Chapter XXXVIII (Serafin Krestus)

7 0 0
                                    

Serafin's POV

Tinago ko na ang aking espada nang bumagsak na si Prince Ryan. Nakita kong nanggigigil si Queen Rhian sa ginawa kong pagpaslang sa kanyang pinsan. Tumingin siya sa'kin na nanlilisik ang kanyang mga mata ngunit nginisian ko lang siya.

   "Luna Anemos Enkopi" Pag-atake niya ng wind slash. Muli kong kinuha ang aking espada ang hinugot ng bahagya. Nang masira ko na iyo ay agad kong ibinalik sa ito sa suksukan.

   "Anemos Enkopi" Pag-ulit ko habang tumatango. "Panigurado akong natutunan mo yan kay Goracio, tama ba ako?" Nakangising tanong ko sa kanya. Nagulat sila ng alam ko ang tungkol doon. "Kasama mo pala ang prinsesa at prinsepe ng Elemental Clan" Sabi ko nang malipat ang aking tingin sa kanyang dalawang kasama. Nagtataka sila kung bakit ko sila kilala. Dati akong mababang uri ng elementals na gusto kong maghari sa buong mundo. Dumating ang araw na may nakalaban akong isang halimaw. Naputol ko ang sungay nito at doon nagsimula ang moonlight dagger. Patay kameng parehas pero may hindi inaasahang pangyayare ang naganap. Nang matalsikan ako ng dugo ng halimaw sa aking sugat ay muli akong nabuhay ngunit hindi na bilang isang mababang elementals lang, kundi dahil ay isa ng hari ng mga bampira. Sa akin sila nagmula. Ako ang kaunaunahang bampira. Ang kwintas ko na ito ay mula pa ito sa elemental clan. Pumatay ako ng elementals ay kiniha ang kanyang kwintas na apoy at ipinagsama ko ito sa akingkwintas na bato. Kaya dalawa ang aking kapangyarihan bukod sa pagiging kauna-unahan at pinakamalakas na pinuno ng mga bampira.

   "Sino ka?" Tanong sa'kin ni Queen Rhian. Kung tutuusin dapat hindi siya ganon magsalita sa akin dahil lolo niya ako.

   "Hindi mo ba ako kilala, apo?" Napakunot ang kanyang noo sa aking tinanong.

   "Apo? Anong pinagsasabi mo diyan?" Tanong niya. Nagtaas noo ako bago magpakilala.

   "Ako si Serafin Krestus, ang kauna-unahang bampira. Ang panginoon niyo" Pagpapakilala ko.

   "Serafin Krestus?" Tanong ng prinsesa ng elementals. "I know you. Ikaw yung elementals na tumaliwas dahil gustong maghari sa buong mundo. Sayo nagsimula ang mga vampires. So lolo ka ni Rhi-Rhi?" Tanong niya. Tinanguan ko siya at nginisian bilang tugon. 

   "Tama ka" Pagsang-ayon ko. Nagulat sila sa kanilang nalaman ngunit ang aking apong si Rhian ay  nanatiling seryoso. Hinugot niya ang kanyang punyal. Nasa kanya pala ang moonlight dagger. Pero parang lumaki ata ito. Hinugot niya iyon sa suksukan sabay unday niya ng saksak sa aking puso kaya agad kong hinugot ang aking espada sabay salag non. Ako naman ang umatake paitaas ngunit nakayuko siya. Muli akong umatake. Sa pagkakataong ito ay natapuk niya ang aking kamay at nahiwa niya ang aking braso. Natuwa ako sa kanyang ipinamalas. "Talaga ngang anak kita" Natutuwang sabi ko sabay hawak ko sa kanyang ulo at himas nito. Ang ibig kong sabihin sa anak ay angkan. Nainis siya kaya tinapik niya ang aking kamay sabay unday niyang muli ng saksak sa aking dibdib. Ngunit bago pa man niya iyon nagawa ay nakapagpalit na ako ng anyo bilang paniki. Lumabas ako ng palasyo. Sinundan naman nila ako.

Pagkalabas ko ay agas akong nagbalik anyo bilang tao. Isa-isa kong tinitigan ang mga israkturang nandidito ay unti-unti silang naglaho. Tanging palasyo na lamang ang natira. Nakita kong gulat na gulat sila sa nangyare. Binaba ko na ang espada at hiniwa ko ang aking braso. Pinatak ko ang dugo sa espada. Ito yung solas dagger na pinanday ko lang para maging ganap na espada. Nang mapatakan ng dugo ang solas ay umilaw ito. "Afxisi Pano (Rise up)" Utos ko sabay tarak ko nito sa lupa. Maya-maya pa ay nabuhay ang lahat ng uri ng mga bampira. Aswang, sampiro, penanggalan, draugr, vrykolakas at dhampir. Ako lang ang nag-iisang strigoi. Hindi lang ang mga uri ng bampira ang aking nabuhay, kundi pati ang mga zombie at espiritu. Alam kong mahihirapan silang mapatay ang lahat ng mga iyan. "Sugudin sila" Utos ko. Bumango na ang aking mga alagad at agad na sinunod ang utos ko. Sa dami ng aking mga alagad ay imposibleng makaabot pa sila sa akin ng buhay.

DaggerWhere stories live. Discover now