Chapter VII (T.V.)

10 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Simula nung ipinagtanggol ko si Ashley sa mga nang-aapi sa kanya, naging magkaibigan na kame at habang tumatagal nagiging matalik na kaming magkaibigan. Wala na ring nagbabalak na bullyin siya simula nang nagkasama kame. Nandito ako sa bahay nila Ashley dahil dito na'min napagdesisyonan na gawin ang mga assignment na'min.

   "Wait lang Rhian, ha? Kukuha lang ako ng makakain at maiinom na'tin" Paalam ni Ashley. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ko ang paggawa ng assignment. Natigil ako sa paggawa nang makarinig ako ng ingay. Nilibot ko ang aking tingin para hanapin kung saan iyon nanggagaling. Natigil ang mata ko sa malaking kahon. Mayroon ito sa loob na vampire at werewolf na nag-aaway. Natalo ng werewolf ang kalahi ko. Tumingin ito sa'kin ng masama pagkatapos niyang matalo ang isa sa tauhan na'min sa palasyo. Ngunit ngayon ko lang iyon nakita. Baka pag lumabas to, saktan niya niya kameng dalawa ni Ashley. Tumalon ako sa sofa upang magtago. Kinuha ko yung dagger mula sa likod ko. Bahagya kong inangat ang aking ulo sabay bato doon nito sa werewolf. Nawala yung werewolf at kumislap yung kahon sabay sabog.

Ashley's POV

Pabalik na ako nang nakarinig ako ng isang pagsabog. Agad akong nagmadali papunta kay Rhian. Nabitawan ko ang dala ko nang makita ko na may nakabaong dagger sa t.v. 

   "R-Rhian, anong ginawa mo?" Gulat na tanong ko sa kanya. "Bakit may nakabong dagger diyan sa t.v?" Tanong ko pa. Tumayo siya at pinagpag ang kanyang sarili.

   "Baka kase lumabas yung werewolf at sugurin niya tayo dito kaya binato ko siya ng dagger" Nagulat ako sa naging paliwana niya.

   "Rhian, ano ka ba? T.v yan. Yung nakita mo, gawa lang iyon ng teknolohiya. Hindi yun totoo" Paliwanag ko sa kanya.

   "T.v?" Tanong niya sabay tingin doon sa tv ngunit agad niyang binalik ang tingin niya sa akin. 

   "Yes, that's a television" Sagot ko. Halata ko sa kanya ang pagkahiya sa ginawa niya. Nag-peace sign siya at pilit niya akong nginitian.

   "S-sorry, Ashley. Hindi ko sinasadya" Pag-aapologize niya. Napabuntong-hininga na lang ako at pilit kong tinatago ang matawa. Hayst! Napakaover protective niya talaga.

   "Halika nga dito" Pagpapalapit ko sa kanya. Agad naman siyang lumapit. Pagkayakap ko sa kanya ay hindi ko na mapigilan ang matawa. "Ang weirdo mo talaga" Biro ko sa kanya. Tila nainis siya sa sinabi ko kaya nagpumiglas siya ngunit hindi ko siya binitawan. "Joke lang" Natatawang sabi ko. "Pero kahit na weirdo ka, you're the BEST BESTFRIEND for me" Proud na pagkasabi ko.

   "Totoo ba yan?" Paninigurado niya.

   "Oo. Totoo yung sinabi ko" Masayang sagot ko. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

   "Salamat" Sabi niya. Napakunot ang noo ko. Inalis ko ang pagkakayap sa kanya.

   "Salamat? Salamat saan?" Curios na tanong ko.

   "Na... ikaw ang naging bestfriend ko" Sagot niya sabay ngiti niya sa'kin ng malaki. Na-touched ako sa sinabi niya because from all people around me, siya lang ang tumanggap sa'kin ng totoo.

   "Ako rin" Sabi ko sabay yakap ko sa kanya. "Tama na nga ang dramahan. Ituloy na lang na'tin yung assignment" Sabi ko sabay bitaw ko sa kanya.

   "Alam mo, tama ka" Pag-agree niya sa'kin at agad siyang bumalik sa kanyang ginagawa. Ako naman ay tinawag ko si Manang Loreng para linisin ang kalat dito. Nagulat din siya nang makita niya ang t.v pero sinabihan ko siya na tumahimik na lang.




   Maggagabi na rin nang matapos kame sa paggawa ng assignment. Hinatid ko si Rhian palabas ng bahay na sakto namang hinihintay na siya ng driver niya. Sumakay siya doon at agad na umalis. Tumingin ako sa aking kwintas at hinawakan ito. Alam kong marami pang hindi alam sa'kin si Rhian pero sasabihin ko rin iyon sa tamang panahon. I never felt this way before. Yung feeling na magkaroon ng true friend at hindi lang true friend, BESTFRIEND PA! Weirdo nga lang but It's fine. I realized that I'm lucky to have her as my bestfriend. Wait... Saan niya pala nakuha yung dagger niya?

DaggerWhere stories live. Discover now