Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy!
CHAPTER 7
CHANEL'S POV
Napansin kong kanina pa lapit ng lapit si Cass kay Kean. Hindi kaya?? Ooohh. Oo nga pala! Crush ni Cass si Kean. Kaso, ito namang si Kean iwas ng iwas. Amp!
"Hoi! Bakit ba parang iniiwasan mo si Cass?" Tanong ko sa kanya.
"Eh ang kulit kasi, lapit ng lapit."
"Eh ano naman?!"
"Eh sa ayoko! Wag kang makulit!"
"Sungit!"
Maya-maya binabasa naman ni Cass si Kean. Lalo pa ata nairita si Kean. Naku! Pag tingin ko kay Cass ay kitang malungkot siya pero nagsmile pa din, nagsmile din ako sa kanya.. pilit! Maya-maya umaalis na sa pool si Kean, super lungkot ni Cass. Tsss. Paano ba.. Hmmm.. Aha!
"Oi! Aalis ka na agad? Nilalamig? Weak!" Pang-aasar ko kay Kean.
"Akala mo naman. Mamaya aalis ka din diyan. Nauna lang ako."
"Bet na lang, patagalan sa pool. Walang aahon!"
"Sus, yun lang pala." Tapos tumalon siya sa pool. "Game, ang matalo magiging alila for 1 week. Payag?"
"Sure." Payag na, para lang di malungkot si Cass. At least, nandoon pa din si Kean diba? Aish. Kahit na nilalamig ako kasi.. Amp! Nakatupis ako!
Maya-maya lumapit na si Cass kay Kean, pero mukhang aalis na naman si Kean.
"Hoi Sungit!"
"Ano?!"
Ang taray talaga! Lumapit siya. Nagsmile si Cass. Whoo! "Amm, oi Cass, at.." Tingin tingin, aish. Busy ang mga loveteams! Hmm, aha! "YAEL!" Lumapit na silang apat sakin, "Oi, tarang maglaro! Amm, wrestling sa tubig."
"Ano na naman bang kalokohan to Courtney?" Tanong ni Kean sa akin kaya kinunotan ko siya ng noo.
"Courtney? Bakit ba Courtney? Chanel nga kasi!"
"Kanya-kanyang tawagan na lang yan."
"So maiba taya, daliii! Para magroup group na!" Tapos ayun, ang ginawa ko binulungan ko si Yael na puti. Tapos..
"MAIBA TAYAAA!"
Tsss. Puti din si Kean. Bumulong ulit ako kay Yael. Sabi ko black!
"MAIBA TAYAAA!"
GRABEEE NAMAN! SI CASS NAMAN ANG BLACK!
Tae. Mandadaya na ako! Nung nagpatong patong na kami ng kamay, hinawakan ko yung kay Kean pero yung slight na nakapatong lang. Ang sama nga ng tingin ni Cass. Para sayo to bruha! Tapos ang ginawa ko ginawa kong black si Kean tapos ako naman nagputi. E puti din si Yael! Nice.
"O ayan Yael! Magkagroup tayo! Appeaaaar!"
"Hoy madaya ka! Nakita niyo naman na nandaya siya diba?! Hinawakan niya yung kam—."
"Hindi naman diba?! Cass hindi naman ako nandaya diba?" Tinignan ko si Chanel na nakataas ang kilay ko at alam kong gets niya na ako.
"Ah.. Eh.. Oo nga! Ikaw pa! Asa naman."
"Kita mo na. Tss. Masama magbintang Kean. Tara na Yael. Sexy naman ako kaya kayang-kaya mo ko!"
"Taena. Kadayaan na yan. Ayoko na."
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours
Teen FictionNow a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)