Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy!
CHAPTER 6
KEAN'S POV
"BESTFRIEND"
Ayan yung sinabi ni Courtney kay Cassandra nung tinanong niya kung ano kami, yung isa naman kasi napaka-chismosa! Pag nakikita ko yung babaeng yun nababanas ako! Sarap i.. UGH!
Bestfriend daw.. YUCK! E diba ganun sila nung si Cassandra? Yuck! Joke.
"Chanel asan si Kirby?" Tanong ni Cass kay Courtney.
"Ahh, may pasok si Gian."
Hala. Ano daw?! Kirby yung tinanong Gian yung sinagot. Tss ang labo talaga ng mga babae. Tapos maya maya, ayun magkachikahan na naman sila. Ang labo talaga ng mga babae. yung iba parang nagplaplastikan lang.
"Oy, samahan mo naman ako mamili sa supermarket! Para sa sleepover mamaya!
"Osige!" Aalis na dapat ako kaso bigla ako hinila ni courtney.
"Ano ba Courtney bitawan mo ko!"
"COURTNEY?!" Pareho nilang sigaw sa akin.
"Eh, sa yun ang gusto ko itawag eh."
"Tss. Sungit! Sumama ka samin."
"At bakit?"
"Siyempre ipagdala mo kami ng mga pinamili!"
"May boyfriend ka naman yun na lang!"
"Amp! May klase yun. Kaya no choice!"
"Tss. Eh may magagawa pa ba ako eh mukhang kakaladkadin mo na ako." At ayun nga namili na yung dalawa. Ang dami naman pinamili! tss. Gusto ako itorture sa pagbibitbit ko! Anak ng.
"Oy Kean! Doon na lang kami sa bahay niyo. Diba may pool dun? Sige na." Biglang sabi ni Cassandra sa akin, irita!
"Ayoko nga." Sagot ko.
"Dali na! Ang damot nito! Aayusin naman namin yun eh. Sige na. Pleeaasss—" ANAK NG! DADALI NA NAMAN SIYA SA PLEASE NA YAN!
"Oo na! Matahimik ka lang."
"Yess!" At nagappear yung dalawa.
"Nga pala, may apat na kwarto lang dun na extra. Medyo maliit yun. Tsaka may isang guest room."
"Wow! Ang laki!" Natatawang sabi ni Chanel. Maya-maya, pumasok na naman sila sa isang store. Ano ba yun! Wala ng katapusan mamili?! Mamaya may nagpupunas na ng pawis ko. Lah!
"Ano ka ba! Bakit mo ko pinupunasan?!"
"Eh ano gagawin ko? Eh basang-basa ka na diyan! Para kang nag-shower! Isa pa. Sige nga, kaya mo pa bang hawakan ang panyo?! Eh puno na yang kamay mo."
"Sabi ko nga diba?"
"Pasensya ka na kay Cass ha? Pag talaga shopping walang makakaawat diyan! Akin na nga yung iba kawawa ka naman. Tagaktak na ang pawis mo."
"Gwapo pa din naman ako!"
"Umasa ka pa naman! Tara na nga."
Nakauwi na din sa wakas! Natapos na din sa walang hanggang pamimili! Ang masaklap pa, hindi lang nila ako pinagbitbit.. Pinagdrive pa ako! Amp.
Noong pauwi na kami biglang tumigil si Chanel, nagdudugo na yung paa. Paano kasi pinagsuot ni Cassandra ng heels! Parang t*nga kasi!
"Sakay"
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours
Teen FictionNow a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)