Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [4]

410K 5K 422
                                    

Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy! 


CHAPTER 4

NARRATOR

Lumipas ang dalawang linggo. July 12 na, halos tatlong linggo na nagbo-bonding ang barkada. Nagkakaroon na ng loveteams. At si Kean at Chanel? Mas tumindi ang away! Pero nagiging mas close naman silang dalawa.

"Ano?! Diyan lang sa tapat ang bahay mo?! Langya ka! Bakit hindi mo inoffer kina Cass!?"

"Ayoko ngang magulo ang bahay namin!"

"Kahit kailan sira ulo ka talaga!" Dumating na din ang araw para sa 'general practice'. Titingnan kung sinong gaganap na Raphael between Jake and Kean. Natapos na rin magperform sina Bianca at Jake.

And now, si Kean at Chanel naman. Magaling ang dalawa, napaiyak pa sina Ria at Ivy kaya pinag-partner na si Kean and Bianca kaso...

"Ano ba naman yan Kean?! Feelings naman! Yung parang kanina sa pinakita niyo ni Chanel! Lapitan at hawakan mo siya! Lovers kayo! Amp!" Iritang sabi ni Cass na naman kay Kean.

"Kasalanan ko bang hindi ako komportable sakanya?! Kung gusto mo ikaw na lang mag Raphael! Dami dami reklamo, bwisit!" Sigaw naman ni Kean pabalik kay Cassandra.

(Tapos nagwalkout si Kean)

"Ang... Nakuuu! Jakeee! Ikaw na mag-Raphae! Lecheee!"

KEAN'S POV

Ang dami-daming arte ng babaeng yun! Kaasar! Kung ayaw niya ng acting ko eh di wag! Siya na lang mag-acting mag-isa niya! Ito ako nag-walkout na naman! Papunta ako sa... kwarto ni Chanel. Papalamig! Pagpasok ko sinara ko yung pinto ng malakas.

"Woah?! May balak sirain ang pinto ko?"

"Nambwibwiset na naman kasi yung best friend mo! Sinigawan na naman ako!"

"Sus, sinisigawan din naman kita, what's the difference?"

"Isa ka pa! Haay naku!"

"Ito naman! Ang init ng ulo! Ito oh (tapos may inihagis siya)"

"Oh para saan naman tong chocolate na to?!"

"Noong bata ako yung papa ko, binibigyan niya ako palagi niyan 'pag umiiyak ako o mainit ang ulo... basta kapag wala sa mood! Sarap yan!"

Itong chocolate na to, ganito... Ganito yung chocolate na binibigay sakin ng mama ko nung bata pa ako. Bakit ba sobrang dami niyang kaprehas sa mom ko?!

"Alam mo ba ganito din yung binibigay ng mom ko?!" Parang nagtaka pa siya sa sinabi ko. "Alam mo ba kung bakit tinatanong ko yung pabango mo? Kasi kaamoy mo yung mom ko. Alam mo ba kung bakit sinigawan kita noong inalis mo yung sapatos ko? Kasi ginagawa din yun ng mom ko... Sobrang dami mong similarities sa mom ko at ayaw ko non!"

"Umm.. Bakit ba ayaw mo? Sa mama mo? Huh?!"

"Kasi.. Noong bata ako laging nag-aaway ang papa at mama ko, laging umiiyak ang mama. Wala daw oras sa kanya ang papa, puro trabaho-trabaho. Tapos ayun, nilayasan na kami ni Mama. Si papa naman.. Trabaho pa din! Naiinis ako sa papa ko! Bakit ganun?! Sobrang mahal ko ang mama ko, pero iniwan niya lang ako! Sarili lang niya ang iniisip niya, hinayaan niya ako mag-isa. Kaya pasensya na sa mga ginawa ko sayo dati ah!"

"Easy! Oh panyo! Joke! Halos parehas lang naman tayo. Ang papa ko na mahal na mahal ko ayun.. Nasa piling na ni Lord. Yung mama ko busy, nasa states. Yung business na iniwan ni papa siya ang nagaayos. Minsan naman umuuwi siya pero minsan lang yun, kaya wag ka na magtampo sa papa mo! Don't hate them, kasi kahit iniwan ka ng mama mo at least alam mo na pwede pa siyang bumalik. At yung papa mo gusto ka lang bigyan ng magandang buhay!"

"Ewan ko, wala na akong pakialam. Okay na ako mag-isa."

"Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo!"

"Next topic. Ano ba yang binabasa mo?"

"Ahh. Candy. Bakit?" Tapos inagaw ko yung magazine. Tumalon ako sa kama niya, eh siya nakaupo sa kama. Ang bango talaga niya. Naliligo ata sa pabango to oh.

"Hoy, bakit ang tigas ng kama mo? Diba dapat ang sa babae malambot?"

"Praning! Di naman all girls are like that."

"Bakit ba ang lamig palagi sa kwarto mo?!"

"Para masarap! Sa baba ba hindi naka on yung aircon?"

"On, pero.. Mas malamig dito." Natatawa ako, sobrang komportable ako sa madaldal na babaeng ito maybe because she's a lot like my mom. Yun naman dumali sa english! Englishera kasi si Chanel! Minsan..

Nakahiga ako ngayon sa kama katabi niya, pero nakaupo siya! Tsaka may 1 meter na distance! Siguro kung ibang babae to, naku! Naitapon at nasipa ko na!

Maya maya pumasok si Cassandra, mukhang na-shock kasi magkatabi kami ni Chanel sa kama.

"Oh, Cass why? What's the matter?" Natatawang tanong ni Courtney.

"BAKIT KAYO MAGKATABI?!"

"Bakit? Wala naman kaming ginagawang masama! Binibigyan mo kaagad ng malisya! Tsk. Ano bang kailaingan mo?!" Taray ni Chanel ah! Nahawa ba sakin?!

"Ah, gusto ko lang sana mag-sorry kay Kean." Tapos maya-maya lumalapit na si Cassandra, makikisiksik pa ata. Epal talaga. Sumiksik talaga siya!

"Hoi! Sorry daw! Sungit! Aba! Baka gusto mong sumagot?!

"Okay, apology accepted Cass. Pwede ka na umalis!"

"Weh! Bakit mo pinapaalis ang bestfriend ko?! Ikaw kaya umalis!"

"Yoko. Dito lang ako! Bleeh!" Tapos humiga si Cass sa gitna namin, tss. yuck! Umalis ako tapos sa sofa na lang ako. As usual walang pakialam si Chanel pero si Cass pagkaalis ko ngatanong agad. Di ko naman sinagot! Maya-maya umalis na. Yan kita niyo na ang kaibihan ni Chanel sa ibang babae? Maya-maya may tumunog na phone, nagtulog-tulugan ako.

"Oh, Gian panget bakit? Ah, nasaan ka ba? Punta ka na lang dito.." What?! Okay lang ba to?! IS SHE CRAZY?! Alam naman niya na nandito ako, nasa kwarto niya ako tapos papupuntahin niya yung boyfriend niya?! Amp! "... ahh, pinapapunta ba ko nina tita diyan? Sige. Sabihin mo I'll be there mamayang dinner. Yep... I love you too. Ingat ka! Mwa!" Biruin mong parang anghel kapag kausap yung boyfriend! Di naman pala pupunta, lintek. Kinabahan ako dun ah! Maya-maya kunwari gumising ako.

"Oi gising ka na? Ano mas maganda eto o eto?"

"Bakit mo ko pinapapili?! Anong malay ko diyan!"

"Eh lalaki ka kasi.. Dali ano na!"

"Yang pink na lang. Ge!" Kelangan magtanong? Tss. Bala nga yun. Malay ko sa damit. Sus.

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon