Chapter XLVI (Diary)

5 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Bumalik na ako ng mansipn pagkatapos na'ming mag-usap ni Goldrin. Hindi ko na tinapos yung reception pero nakapagpaalam naman na ako kayla Ashley, Jenthizsa at Ken, ang real name ni Chicken Man. Nagtungo ako s kwrato ko dahil mayroon doong iniwang sulat si mommy para sa'kin.

Dear Rhian,

   Bago ang lahat, gusto ko na munag magpasalamat sa lahat. Salamat dahil naginh anak kita kahit pansamantala at salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Alam mo ba kung gaano ako naging masaya simula makilala ka? Simula naging anak kita? Sobra-sobra akong sumaya. Paumanhin sa aking mga nagawang kasalanan sa iyo. Hindi ko iyon sinasadya labis lang akong napoot sa iyo noon dahil sa iyong ama. Oo, mayroon pa akong hindi naaamin sa iyo. Si Queen Alexa, kung nabanggit siya sa iyo ng iyong amang si King Henry ang tungkol sa kanya na narapusahan siya dahil sa paglabag niya sa Vampire Clan, hindi totoo ang lahat ng iyon. Isa lang iyong palabas. Dahil ang totoo, si Queen Alexa ay buhay pa at... ako yun Princess Rhian. Ako si Queen Alexa, ang iyong ina. Paumanhin dahil hindi ko agad naamin sa iyo. Napopoot ako sa iyo dahil sa ginawa sa'kin ng iyong ama. Pinagsamantalahan niya ako at ikaw ang naging resulta. Pero ngayon napag-isip-isip ko na bakit ako magagalit sa isang anghel na katulad mo? Wala ka namang kasalan ukol doon. Naging bunga ka lang naman kaya labis ako nagsisi ng makipagsabwatan ako sa iyong lolo, ang dating si panginoong Krestus ang ama ko. Labis talaga akong nagsisisi kaya sana patawarin mo ako, anak. Sana maintindihan mo. Alam kong wala akong karapatang sabihin sa iyo na mahal na mahal kita dahil sa mga kataksilan na ginawa ko sayo pero sana kahit dito man lang pagbigyan mo ako. Anak. Mahal. Na. Mahal. Kita. At kung mamatay man ako sa pagpigil kay D3, ikaw na ang magpatuloy ng paglalakbay ko. Pinapaubaya ko na sa iyo ang lahat ng kayamaman at ari-arian ko. Sana alagaan at palaguin mo pa ito. Tandaan mo to palagi, Mahal. Na. Mahal. Na. Mahal. Na. Mahaaal. Kita. Ikaw ang anghel ngbuhay ko.

Namamahal,
Alexa Krestus


Labis akong nanlumo sa aking nalaman. Hindi ko lubos akalain na si mommy at Queen Alexa ay iisa. Niyakap ko ang sulat at nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Naiyak na lang ako sa pag-uulila sa kanyang mga yakap, halik at haplos. Kung nandidito pa sana siya, hindi ako magsasawang sabihin sa kanya na Mahal. Na. Mahal. Na. Mahal. Na. Mahal. Kita. Mommy. Sobra.

   "Ma'am Rhian, mayroon pong naghahanap sa inyo" Mula iyon sa tagapagsilbi sa mansion pagkatapos niyang kumatok sa pinto. Sino yun? Nagpunas ako ng aking mga luha at agad na lumabas.

   "Sino daw siya?" Tanong ko.

   "Si Mr. Brake" Tugon niya. Mr. Brake? Agad akomg bumaba para alamin kung sino ba yung Mr. Brake na naghahanap sa akin.

   "Oh good afternoon Ms. Rhian Beryl, I'm Johnson Brake" Pagpapakilala niya sabay punas ng kamay niya sa kanyang pants at lahas ng kamay sa akin. Inabot ko iyon at nagkamayan kame. Nakatingin siya sa'kin habang nakangiti. Kinunotan ko siya ng noo dahil hindi pa niya binibitawanyung kamay ko. "O-oh sorry, I just got distract when I saw you" Wika niya pagkabitaw niya sa kamay ko. Tipid ko na lang siyang nginitian. (Kay Goldrin lang daw kase siya. Taken na siya, wag ka ng umasa kuya!)

   "Anong sadya mo rito?" Tanong ko.

   "Nandito ako para papirmahan sa'yo to" Tugon niya sabay pakita niya sa'kin ng isang folder. Kinuha ko iyon at binuklat

   "Ano to?"

   "Kailangan mo yang mapirmahan para masalin sa pangalan mo ang lahat ng pinaman sa inyo ni Ms. Sandra" Tugon niya. Tinignan ko siya at muling kong tinuon ang aking tingin sa nakapaloob sa folder. Nilahad ko ang aking kamay para hiramin sa kanya ang ballpen. Agad siyang kumilos para kunin ang ballen niya sa bulsa sa kanyang polo at iniabot sa akin. Tianggap ko iyon at pinirmahan ko ang dapat pirmahan. Pagkatapos ay inipit ko yung ballpen sa loob ng folder at iniabot sa kanya. "Thank you for the time, Ms. Beryl" Wika niya. Tinanguan ko siya bilang tugon at umalis na siya. Agad na akong umakyat at nagtungo naman sa kwarto ni mommy.

Sa ibabaw ng kama niya ay may nakita akong isang journal. Diary. Kinuha ko iyon at binuklat. Nakapaloob dito ang mga litrato niya at kasaysayn ng kanyang buhay. Dito ko rin nalaman na nung isinilang niya ako ay agad na siyang tumakas sa Clan dala ang dagger. Mayroon pang isang mga blanko dito na pwede pang dikitan ng litrato o kaya pagsulatan. Sinara ko na ito at kasama ko tong lumabas ng kwarto.

DaggerWhere stories live. Discover now