Chapter XXI (Prime Minister)

5 0 0
                                    

Princess Ashley's POV

Pagkalabas na'min sa gubat ay nandoon ang Prime Minister. Medyo malayo naman ang distansya na'min sa kanya. Sa likod naman na'min ay may isang class b. Nagcommand doon yung Prime Minister. Hinarap na'min ang halimaw at agad na sumugod si Chicken Man. Sumugod din ako at agad ko siyang tinira ng mahinang boltahe ng kuryente. Hindi ito nakailag dahil na kay Chicken Man ang kanyang focus. Ang akala niya kase ay yun agad ang susugod sa kanya kaya natamaan siya ng kidlat ko. Binuhat naman ni Chicken Man yung troso at ipinanangga doon sa halimaw. Sumugod na rin si Rhian. Pumaibabaw siya sa troso sabay talon at tarak niya ng punyal sa puso ng halimaw. Pagkahugot niya ng punyal ay bumagsak ito. Muli kameng humarap sa Prime Minister. Naglakad kame ngbahagya papunta sa kanya. Tumakbo ng bahagya si Chicken Man sabay bato niya ng troso. May tilang ginamit ang Prime Minister na spell kaya nakagawa siya ng barrier. At yung hinagis na troso ay nawasak lang. Ako naman ang sumugod. Tumira ako ng kuryente ngunit hindi siya tinablan dahil sa barrier. Sumugod na si Rhian. Umatake siya ng down and upward na slices na inilagan ng Prime Minister. Napansin ko sa aming tatlo ay tanging si Rhian lang ang inilagan niya kahit na may gamit pa siyang spell. Marahil alam niyang masasaktan at masasaktan siya sa punyal kaya niya ginawa yun. Bumunot na siya ng espada at siya naman ang umatake kay Rhian. Nakakamanghang pagmasdan na hindi iyon iniilagan ni Rhian bagkus sinasalag niya lang ito. Nakakuha siya ng tiyempo na tapikin ang kamay ng Prime Minister sabay hiwa niya dito. Nabitawan ng Prime Minister ang kanyang espada. Tumalon si Chicken Man my loves sabay sapak niya sa Prime Minister. Kung sa una ay nakalusot siya ngunit pagdating sa pangalawa ay nagamitan na siya ng barrier kaya pagkalundag niya ay tumilapon siya. Oh my god! Si Chicken Man my loves. Mabuti na lang ay agad siyang nakatayo. Oh thanks god. Aatake na sana ako ng bigla akong hilain ni Rhian.

   "Ashley, pagbinitawan ko tong kamay mo, sumugod at umatake ka agad" Utos niya. Kinuha niya mula sa likod ang suksukan ng punyal sabay bato doon sa Prime Minister. Pagkabitaw niya sa kamay ko ay agad akong sumugod at umatake ngunit ginamitan na naman niya ako ng barrier kaya hindi siya tinamaan. Bumwelo si Rhian sabay spin niya ng punyal sa Prime Minister. Nasira ng punyal ang barrier at bumaon iyon sa kanang dibdib ng Prime Minister. Tumakbo si Rhian at sinangga niya ang Prime Minister sabay hugot niya ng punyal at atake niya ng palm strike. Ikinagulat ko ng hawalan niya sa balikat ang Prime Minister at sunod-sunod niya itong ipinagsasaksak sa sikmura. Duguan na ang Prime Minister pero hindi pa rin siya tinigilan ni Rhian. Itinarak naman niya ang punyal sa kaliwang dibdib ng Prime Minister. Pagkahugot niya ay mabilis niyang hiniwa ang leeg ng Prime Minister ng dalawang beses pabalik sabay baon niya pa ng punyal sa ulo ng Prime Minister. Hindi na nakalaban ang Prime Minister. Napaluhod ito. Inapakan ni Rhian sa ulo ang Prime Minister sabay hugot ng punyal at slice sa leeg. Natumba na ang Prime Minister ngunit hindi pa siya nakuntento. Sinipa niya pa ito upang alamin kung buhay pa ang Prime Minister. Iniharap niya ang Prime Minister at sinakyan niya ito. Muli niyang inundayan ng sasak iyon sa puso. Sasaksak pa sana siya ng biglang hawakan na ni Chicken Man ang kamay niya upang awatin na. Hindi ko siya magawang awatin at nafreeze lang ako sa pwestong kinatatayuan ko dahil first time ko lang siya makitang mag-over killed. Sumobra na talaga siguro ang galit niya kaya ganon na lang ang pagpatay na ginawa niya sa Prime Minister. Nilapitan ako ni Chicken Man at sinabihan niya ako na bantayan si Rhian dahil babalik siya sa mall upang kunin ang kotse ko. Pagkabigay ko sa kanya ng susi ay mabilis siyang tumakbo papunta sa mall.

Agad namang nakabalik ai ChickenMan dala ang kotse ko. Inalalayan na'min si Rhian na sumakay sa kotse. Pagkasakay na'min ay agad kong pinaharurot ang kotse papunta sa bahay ko. Wala kang makikitang emosyon kay Rhian. Grabe nakakaawa siya pero nakakatakot yung ginawa niya kanina. Isipin mo, patay na yung Prime Minister pero hindi niya pa rin tinigilang saksakin. Sh*t...

Pagkarating na'min sa bahay ay agad kameng bumaba sa kotse ni Chicken Man. Nakatulog na si Rhian kaya binuhat na lang siya ni Chicken Man papasok sa bahay. Dahan-dahan niyang inihiga sa sofa si Rhian. Nagulat sina kuya Goldrin at Claire nang makita nilang duguan si Rhian.

   "A-Ash, anong nangyare kay Princess Rhian?" Nag-aalalang tanong ni kuya sabay check sa pulso ni Rhian.

   "Don't worry kuya, hindi siya nasaktan" Sagot ko.

   "Eh bakit puro dugo ang damit niya?" Nagtatakang tanong ni kuya. Nagkatinginan kame ni Chicken Man at napagdesisyonan na'min na siya na lang ang magkwento.

   "Napalaban kase kame sa mga halimaw. Sa sobrang galit ni Rhian ay pinagsasksak niya ang Prime Minister" Pagkukwento niya. Napatingin sa kanya si kuta at kinunotan niya ito ng noo.

   "Sino ka? Bakit ka nila kasama? At bakit ka nakamaskara?" Tanong ni kuya sa kanya.

   "Ah... Ako si Chicken Man, isang superhero. Iniligtas ko sila sa convinience store dahil nagkaroon doon ng holdapan" Paliwanag niya. Hindi na muli pang inusisa ni kuya si Chicken Man dahil nag-aalala siya sa nangyare kay Rhian. Hinawakan niya ang kamay ni Rhian at inayos ang buhok nito. Napangiti ako sa ginawa ni kuya. Alam ko naman kung bakit concern na concern siya kay Rhian. He's secretly inlove with her pero hindi niya inaamin. Ang torpe niya kase masyado eh. Hayst!

Ipinaliwanag ko na rin kay Chicken Man ang nangyare kaya naliwanagan siya. Sobrang nag-alala talaga ako kay Rhian kanina. Hindi ko lang siya magawang lapitan dahil nabigla ako sa ginawa niya. Pagkatapos na magpahinga ni Chicken Man ay umalis na siya ng bahay. Pero bago siya umalis ay kinuha niya muna ang number ko. And syempre, I kissed him. Mabuti na lang ay si Claire lang ang nakakita sa'min at hindi si kuya. Dahil kung nagkataon, patay kame parehas. Ang istrikto pa naman non. Hayst!

DaggerWhere stories live. Discover now