Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [25]

242K 2.3K 222
                                    

Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy! 


CHAPTER 25

Chanel's POV

The next day, hindi ako pumasok! Natural! Hindi nga ako makalakad eh. Pero unti unti lumalakas na ako. Tinawagan na ni Kean si Mama at si Tito Ken. As usual, super alala si Tito, si Mama naman ayun nagpapasalamat kay Kean. Ewan ko ba. Pero unti unti, napapamahal na din siya kay Kean. Awww. ;) wala. Parang masaya. One big happy family.

Miss ko na sina Tita May at Tito Mico. Mom and Dad ni Gian. Yung dalawang yun, parang second mom and dad ko. Kapag may lakad sila palagi akong kasama. Kapag may pupuntahan palagi akong may pasalubong. Bata pa lang ako, sila na ang nandiyan kapag wala ang mommy. Miss ko na sila T3T.

Nasa California din sila ngayon. Ang alam ko nagkaroon ng mild stroke ang tito! Grabe. Hindi ko man lang siya nabisita. Gian kasi! Si Tita May miss na miss ko na! Siya ang nagturo sa akin kung paano magluto, maglaba, mamlantsa at magmakeup! Haha. Miss ko na sila!

Kasi ang breakup hindi lang kami ni Gian ang involved. Lahat kasali, ang mama ko, si Tita May, si Tito Mico yung environment na kinagisnan namin. Arg! Ayoko ng magisip! Naiirita lang ako kasi hindi ako makamove on! Potek!

Grrr! Grrr! Grrr! Nakakaasar talaga! Naiinis ako! Hindi ko alam kung bakit! Arg! PMS! Nakakaasar! Nakakaasar!

"ASAAAAARRR TALAGAAAAA!! NAKAKAINISSSSS!"

HAHAHA! Bigla bigla na lang ako sumisigaw. Wala naman kasing tao dito! Teka, nandito pa rin ako kina Kean. Bukod sa hindi ako makalakad at puro pasa ang katawan ko (hindi ko alam kung bakit! Siguro dahil sa lack of oxygen at dugo? Ai ewan!) hindi ako pinayagan ni Tito Ken.

**flashback

Tito- ANO?! Grabe! Bakit ka nakulong sa freezer?! Ipakulong natin ang gumawa niyan!

Siyempre hindi ko naman sinabi na dahil kay Cass dahil ayoko siyang makulong!

Ako- wala naman po, amm.. Kasalanan ko po. Basta po ako po ang may kasalanan!

Tito Ken- osige, hoy anak. Alagaan mo ang fiancee mo! Kapag may nangyari diyan hindi kita pamamanahan!

Naka loudspeaker po siya.. Dinemand ni Tito Ken! Haha.

Kean- Pakealam ko naman sa mana mo! Wag mo nga akong utusan!

Tito- Huhuhu! Bakit ba ganan ka? Bakit ba lagi mo na lang ako sinusuway?! Huhuh. Akala ko ba bati na tayo?!

Eeep! Umiiyak na naman si Tito! I mean.. Nagngangangawa lang pala! Siniko ko si Kean.

Kean- Oo na. Aalagaan ko na si daldal.

Tito- YES! ^____^V OSIGE NA CHANEL! BYIEEEE! MAY MEETING PA AKO!

Eeep. Si Tito ba talaga yun!? Tatay ba talaga yun ni Kean?! -.-" parang hindi naman.

**end of flashback.

Yehes! Kaya nandito lang ako! Napanuod ko na lahat ng cartoons sa cartoon network, nickelodeon, at disney chanel! Napanuod ko na ng paulit ulit ang One More Chance sa cinema one.. At konti na lang.. May bed sore na ako! Bakit kasi ansakit ng buong katawan ko.

Si Kean Patrick Padua. Nasaan siya? Ayun. Pumapasok. Sabi niya papasok siya eh! Wala ngang pakialam sakin ang hinayupak na yun! Nagstuck ng tsitsirya sa bedside table niya! Hindi man lang bumili ng fruits ang loko! Ang sweet talaga! Sobra! Umaapaw masyado!

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon