Chater XXIII (Phone)

10 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Kinabukasan...

Nagising ako nang makarinig ako ng ingay. Lumabas ako ng kwarto upang alamin kung ano yun. Nakita ko na hinahabol ni Prince Goldrin si Ashley. Samantalang si Claire ay masayang nanonood lang sa kanila. May hawak na yellow pad si Ashley. Yun siguro ang dahilan kung bakit siya hinahabol ni Prince Goldrin. Nakakatuwa silang panonoorin. Maya-maya pa'y nahuli ni Prince Goldrin si Ashley ngunit pumalag ai Ashley kaya nakawala ito. Sumampa siya sa sofa at itinaas ang hawak niyang papel.

   "Look, there's Rhi-Rhi" Sabi ni Ashley. Napatingin sila sa'king lahat. Agad na pinunit ni Ashley yung papel sabay tupi at tago sa bulsa niya. Hinagis niya ang papel sa mukha ni Prince Goldrin sabay baba niya sa sofa at takbo papunta sa'kin. "Good morning" Masayang bati niya sabay yakap at sway pa sa'kin ngunit binitawan niya rin ako agad.

   "H-hindi ka na galit sa'kin?"

   "I'm not mad. Nagtatampo lang naman ako" Correction niya. "Kumain ka na" Sabi niya. Nginitian ko siya at tinanguan. Pumunta kame sa dining area at mayroon doong nakaahing pagkain sa lamesa. "I cooked that for you" Masayang sabi niya.

   "T-talaga?" Gulat na tanong ko. Ngumiti siya ng malaki sabat tango. Umupo na ako sa upuan at sinimulan ko nang kumain.

   "Masarap ba?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya at tumangi. Ang sarap pala niyang magluto. For almost one year, ngayon ko lang nalaman na ganito siya kasarap kumain. Maya-maya ay natapos na rin akong kumain. Naligo na ako. Pinahiram ako ng Ashley ng masusuot. Hayst! Si Ashley talaga laging bitin ang damit. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.

Nakita ko si Ashley na naaupo sa sofa habang nagcecellphone. Tila kinikilig siya. Lumapit ako sa kanya upang alamin kung ano bang kinakakiligan niya. Ah love story pala. Tinabihan ko siya at nakinood. Kilig na kilig siya lalo na pagnaghahalikan yung mga bida. Samantalang ako ay boring na boring na. Hayst!

   "Oh Rhi-Rhi, you're here na pala" Sabi niya. Oo, kanina pa. "Uhm... pwede bang humingi ng favor?"

   "Ano yun?"

   "Wala kase si kuya. Eh may date pa kame ni Chicken Man. Pwede bang... ikaw na muna ang magbantay dito sa bahay?" Pakiusap niya. "Please" Pagmamakaawa niya sabay pacute. Hayst!

   "O sige na nga" Pagpayag ko na lang.

   "Yehey! Thank you, Rhi-Rhi" Masayang sabi niya sabay yakap niya sa'kin.

   "O sige na. Umalis ka na" Sabi ko. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin.

   "Uhm... para malibang ka, sayo na muna tong phone ko" Sabi niya. "Lahat ng videos na gusto mo, pwede mong panoorin dito. Wag lang x videos, ha?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya."Never mind. Basta kapag may gusto kang panoorin, pindutin mo tong search and itype mo yung gusto mo then enter" Paliwanag niya. "Ok, bye" Paalam niya. Tinanguan ko lang siya at tinype ko yung gusto kong panoorin. Knife fighting. Gusto ko pang lumalim ang kaalaman ko sa paggamit ng dagger. Dahil hindi naman lahat ng makakalaban ko ay magagawa kong talunin.





Princess Ashley's POV

Pagkatapos nang date na'min ni Chicken Man ay inihatid niya ako sa bahay. Of course, I would never ever forget to kiss him. Pumasok na ako sa bahay. Naabutan ko si Rhi-Rhi na nanonood pa. Gabi na ha? Mukhang nalibang na ata siya.Hayst! Hayaan ko na nga lang muna siya. Mukhang nageenjoy naman siya. Ayokong maging KJ noh? Pumunta ako sa kwarto para magpahinga na... Hindi ako makatulog sa ingay ni Rhian. What the sh*t? Lumabas ako ng kwarto para pagsabihan siya.

   "Rhi-Rhi, wag ka na masyadong maingay. I'm sleeping na eh" Sabi ko sabay sara ulit na pinto at balik sa kama.

Nagising ako ng madaling araw na hindi na ako nakakarinig ng ingay. Napagdesiayonan kong lumabas para alamin kung ano na bang ginagawa niya. Paglabas ko ay nadatnan ko siyang nakatulog na pero yung video ay nagpeplay pa rin. Lumapit ako at kinuha na yung phone ko. Knife fighting. Yun yung pinapanood niya. Tinignan ko yung history ng phone. Laking gulat ko na puro about knife ang pinanood niya. Mayroon pang about sa kitchen knife. Pati pa naman to pinapanood niya? My gosh! Babae ba talaga tong bestfriend ko? Sinara ko na yung phone. Gusto ko sana siyang gisingin kaso parang pagod na siya. Paano pa naman inabot na siya ng madaling araw kapapanood lang ng knife fighting. Hayst! Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng kumot. Pagkakuha ko y agad akong lumabas at kinumutan siya. Muli naman akong bumalik sa kwarto para magpahinga na.

DaggerWhere stories live. Discover now