Chapter X (Princess)

9 0 0
                                    

Princess Ashley's POV

Nagising ako ng nasa tabi ko si kuya Godrin. Natutulog siya sa gilid ng kama ko.

   "O, mabuti naman at nagising ka na rin" Natutuwang sabi ni kuya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong niya. Nilingon ko siya ngunit hindi ko sinagot ang tanong niya.

   "A-anong ginagawa mo dito kuya? Bakit ka nandito?" Curious na tanong ko.

   "Hindi mo ba naaalala ang nangyare sayo last four days?" Pagbalik niya ng tanong. Last four days?

   "Huh?" Naguguluhang tanong ko. 

   "Nakita ko na hindi normal ang langit kaya alam kong may hindi magandang nangyayare. Hinanap ko kung nasaan ka dahil nag-aalala ako sayo. Then nakita kita na nakahilata sa lapag kasama si Pricess Rhian" Pagkukwento niya. Unti-unting nagsink in sa utak ko ang nangyareng labanan sa'min ni Rhian pati na rin yung bampira na nag-transform sa pagiging halimaw. T-teka... Princess Rhian?

   "Huh? Princess Rhian?" Naguguluhang tanong ko.

   "Oo isa siyang prinsesa. Prinsesa siya ng Vampire Clan at sa darating na blood moon ay ihihirang na siya bilang reyna" Nanlaki ang mata ko sa sagot ni kuya.

   "I-isang prinsesa ng Vampire Clan si R-Rhian?" Gulat na tanong ko.

   "Oo" Sagot niya.

   "Pero..."

   "Don't worry, hindi siya kaaway" Nakahinga ako ng maluwag sa sagot ni kuya. "Sa katunayan nga eh nanghingi siya ng tulong sa'tin para sa gagawin niyang pagtakas at pagkuha sa moonlight dagger" Dagdag niya. Ang moonlight dagger? Nasa kanya?

   "Ah ganon ba" Sabi ko na lang.

   "Hmmm... nagugutom ka na ba, Ash?" Tanong niya. Tumango ako bilang tugon. "O sige, dadalhan kita ng makakain. Magpahinga ka lang diyan para mabawi mo agad ang lakas mo" Bilin niya. Hinalikan niya ako sa noo at saka siya lumabas ng kwarto. Nasa Vampire Clan ang Moonlight Dagger? Yun ang matagal ko ng hinahanap. Si Rhian lang pala ang makakatulong sa'kin. Subalit... bakit gustong nakawin iyon ni Rhian? At paano niya magagawa yun kung ang tanging tagapagmana lang ang maaaring makahawak nito? Dumating na si kuya dala ang pag-kain ko. Nakita ko sa likod niya si Rhian. Yumuko ito bilang pag-galang.

   "Paumanhin sa aking nagawang kalapastangan, Pricess Ashley" Paghingi niya ng tawad ng nakaluhod ang kanan niyang paa at nakayuko ang kanyang ulo. Inalalayan akong bumangon at tumayo ni kuya. Naglagkad ako patungo sa kanya at huminto ako sa kanyang harapan.

   "Tumayo ka" Utos ko. Nakayuko siyang tuamayo. Hindi ko siya kayang tiisin. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon na nagsimula mamuo ang luha sa aking mga mata. "Sorry kung nasaktan kita" Nangingiyak na sabi ko. Sa aming dalawa ako ang emotional. Never ko pa nga siyang nakitang umiiyak eh.

   "Tama na nga. Para kang tanga" Biro niya. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Laking gulat ko nang umiiyak din pala siya. For the first time, nakita ko siyang umiiyak.

   "O bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ko.

   "Akala ko kung napano ka na. Ikaw kase eh!" Paninisi niya sa'kin sabay yakap niya sa'kin ng mahigpit. Pinigilan ko ang matawa sa paninisi niya.

   "Wow ha? Nasisi pa ko ha? Sino ba tong nagpumilit na hawakan ang kwintas ko?" Biro ko sa kanya. Inalis niya ang pagkakayakap niya sa'kin at kinurot niya ang magkabila kong pisngi. "Aray!" Namimilipit na sabi ko.

   "Na-miss kita, sooobra!" Nanggigigil na sabi niya at binitawan na niya ang pisngi ko.

   "Hindi kaya kita na-miss" Pagsisinungaling ko sa kanya. Sumibangot siya sabay talikod sa akin. Nilapitan ko siya at kinurot ko rin siya sa magkabilaang pisngi niya patalikod. "Hindi kita na-miss kase... miss namiss kita, soooobra!" Nanggigil din na sabi ko.

   "Aray!" Namimilipit na sabi niya. Binitawan ko na ang pisngi niya at niyakap siya patalikod.

   "Hindi niyo ba ako isasali diyan?" Nakangising tanong ni kuya sa'min. Binitawan ko si Rhian at nagkatinginan kame. Sa tingin kame nag-senyasan kung anong gagawin kay kuya. Lumapit kame kay kuya at kinurot na'min siya sa magkabilang pisngi niya. "Kayo talaga!" Nanggigigil na sabi niya sabay pingot niya sa'min ni Rhian. Pagkabitaw niya sa'min ay sabay kameng napahawak ni Rhian sa sari-sarili na'ming tenga. Tumawa ng malakas ai kuya at niyakap kame. Hayst! Si kuya talaga. Pagkatapos kong kumain ay nagpasama ako sa kanila sa garden. May kailangan akong gawin para bumalik ang lakas ko. Pumwesto ako sa gitna at pinalayo ko silang dalawa. Tinaas ko ang aking kamay at sinimulan ko na ang mag-ipon ng boltahe. Nang makaipon na ako ng sapat na enerhiya ay inilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso.

Prince Goldrin's POV

Ginawa ni Ash ang tactic na natutunan niya sa kanyang sarili. Natuwa ako ng hindi pa pala niya iyon nakakalimutan.

   "Ashley!" Nag-aalalang wika ni Princess Rhian. Lalapit sana siya ng hawakan ko siya sa kabyang braso upang pigilan.

   "Hayaan mo siya. Alam niya ang ginagawa niya" Sabi ko sabay ngiti ko sa kanya. Napatingin siya sa kamay ko. "S-sorry" Sabi ko sabay bitaw ko sa kanya. Nakita kong namangha si Princess Rhian sa ginawang tactic ng kapatid ko. Maayos na nagamit ni Ash ang tactic niya dahil nawala ang mga sugat at pasa niya.

DaggerWhere stories live. Discover now