Epilouge

6 0 0
                                    

Makalipas ang ilang taon...

Nakapagtapos na ng pag-aaral si Rhian at si Ashley. Hindi pa rin lubos maisip ni Rhian na ang kaklase niyang nambubully sa kanila ni Ashley na si Margareth ay isa palang prinsesa sa Wizard Clan. Namuhay si Ashley nang mapayapa kasama ang kanyang asawang superhero na Ken Chickman o sa mas kilala sa tawag na Chicken Man. Si Goldrin naman ay kinoronahan na bilang hari ng Elemental Clan. Si Jenthirzsa ay isa nang sikat na researcher sa buong mundo samantalang ang prinsesa ng mgabampira na si Rhian ay may-ari na ng school na dating pagmamay-ari ng kanyang inang si Sandra o sa totoong ngalan na Alexandra Krestus. Tinupad ng prinsesa ang habilin sa kanya ng kanyang ina. Pinag-ingatan nito ang lahat ng kayamanan at pinalago pa. Namuhay na rin siya ng normal at umatin rin siya kasa nila Ashley sa kasal naman ni Jenthrizsa. Ikinasal siya sa warlock na si Jade. Kung natatandaan niyo siya yung lalakeng nakasama niya sa garter challenge at sila nga ni Jenthizsa ang nagkatuluyan. Matapos ang kasal, hindi na pumunta pa si Rhian sa reception bagkus masaya niya na lang binatiang mga bagong kasal na sina Jenthrizsa at Jade. Sinuportahan niya rin ang bestfriend niyang si Ashley at Chicken Man sa balak nitong magkaanak na. Ang dating prinsipe ng Elemental Clan na hari na ngayon na si King Goldrin ay hindi nakadalo dahil abala siya sa mga gawain sa kanilang Clan. Umalis na rin si Rhian matapos niyang kausapin ang apat.

Naisipan niyang bumalik sa Vampire Clan para bisitahin ang kanyang lolong si Serafin Krestus, ang dating panginoon ng mga bampira. Nagpalit siya ng suot. Yung ginamit niya sa ritwal at nung sumugod siya sa Vampira Clan. Longsleeve, shorts, boots at may dagget sheat siya sa kanyang hita. Nakasuksok doon si Luna na dating si Moonlight. Sa loob ng isang malaking bilog na kung saan ginagaqa ang ritwal, doon niya nakita ang nitso ng dating panginoon ng mga bampira. Nilapitan niya ito at pinagmasdan.

   "Sa wakas, tapos na" Ani niya. Ngumiti siya at tumingala sa bilog na buwan.

Ngunit anong kapalaran pa kaya ang naghihitay para sa prinsesa o sa bago ng panginoon ng mga bampira ngayon? Tapos na ba talaga ang kanyang tungkulin? O mayroon pang nakaambang mga bagong pagsubok sa prinsesa at sa dagger na si Luna?

DaggerWhere stories live. Discover now