Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy!
CHAPTER 20
CASSANDRA'S POV
Alam ko, lahat kayo tingin sa akin bitch. Pwede din. Pero masisisi niyo ba ako? Nagmahal lang ako. Matagal ko ng gusto si Kean. Mahal na mahal ko siya. Kita niyo naman yung effort ko db? Simula sa pagpapansin pati yung magkasama kami sa kwarto lahat na. Lahat yan pinaghihirapan ko para mapalapit sa kanya. Para mapansin naman niya ako!
HINDI AKO NAPAGOD! Hinding hindi ako mapapagod basta para sa kanya. Pero.. diba ang sakit, malalaman mo na lang na yunng taong mahal mo, yung taong lahat na ginawa mo mapansin ka lang.. FIANCEE na ng BESTFRIEND mo. Hindi lang boyfriend eh. Fiancee.
Narinig ko na arranged lang daw yun. Pero kahit na. Sila pa din diba?! Tapos.. break na din si Chanel at Gian. Paano na pala ako nito? Wala na nga akong place sa buhay ni Kean, kinuha pa ni Chanel yung natitirang place and hope na pwede ako pumasok sa buhay niya.
Ang hirap hirap kaya na yung mahal mo hindi ka mahal. Aasa ka, mageeffort, gagawin mo ang lahat.. lahat lahat kahit na maging tanga ka sa harapan niya mapansin ka lang! Tapos ngayon palagi ko silang nakikita sa school na magkasama. Kahit itanggi ng itanggi ni Kean alam ko na mahal na niya si Chanel. Yung taong mahal ko, mahal na yung bestfriend ko. Sobrang sakit. Hindi ako corny. Sobra sobra lang talaga akong nasasaktan. Sobra sobra ko kasi siyang mahal.
Mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong talo ka, wla kang magawa kundi hayaan na lang, tumahimik, hanggang ilayo sayo ang taong pnkmamahal mo. Ilalayo siya nng taong pinagkatiwalaan mo. Wala akong karapatang magalit kay Chanel dahil, first of all.. Kean is never mine, at ngayon.. lalong hindi siya mapapasakin. Palagi na kasing si Chanel ang bida. Ako ang kontrabida.
Nasasaktan siya kasi nawala at nakipagbreak si Gian. Bakit? Ako din naman ah?! Nawala si Kean. At least siya, may taong nandiyan.. may Kean na nandiyan para damayan siya. Pero ako?! Sino ang sasandalan ko?!
Buti nandun yung GF girls. Oo. Sa tingin niyo kontrabida sila nuh? Palagi naman. Basta nangaaway at sinasabi ang gustong sabihin at kayang ipaglaban ang nafefeel kontrabida na.Pero hindi, sina Hannan, Renalyn, Thaila, Marjorie, Dempotsky, Echel, Julie Ann, Claire, Amanda, Julia, at madami pa. Sila ang naging sandalan ko. HINDI SILA BITCH! Siguro minsan. Pero.. kahit hindi kami close, hindi nila ako iniwan. Sila lang ang nakakaintindi sa akin.
Hannan- Bakit ba kasi si Kean? Iba na lang ang mahalin mo.
Cass- Kung kaya ko e di sana ginawa ko na. Ayokong magalit kay Chanel. Pero.. inagaw niya si Kean sakin.
Renalyn- Hayaan mo na, kahit naman nawalan ka ng Chanel andito kami.
Demz- tama, never naman kaming mawawala sayo.Ngayon pa? Na.. kaibigan ka na namin.
Echel- kahit na kapag nagsasalita kami may masasaktan kasi prangka kami, kapag naman friend na.. friend na.
Marjorie- TAMA! Walang trayduran! :D
Julie Ann- Nandito lang kaming lahat para sayo.
Thaila- GO GF GIRLS!
Tapos nag group hug kami. Haaay. Namimiss ko na din ang may kadamay. Buti na lang nandito ang GF girls :) At nga pala, may new members ang GF girls.. sina Thalia at Rexy. Si rexy, adik sa gossip girl! Grabe. Pero super bait niyan. Si thaila naman ganun din. Mabait sakin, pero pag sa enemy.. HA! BEWARE! :DD
![](https://img.wattpad.com/cover/60358-288-k881692.jpg)
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours
Teen FictionNow a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)