Chapter VI (Ashley)

13 0 0
                                    

Princess Rhian's POV 

Bell's ringing... 

Lumabas ako sa classroom at nagtungo sa cafeteria upang kumain. Hangang ngayon, mag-isa pa rin ako. Nakakausap ko naman ang mga kaklase ko pero may sari-sarili silang grupo. Gustuhin ko mang makihalubilo pero alam ko namang hindi nila ako gusto dahil ampon ako ni mommy Sandra. Hindi ko alam kung anong problema nila sa ampon. Kaya mas pinili ko na lang mapag-isa. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng cafeteria. Muli akong nag-lakad sa hallway. Nakita ko si Ashley,  siya ang katabi ko sa upuan. Nabitawan niya ang dala-dala niyang libro ng bungguin siya ng mga babae kong kaklase.

   "Paharang-harang kase sa daan. Hindi marunong tumabi" Pang-iinsulto ni Margareth, isa sa mga babaeng bumunggo sa kaniya. Tumawa ang mga kasama niya. "Let's go girls" Yaya niya sa mga kasama niya.

   "Bye looser" Pang-iinis naman sa kanya ni Abcde, isa sa mga kasama ni Margareth at umalis na sila. Mag-isa lang pinulot ni Ashley ang kaniyang mga libro at tumakbo siya papalayo pagkatapos. Grabe naman sila kay Ashley. Ano bang nagawa niya para ganunin nila siya? Gusto ko siyang tulungan kanina kaso hindi ko nagawa sa pagkabigla. Parehas pala kame ni Ashley. Ayaw nila sa'min. Alam ko naman ang rason kung bakit ayaw nila sa'kin. Pero ano ang kay Ashley? Ano ang rason nila para kaayawan siya? Matalino naman siya at mabait.

   "Oh there she is. A nerdy girl of our class" Sabi ni Margareth pagpasok ni Ashley sa classroom. Yun ba ang kinaaayawan nila sa kanya? Ang pagiging nerd niya? Nilapitan siya ni Bryan at inakbayan.

   "Hi, baby ko" Nakangising bati ni Bryan kay Ashley pero hindi siya pinansin nito. "Pa-kiss nga" Sabi niya sabay akmang hahalik kay Ashley pero umiwas ito at sinampal niya si Bryan.

   "Ang choosey naman ni girl" Sabat ni Abcde. 

    "Oo nga, akala mo sinong maganda" Pagsangayon ni Elaine at nagsigawan ang buong klase. Hindi ko na kinaya ang ginagawa nila kay Ashley kaya tumayo ako. 

   "Tama na nga yan" Pagpapatigil ko sa kanila. Nabaling ang atensyon nilang lahat sa akin. "Hindi niyo ba alam na mali yang ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila. Humarap sa'kin si Margareth at inekis niya ang kanyang kamay.

   "Wag ka ngang mangeelam dito, ADOPTED GIRL" Pang-iinsulto niya sa'kin at sumangayon ang buong klase.

   "Bryan, ano ba?" Napipikon na tanong ni Ashley kay Bryan. Hinawi ko si Margareth at pumagitna ako kayla Ashley at Bryan dahil umiiyak na si Ashley.

   "Ikaw tumigil ka na, ha? Hindi ka na nakakatuwa" Galit na sambit ko kay Bryan. 

   "O si adopted girl, gustong maki-join" Sabi ni Bryan nang nakatingin sa mga kaklase na'min. Nagcheer ang mga ito.

   "Baka naman kase may gusto siya sayo" Sabat ni Elaine at nagtilian ang buong klase. Binaling ni Bryan ang atensyon niya sa'kin at malagkit niya akong tinignan.

   "Kung ganon, hindi ko na kukulitin si Ashley. Ikaw na lang" Sabi niya sabay aakmang hahawak sa pisngi ko. Tinapik ko iyon. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at tinuhod ko yung gitna niya sabay sampal ko sa magkabilang pisngi niya. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Hinawakan ko ang kamay ni Ashley at hinila ko siya palabas ng classroom. Dinala ko siya sa garden para makapag-usap kame ng maayos. 

   "Ashley, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Nakita kong may namumuong luha sa kanyang mga mata. Niyakap ko siya at hinimas ang kanyang likod. Doon na siya humagulgol ng iyak. "Shshsh... Tama na" Pagpapatahan ko sa kanya. 

   "Salamat" Sabi niya. Inalis ko ang pagkakayap ko sa kanya. Tinanggal ko ang salamin niya at pinunasan ang kanyang mga luha.

   "Simula ngayon, wala ng makakaapi sayo dahil ako ang magiging protektor mo" Pangako ko sa kanya. Nginitian ko siya a ngintian niya rin ako pabalik. Ang kanyang mga ngiti ay sinasabing nagtitiwala siya sa pangako ko.

DaggerWhere stories live. Discover now