni lola dahilan para mapayuko ay mapatigil kami sa pagkain.
"Ngayon... sabihin niyo sakin, sino ang taksil sa inyo?!" mahinahon ngunit matigas na tanong niya. Nanatili kaming tahimik pagkat hindi din namin alam. Nagkatinginan kami nina Princess at Kiesha, dahil alam kong imposibleng isa sakanila.
Tahimik kami. Hangang sa may kawal na sumigaw, "Isa kang taksil, Robert!" dahilan para mapatayo kami. Nakita namin ang isang kawal na duguan at halos walang malay.
"Anong kaguluhan ito?" saad ko. yumuko sila sakin bago nagsalita. "Nahuli namin ang kawal na ito na may nilalagay na kung ano sa iyong pagkain mahal na prinsesa. Nang aming siyasatin ay isa palang lason." Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Nagpanic ang lahat at halos mapasigaw ako ng biglang kwelyuhan ni Tristan ang kawal.
"Sino ang nagutos sayo?" seryosong sabi niya. Nanatiling tahimik ang kawal kaya mas lalong humigpit ang pagkakasakal ni Tristan. Napaubo na ang kawal ngunit hindi pa din lumuwag ang pagkakasakal nito.
"S-si... s-si matheo." Nabitiwan kaagad ni Tristan ang kawal sa narinig na sagot. "Ngunit hindi maari... namatay si Matheo nung siya ay tumaksil sa iyong ina, Isa." Mahinang sagot ni Lola.
"Ngunit, diba sabi niyo hindi nakita yung bangkay ni Matheo?" sabat ni Matt kaya mas lalong napatahimik kaming lahat. "madaming pangyayare ang nangyari ngayong araw. Kailangan nating magpahinga at magpatuloy bukas. O siya sige, kayo ay magsitulog na." saad ng reyna bago umalis.
Wala kaming nagawa kundi dumaretso na sa aming mga silid. Pumasok muna ako sa banyo at naligo bago humiga. Hindi ko pa napapatay ang ilaw ko ng biglang pumasok si Tristan kaya ngumiti ako. Walang sabi sabi siyang humiga sa tabi ko bago ako umunan sa mga braso niya. Niyakap niya ako ng mahigpit bago hinalikan sa noo. "Everything is going to be alright."
I nod before letting my mind rest until I fall a sleep.
**************************************
AMP <3
YOU ARE READING
The Charmless Queen💛💙
Teen FictionFalling inlove is the best feeling but being broken is worse feeling. -- Rylandrien Tristan Ferrer Why fall in in love if you can fall out of the window and get the same result. -- Louise Calvin Mates are not irreplaceable... and because of that...