Chapter XIX (Date/Third Wheel)

3 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Nandito na kame sa mall. Hindi pa rin inaalis ni Chicken Man ang kanyang maskara kay pinagtitinginan kame ng mga tao Yung iba lumalapit para magpapicture sa kanya. Samantalang itong si Ashley ay todo ang selos. Hayst! 

   "Oops, kiss no allowed" Pagpigil niya doon sa babae.

   "Edi hug na lang" Sabi nung babae. Yayakap na sana siya ng harangin siya ni Ashley.

   "Bawal din ang hug" Pagpigil ulit ni Ashley sa babae.

   "Teka, sino ka ba? Makaasta ka para kang girlfriend, ha?" Taas kilay na sabi nung babae.

   "Oh you're right lady. I'm his g-girl...friend" Nagulat kame sa sinabi ni Ashley. Samantalang yung babae ay tinawanan lang siya.

   "Tara na sis, gf naman pala siya ni Chicken Man eh" Sabu nung kasama ng babae.

   "Really?" Natatawang wika nung babae. "Ok, If gf ka nga ni Chicken Man, kiss him... on the lips" Paghahamon sa kanya nung babae. Tinaasan na ng kilay ni Ashley yung babae at pumagitna na si Chicken Man sa kanila.

   "Ah girls..." Hindi natuloy ang sasabihin niya nang hawiin siya ni Ashley.

   "Pagginawa ko ba yun, aalis ka na?" Taas kilay na tanong ni Ashley. Inekis ng babae ang kanyang kamay.

   "Deal" Pagpayag nito.

   "Ok fine, madali lang naman akong kausap" Sabi niya sabay hila ni Ashley sa jacket ni Chicken Man at halik nito. Nagulat kame sa ginawa niya ulito mo si Chicken Man. Pati na rin yung mga nagsisidaanan. Mabuti na lang ay umalis na sila pero sina Ashley at Chicken Man ay mukhang naenjoy na ata ang ginagawa nila. Bumwelo muna ako at saka kinalabit si Ashley.

   "Ah... Ashley, wala na sila" Pag-inform ko pero patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa. "Ah Ashley..."

   "Wait lang, ok? Panira ka ng moment eh" Saway sa'kin ni Ashley.

   "Oo nga" Pagsang-ayon naman ni Chicken Man at muli nilang pinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Marami nang tao ang nakakakita sa kanila. Hayst! Bahala na nga kayo diyan! Huminga ako ng malalim at saka umalis. Hindi ko na kilala si Ashley. Nagbago na siya. Ni hindi ko na nga naiisip na isa pala siyang prinsesa dahil sa mga pinaggagawa niya. Una sa pinsan kong si Ryan. Pangalawa, yung lalakeng magnanakaw sa convinience store at ngayon naman si Chicken Man. Hayst! Prinsesa ba talaga siya? Bakit ganon siya umasta? Arcade. Nacurious ako kaya pumasok ako sa loob. Lumapit ako doon sa mga kabayong umiikot. Paglapiy ko ay huminto na ito at may bumabanh mag-ina mula sa kabayo. Carousel. Yun yung nakalagay sa taas. Tinignan ko isa-isa ang mga kabayo. May nakita akong kamukha nila Uvie at Taifee. A-anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandiyan? Ang pagkakaalam ko ay iniwan ko sila Vampire Clan pero...

   "Hey Rhi-rhi, nandito ka lang pala. Bakit mo kame iniwan?" Tanong ni Ashley. Eh nag-eenjoy kaya kayo sa ginagawa niyo. Tinawag niya ulit ako pero hindi ko siya pinansin. "Are you mad at me?" Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa tanong niya. Umiling lang ako bilang tugon at muli kong tinuon ang tingin ko sa mga kabayo.

   "Ashley, b-bakit nandito sina Uvie at Taifee?" Nagtatakang tanong ko sabay turo ko sa kanila.

   "Ah... Rhian, hindi yan ang mga kabayo mo" Sagot niya. Napatingin ako sa kanya at nagkunot noo. "Yeah maybe they both looks like your horse but Rhian, these horses are made from technology" Paliwanag niya. Pati kabayo, technology na rin? Nakakamangha! "You know what, pumunta na lang tayo sa restaurant" Idea niya. Tumango ako at nginitian siya. Pagdating na'min sa resraurant ay agad kameng umorder. Agad kong naubos ang pagkain ko pero samantalang sina Ashley ay halos walang bawas ang mga pagkain nila. Nalilibang kase sila sa pagkukwentuhan kaya ito, nakatunganga lang ako at pinapalipat lipat ko lang ang aking tingin kung sino ang nagsasalita sa kanila. Hayst! Ilang minuto na ang nakalipas pero ganon pa rin. Walang pagbabago.

   "Excuse me" Singit ko pero parang wala silang narinig kaya napagdesisyonan ko na lang na lumabas nang hindi nagpapaalam.

DaggerWhere stories live. Discover now