Chapter XXVIII (Jenthrizsa Ferralda)

7 0 0
                                    

Princess Ashley's POV

Pagkagising nung babae ay agad na'min siyang niyayang kumain ng breakfast. Halatang gutom siya but hindi siya katulad ni Rhi-Rhi kumain. I'm not saying na hindi disente ang besfriend ko kumain but... parang ganon na rin. Hmm... ok. Maganda naman siya but syempre mas maganda pa rin ako. Yung kumontra, kukuryentihin ko. Makapal yung eyebrow niya, beautiful eyes, matangos ang nose, yung lips is kissable, rossy cheeks and same kame ng hair. Meron din siyang nerdy glasses.

   "Ms. Anong ginagawa mo sa lugar na yun?" Tanong ni Chicken Man.

   "Ah kase may hinahanap ako" Sagot niya.

   "Gabi na, naghahanap ka pa?" Bweltang tanong ni kuya Goldrin. "Ano ba hinahanap mo?" Tanong pa niya.

   "May ginagawa kase akong research tungkol sa mga iba't-ibang uri ng bampira" Sagot niya at biglang napatingin sa kanya si Rhi-Rhi.

   "Bakit? May iba't-iba pa bang klase ng mga bampira?" Curious na tanong niya doon kay Ms. Researcher.

   "Meron. Wait lang ipapaliwanag ko" Sabi niya. "Nasaan ba yung bag ko?" Tanong niya.

   "Saglit lang kukunin ko" Sabi ni Chicken Man. Tumayo siya at agad na kinuha ang bag ni Ms. Researcher. Nang makuha niya na yun ay agad siyang bumalik at iniabot iyon kay Ms. Researcher. Inopen niya yung bag niya at may kinuha siyang notebook sabay buklat non."Ang tawag dito ay Sampiro" Sabi niya sabay pakita sa'min ng pictures. "Ito ang pinakamababang klaseng uri ng bampira. Mula sila sa bansang Albania. Mayroon silang matutulis at mahahabang kuko na ginagamit nila pang-atake sa mga bibiktimahin nila" Unang paliwanag niya at nilipat niya sa ibang page. "Ito naman ang Aswang. Vampire's Philippine Creature. Kaya nilang magtransform at magpanggap bilang isang hayop.  Mayroon din silang mahahaba't matutulis na kuko gaya ng sampiro. Ito naman ang penaggalan"

   "Ah yan yung kagabing na...kakadiri na f-floating creature" Sabi ko habang pinipigilang maduwal.

   "Oo, tama ka. Isang Malaysian's Vampire Creauture. Kung sa manananggal ay nahahati ang katawan sila naman ay ulo't laman loob lang ang lumilipad..."

   "Please stop, kumakain tayo" Pagpapatigil ko sa kanya habang nandidiri.

   "Vampire slayer ka pa naman, nandidiri ka sa mga ganyan" Pang-iinsulto sa'kin ni Rhi-Rhi. 

   "FYI, ikaw kaya tong nakakapatay ng mga bampira. Back-up mo lang ako, noh?" Pagcocorect ko sa kanya.

   "Teka, mga vampire slayer kayo?" Gulat na tanong ni Ms. Researcher.

   "Ah... tuloy mo na lang yung kwento mo" Singit ni kuya. Napabuntong hininga na lang siya at itinuloy yung explanation niya about different kinds of vampires.

   "Ang mga penanggalan ay bumubuga ng asido at kapag nabugahan niya kung sino man ang bibiktimahin niya ay matutunaw. Sila din yung mga pumupugot ng ulo gamit ang bibig nila at sila ang papalit doon para mabuhay silang muli. At once na nangyare yun, mas lalo silang lalakas. Next is Vrykolakas. Greek Vampire's Creature. Half human and half vampires. Hindi sila katulad ng mga totally bampira na sumisipsip ng dugo. Malalakas sila kumain ng pagkain ng mga tao"

   "Kaya pala" Bulong ko. Napatingin sa'kin si Ms. Researcher at nginitian ko lang siya.

   "Lagi din silang mapag-isa at kapag pinakelaman mo sila papatayin ka nila"

DaggerWhere stories live. Discover now