Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy!
CHAPTER 48
Siguro nga hindi ako ang tamang lalaki para sakanya, wala akong gagawin kung hindi ang saktan siya. Wala akong magandang maidudulot sakanya kung hindi problema.
Maybe maganda pa siguro kung isusuko ko na lang siya.
Kaso..
Nakita ko, bigla siyang ngumiti..
Bigla akong nasaktan.
I'm so sorry Courtney.
Sorry Courtney pero..
Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang isuko si Courtney. Hindi ko kayang iwan ang babaeng may ganang klaseng ngiti.
Hindi ko kayang iwan ang babaeng nagpapatibok ng ganitong kalakas sa puso ko.
Hindi ko kayang iwan ang babaeng nagpapasaya sa akin.
Hindi ko kayang iwan ang babaeng patay na patay sa pink.
Hindi ko kayang iwan ang babaeng iiyak sa phone dahil slow at hindi naiintindihan ang sinasabi ko.
Hindi ko kayang iwanan ang babaeng mahal na mahal ko.
"KEAN!" narinig ko na lang sumigaw si Dara.
Sorry Dara.
Aish. Bakit ganito? Ayoko ng ganito? Ayoko ng may nasasaktan ako na babae. Ako ang unang unang nagalit kay Gian dati. Pero ngayon, ako ang gumagawa. Anak ng. Ayoko ng ganito.
I'm sorry. G*go lang talaga ako.
Tumakbo ako sa kung nasaan si Courtney, kinuha ko ang kamay niya at hinila ko siya. Kita ko naman na gulat nagulat siya.
"Kean?!?! Anong ginagawa mo rito! Bitawan mo ako! Saan tayo pupunta! KEAN!"
Sigaw lang siya ng sigaw. Ang mga tao sa mall tumitingin na sa amin. Bigla akong hinarang ng security guard.
"Sir sumama ka sa amin."
Tapos kinuha niya ang kamay ko tapos pinosas. Ganito ba kaO.A sa mall na ito?!
"BAKIT NIYO PO SIYA PINOSAS?! ANO PONG GINAGAWA NIYO SAKANYA?!.
Guard: Kasi kinikidnap ka niya?
" Aish. Hindi po niya ako kinikidnap!.
Guard: E bakit ka sigaw ng sigaw?!
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours
Teen FictionNow a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)