Chapter IV (Transformation)

13 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

   Nandito kame sa isang Mall, pamilihan ng mga tao. Pumunta kame sa bilihan ng mga damit. Naghanap si mommy na babagay sa'kin. Nang makahanap na siya ay iniabot niya sa'kin iyon at sinabihan niya akong pumunta sa fitting room, lugar para sa sukatan ng damit ng mga tao. Nang maisuoy ko ito ay agad akong lumabas. Ngumiti si mommy na malaki, senyales ng bagay nga sa akin ang damit na napili niya. Naghnap pa siya ng damit at muli niyang ipinasukat sa akin. Sumunod naman ay sa bilihan ng mga short, maikling pang-ibaba. Medyo ilang ako dito dahil nasanay ako na laging mahahaba ang suot ko pero... ayos naman. Bagay naman daw sa akin sabi ni mommy. Pumunta rin kame sa bilihan ng mga sapatos at takong. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganon. Akala ko madali lang ang mag-suot ng takong, masakit pala sa paa sa lagi akong natatapilok pero masasanay din naman siguro ako. Pagkatapos naming mamili ay kumain kame sa Restaurant, kung saan doon kumakain ang mga tao. Umuwi na kame ni mommy sa bahay dahil may importante pa daw siyang gagawing trabaho. Masaya akong nakilala ko siya at maging ina. Isa siya sa mga taonghindi ko makakalimutan kapag umalis na ako dito sa mundo ng mga tao.



*--*



Sinalubong ko ng mainit na yakap si mommy pag-uwi niya sa mansion.

   "Ohhh. Ang sweet naman ng anak ko. Na-miss ako agad" Natutuwang sabi niya at tumawa ako ng bahagya. Bumitaw siya sa pagkakayakap ko at nginitian niya ako. "I have a good news for you" Nakangising sabi niya. Napakunot naman ang aking noo.

   "Ano po iyon?" 

   "Tinanong kita kung gusto mong makapag-aral at sumagot ka ng oo hindi ba?" Paninigurado niya. 

   "Opo" Sagot ko.

   "Well ginawan ko na ng paraan iyan. So this coming school year, papasok ka na" Natutuwang sabi niya. 

   "T-talaga po?" Gulat na tanong ko.

   "Yes. I fixed everything, darling" Nakangiting sagot niya. Niyakap ko siya sa sobrang saya.

   "Salamat po, mommy"

   "Your welcome, honey" Sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

Sandra'a POV

   Hayst! Nakaktuwa talaga tong anak ko. Sa tuwing nakikita ko siya nawawala lahat ng pagod ko.

DaggerWhere stories live. Discover now