Chapter 32: Pagtatangis
*3rd Person Point of View
Katihimikan ang bumalot sa buong silid ng mawala ang katawan ni Kiesha, isang katanungang ang bumalot sa kanilang isipin, saan siya pumunta? Siya ba ay tuluyan ng napunta sa vahal? Nawa ay tuluyan na siya mayapa. Isa siyang magiting na mandirigma.
Tahimik naman na nakayuko si Princess at naroon parin sakaniyang kamay ang dugo mula sa sugat ng kanyang kaibigan. Hindi siya makapaniwala na hindi niya ito nailigtas gayung siya ay isang manggagamot. Kaya niyang iligtas ang iba ngunit bakit sa sarili niyang kaibigan ay hindi niya magawa?
Nanatiling walang imik si Isabelle pagkat nakikita niya sa kaniyang isipan ang magandang ngiti niya kanyang kaibigan, masasayang tawa, kakulitan, lahat ng mga pangyayari na kasama si Kiesha ay unti unti niyang naalala.
"mangako kayo na andito kayo pag ako ay kinorahan na bilang reyna ng Charm." Nakangiting saad ni Isa, inakbayan silang dalawa ni Kiesha at ngumiti sakaniya.
"Hindi namin kailangang mangako Isa, pagkat wala na kaming pupuntahan. Manantili kami sa tabi mo kahit anong mangyari." Nakangising sagot ni Kiesha.
"Walang iiwanan." Saad ni Princess at pinagpapapatong-patong ang kanilang mga kamay na para ba ay susubok sa isang laban.
Unti unting tumulo ang mga luha ni Matt ng maalala ang mga huling salitang binitawan ng kaniyang mahal. Hindi manlang niya ito niyakap bago ito mawala. Hindi niya manlang ito mahagkan at masuklian ng mga salitang nais niya sambitin. Wala siyang nagawa.
Nanatiling tahimik ang buong Gym na laking pinagtataka nilang lahat. Ng i-angat na nila ang kanilang mga ulo ay nakita nila kung paano isa isang lagutan ng hininga ang mga havalel kahit walang sumusugod dito.
Napatingin silang lahat sa babaeng nakayuko, Si Princes.
Ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan na kumukontrol sa hangin upang lagutan ng hininga ang mga havalel. Akmang susugodin sana ni Matheo si Princess ngunit nilagyan ng apoy ni Yvonne ang paligid nila dalawa ni Eva upang hindi sila makalabas.
Isang tawa ang tumapos sa katihimikan. "Kahanga hanga ang iyong kapangyarihan, diwata. Ngunit hindi mo ba alam na maaaring masira ang iyong katawan kapag lubusan mong ginamit ang iyong kapangyarihan? Huwag kang magmalaki, diwata. Hindi kapa handa." Seryosong sabi ni Eva ngunit parang wala narinig si Princess at patuloy lamang siya sa pagyuko.
Hangang sa unti unti na ngang sumuko ang kaniyang katawan. Tuluyan ng namanhid ang kaniyang kamay, unti unti naring nawawalan ng kulay ang kaniyang mukha at nawawalan na din siya ng malay.
*Behati Azalea Monzanto
Nakita ko kung paano manghina si Princess kaya dali dali ko siyang Nilapitan. "Kumalma ka. Kalma Lina, kalma." Dahil sa sinabi ko ay nakitang ko unti unti na ngang nawala ang kanyang kapangyarihan kaya may ibang havalel na ang bumalik ang kanilang hininga. Mabuti na lamang at sila ay nanghihina pa.
"Kailangan niyong ilayo si Princess dito." Sambit ko kay Matt, akmang hahawakan niya na ito ngunit tumayo si Princess. Walang emosyon ang kanyang mata ngunit nagawa niya pang ngumiti. "walang iwanan." Ang tanging nasabi niya at tinignan ng masama sina Matheo at Eva.
Kinuha na ni ate Yvonne kaya maari na silang lumapit sa amin. Nakangising silang dalawa ngunit nanatili kaming seryoso. Wala kaming panahon para makipag biruan.
"aba, aba, aba. Anak nga talaga kayong dalawa ni Isabella at Lira. Hindi marunong sumuko sa mga nakakataas." Walang emosyong sabi ni Eva at natawa pa.
"Nakakataas? Nakakataas na pala ang isang Taksil, kamahalan." Sagot naman ni Princess dahilan para sumama ang tingin ni Eva sa kaniya. "Opps, Bulls eye." Bulong ko kaya napatawa kami ng mahina.
"kalapastanganan!" inis na sabi ni Eva at sinugod kami. Itinaas niya ang kanyang kamay at sunod sunod na tinapon sa amin ang kaniyang kapangyarihan, ngunit sinasangga naman ito ni Princess. Habang si Matheo naman ay akmang sasaksakin ako ngunit napigilan ko ito.
Sinipa ko ang kanyang sugat dahilan para mapaluhod ito. Sinaksak ko siya ngunit nakaiwas siya kaya daplis na lamang ang kanyang natamo.
Sugatan na kaming lahat ngunit patuloy parin kaming lumalaban. Halos napuruhan na rin sina Tristan pagkat patuloy na dumating ang mga havalel. "Nasaan na ang mga kawal na hininga natin kina Louise?" Nagtatakang tanong ko na ikinibit balikat naman ni Princess pagkat hindi niya din alam.
Ng mapansin kong unti unti nang namumuno ang mga havalel ay pinalabas ko ang aking brilyante at sinubukang patayin ang mga ito. Katulad nga ng sinabi ng dyosa, hindi pa sanay ang aking katawan kaya ako ay tuluyang Nanghina. Dinala ako ni Princess sa gilid at may kung anong inusal na dasal at unti unti ngang bumabalik ang aking lakas.
May lumalapit sa amin ngunit napipigilan ito ni Princess. Akmang mawawalan na kami ng pagasa ng sumugod ang mga kawal kasama sina Lola, Tita Mika at Tita Lira. Napangiti ako pagkat may bagong liwanag kaming nakita.
Nagpatuloy ang labanan at halos napatumba na namin ang lahat ng havalel. Lumapit ako kina Matheo ngunit may pumigil sa akin, Si Nanay.
"isa kang kalaban?" naguguluhang sabi ko. Ngumisi siya sa akin at unti unting nagpalit ng anyo.
"Putangina." Bulong ko at sinugod niya ako, pilit ko siyang iniiwasan pagkat siya ay aking ding ina ngunit... para sa Charm.
Lumaban ako, akmang sasaksakin ko ng siya ng biglang bumalik siya sa dati niya anyo, ang aking ina. Umiiyak ito at humihingi ng tawad. Hindi ko kaya.
Para sa Charm. Bulong ng aking isipan at nakita ko ang mga ngiti nilang lahat. Napaiyak ako at umiilang na sinaksak siya. "Patawad." Ang tanging nasabi ko at tumakbo na papunta kina Matheo.
"Kahanga hanga, isa ka ngang magiting na reyna, ngunit, nakakalungkot lamang at hindi mo na ito mapapakita." Nakangising sabi ni Eva at sumugod sakin, pilit ko din siyang pinapatamaan ng aking kapangyarihan, akmang sasaksakin ako ni Matheo sa likod ngunit napigilan ko ito. Sinipa ko siya at natamaan ko naman si eva dahilan para matumba siya.
Lumapit ako kay Matheo at walang pagaalinlangang sinaksak siya. "HINDI!!" malakas na sigaw ni Eva ngunit huli na. Patay na si Matheo.
"Wala kang hiya! Lahat nalang kinukuha niyo! Una ang aking trono, pangalawa naman ang mahal ko?!" galit na sabi ni Eva ngunit hindi ko siyang pinansin.
'Hindi ko hahayaang kadiliman ang humari sa kaharian ng aking ina."
YOU ARE READING
The Charmless Queen💛💙
Teen FictionFalling inlove is the best feeling but being broken is worse feeling. -- Rylandrien Tristan Ferrer Why fall in in love if you can fall out of the window and get the same result. -- Louise Calvin Mates are not irreplaceable... and because of that...