Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy!
Chapter 29
Chanel's POV
Hello School! Oh yes! Monday na naman.. At isa lang ibig sabihin niyan..
May pasok na naman!
Si Kean? Hindi na ako ginising.
Bakit?!
Andito na kasi si Mommy eh! Kaya ang sarap ng breakfast ko! Haha. December 4, 20**.
Whooo! Parang ang sarap naman sa feeling! Haha. Andito kasi si Mama. Hanggang new year siya dito kaya.. Matagal pa siya aalis! At si Papa (Tito Ken) ganoon din kasi business partner na sila, nagmerge na ang kumpanya namin. Hindi dahil sa naging magfiancee kami ni Kean.. Trip lang pala nila yun. Ni Papa pala! Kasi sabi niya baka daw maging matandang binata si Kean e gusto daw niya ng apo! Sus!
Nagmerge sila kasi magbestfriend talaga sila, tapos.. Feel nila na gawin ang business together. Inaasar nga namin sila ni Kean na baka daw sila pa ang magkatuluyan! Sabi nila malabo daw! Sus. Haha! Joke. Pero ang cute nilang dalawa! Sobrang close!
"Anaaaak! Ano ka ba?! Bakit ganan ang damit mo?"
"Bakit naman ma?"
"Jeans?! Hindi ka talaga stylish!"
"Ma! Papasok ako hindi ako magmomodel!"
"Osige.. Pero lagyan mo ng headband yan! Tska magcurl ka! Ang panget mo eh!"
Ouch naman! Haha jokee. Yes! Ganan talaga ang mommy ko! Super fashionsita! Lalo na sa akin! Ginagawa niya akong barbie doll! Pero.. Gusto ko naman dahil kikay ako! You know.. Like mother like daughter!
"Ayan! Ganda na ng anak ko!"
Alam niyo bang kinurl muna niya ang hair ko bago niya ako pakainin! Kamusta naman yun db?! Ang kulit talaga! >_<
*beep beep*
"Anaaaak! Andiyan na si Hubby mo! Bilissss!"
"Ma! Anong Hubby ka diyan?!"
"Sabi kasi sa akin ni Kean wifey ka daw niya!"
Umaygulay! Ano na naman kaya ang pinagusapan ng dalawang yun?! Alam niyo bang.. Mas alam pa ni Mama ang lahat kay Kean kesa sakin?! :< sino ba ang wife?!
Sus. Sige lang. Maganda yan. Magselos ka sa nanay mo! Haha. Joke! ;D
"Anak! Bilisan mo bilis! Tingnan mo ang gwapo ng hubby mo! Aruuy! Ganan din kagwapo ang tatay mo dati! Haaay. Namimiss ko na siya."
"Ma. Andiyan naman si Papa Ken. Dun ka na lang!"
"Tumigil ka nga anak! Mahiya ka naman sa balat mo! Hindi kami talo nuh!"
"Susss! Oo na. Sige na late na ko mader dear! Babayoo!"
"Ang kiss ko?!"
"*mwuah* bye mom!"
"Bye dear."
"Babay din Mommy!"
Tingin kami sa pinto.. At ang lumabas ay ang sobrang gwapo kong fiancee. Err. Bakit ba ang gwapo niya?! Bakit bakit bakit?!
"Bye.. *smirk* HUBBY! *tiningnan ko siya ng masama* Hubby ng anak ko! Selos kaagad si Chanel oh!"
"Che! Bye na kasi mommy! Daldal mo talaga!"
Tapos ayun. Lumabas na ako. At.. Hinarap ang gwapong nilalang na ito. O.O
"Haay. Matutunaw ako niyan!"
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours
Teen FictionNow a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)