Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy!
CHAPTER 28
KEAN'S POV
"Anak. Nakita ko yun ah. Nakaakbay ka kay Chanel. Tell me anak, do you love her na?"
"H-huh? Ano bang sinasabi mong matanda ka!"
"Aray! Di pa ako matanda! Tss. Wag mo nga baguhin ang topic. Mahal mo na ba si Chanel?"
"Papa. Sira ulo ka talaga!"
"Tss. Sige na nga. In denial ka pa din hanggang ngayon. Puntahan mo na nga sila. Susunod na ako. Papahangin lang."
"Emo! Geh sundan ko na sila."
Ewan ko. Pero unti unti nagiging malapit na naman ang loob ko kay Papa. Siguro dahil na rin kina Courtney at Mama.
Sumunod nga ako dun sa loob, para tingnan kung nasan sina Courtney, ang tagal kasi nila. Oh talagang mahaba lang ang pasensya ko? Aish. Basta!
"G-G-Gi.. Gian?"
F*ck! Bakit nandito na naman yan?! Di ba nasa california na yan?! Bakit bumalik na naman yan sa pilipinas?! At.. P*tang*na naman! Kasama pa yung babae. Tss. Ayun si Courtney halata namang naluluha na. Kulang na lang lumuwa ang bibig niya at pasukan ng langaw! Ha-ha! Sige lang Kean magjoke ka lang.
Ayun, sumingit na si Mama dahil alam niyang paiyak na si Courts. Si Gian naman.. Hmm.. Bakit ganun? Halata namang.. Nasasaktan din. Siguro, matagal na nga ang pinagsamahan nila. Maya maya, may dumating na babae. Kasing tanda siguro ng Mama.
"Chanel anak! Kamusta ka na? Miss na miss ka na ni Tita!"
Tapos niyakap niya si Courts. Halatang gulat na gulat. Tapos.. Umiyak siya dun. Iyakin talaga ng bubwit na to. Si Gian naman.. Ayun. Nakatanga lang. Taena. Pigilan niyo ako. Makakapatay ako ng wala sa oras.
"T-tita.. Miss na miss ko na din po kayo."
"Oh. Wag ka ng umiyak! May pasalubong ako sayo."
Isa pa naman tong babaeng to. Hindi ba niya nakikita na may kasama ng iba ang anak niya?! Sus.
"T-tlga po? Wow."
Ayun. Ngumiti naman si Courtney. Halata namang peke. Si Mama naman, alam kong ramdam niya yung feeling ng anak niya. Teka nga, ano bang ginagawa ko pa dito? Puntahan ko na kaya? Baka magulo lang lahat.
"O Gian anak. Nabati mo na ba si Chanel?"
Lahat naman sila tumingin kay Gian na katabi yung babae.
"Ai Chanel. Ito nga pala si Anika. Ahm. Anak."
Tapos naghug na naman sila. Ano ba naman tong nanay ni Gian?! Ayun. Napaiyak na talaga si Courtney. Tss. Lagi na lang umiiyak tong si Courtney! Hindi na to pwede.
"Courtney!"
Lahat sila tumingin sa akin. Tss. Puro kayo tingin. Lagi niyo na lang sinasaktan ang asawa ko.
Nilapitan ko siya. Umiiyak na naman. Nagtago siya sa may likod ko. Hai naku. Basa na naman ang damit ko dahil sa iyak niya. Sayang ang luha niya. Sayang.
"Hello po. Ako po si Kean. Mama, hinahanap na po tayo ni Papa. Pwede na po ba tayong umalis?"
Nagnod naman si Mama, yung tingin na may halong.. 'Buti dumating ka' look. Si Courts naman nagpupunas na sa damit ko. Yahaaaak! Joke. Tss. Nakahawak lang siya sa dulo ng damit ko. Parang bata. Tapos ayun, nagpaalam na si Mama sa Mama ni Gian. Pati kay Gian at dun kay.. Anika ba yun? Basta yung babae na.. Maganda nga.
Pero.. Mas okay si Courtney dun. Tss. Si Mama kinausap si Papa at kinwento ang lahat. Gets naman ata ni Papa. So. Ayun. Sabi nila bibili lang daw muna sila ng pagkain. Naiwan kami dito sa tabi ng pataas na road sa second floor ng NAIA. Anlamig. Madilim na din. 6:45 na kasi.
Sobrang lakas ng hangin. Iyak pa din siya ng iyak.
"Kean. Bakit bumalik pa siya? Kasama pa yung babaeng yun? Pinakilala pa ni Tita May. Hindi man lang ako pinansin ni Gian. Umiyak pa ako sa harapan nilang lahat. Alam nilang lahat na nasasaktan ako, pero.. Pero pakiramdam ko wala pa ring nakakaintindi sa akin. Kean.. Ansakit eh. Dati rati, ako yung katabi niya. Ako yung.. Ako yung nasa pwesto nung Anika na yun! Ako yun eh! Hindi man lang niya ako pinansin. Para akong tanga dun. Kean. Ansakit sakit. Ansakit sakit."
Yung iyak niya ngayon, hindi na yung sobrang iyak. Yung may mga luha lang na tumutulo. Pero.. Pakiramdam ko, mas masakit to. Mas okay na ata yung malakas at madami siya umiyak kesa sa ganito. Yung mga words na lumalabas sa bibig niya parang.. Sobrang sakit.
Pinunasan niya ang luha niya, pero may tumutulo pa din. Nakatayo kami dito.. Ang.. Ganda ni.. Ang ganda niya. (=' ',=)
Ewan ko ba kung bakit. Pero.. Ang ganda talaga niya. Nga-ngayon ko lang.. Nakita na maganda pala talaga siya. K-kasi, sa sobrang hangin, nililipad ang buhok niya. Tapos, umiiyak siya pero.. hindi niya tinatago. At the same time pinipilit niya maging strong.
Ang ganda pala ni Chanel Courtney Chua. Ang ganda pala ng fiancee ko. (-",-)
Tangina naman Kean! Ano ba yang sinasabi mo! Alam mo ba ang sinasabi mo?!
Oo. Alam ko na ang sinasabi ko. Ako ay..
"Kean. KFC?"
Sakto.
"KFC nga."
"Sige sundan na nila tayo dun. Ang tagal naman nila bumili. Sana may krushers! Eep!"
O.O ano ba naman yun?! Basta talaga pagkain hindi papaawat to! Kanina lang umiiyak to ah! Tss. Haaay. Buti naman.
"Courtney. Simula ngayon. Ayoko ng makita kang umiiyak ha?"
"Nasabi mo na yan dati!"
"Hindi mo naman tinupad eh. Palagi ka namang ganan!"
"He-he. Nasasaktan kasi ako. Mahirap yang pinapagawa mo."
"Kayanin mo! Kapag nagawa mo. Hindi na kita iiwanan forever."
"Oh? Sigurado ka na ba diyan? Wala ng iwanan?"
"Oo. Basta wag kang bibitaw ha?"
"Oo. Di ako bibitaw."
Tapos, inoffer ko sa kanya ang kamay ko. Wala na din namang bitawan. Kinuha naman niya at ayun. Magkahawak kamay lang kami. Papunta kami sa may KFC.
Oo nga.
KFC. ;)
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours
Teen FictionNow a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)