Chapter XLII (Luna Vs. Solas)

10 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Sa sinabi ni Krestus ay nakaramdam na ako ng gigil tas sinabayan pa niya tawa na akala mo ay parang isang demonyo? Mas lalong nakakapag-alab sa inis at gigil.

   "Pero siguro mas magandang magkakilala muna tayo nang mabuti Rhian. Mahal kong apo" Wika ni Krestus sabay lakad palayo. Luminga-linga ito sa paligid, hangang makakita siya ng isang patay na sampiro. Mabilis niyang nilapitan ang sampiro at itinutok ang espda roon. "Rhian, kaunti na lang ang aking enerhiya sa katawan pero sapat na ito para bumuhay ng isang sampiro at talunin ka" Dagdag niya.

   "Siguro nga Krestus, dapat kitang kilalanin. Magkakasubukan tayo ngayon" Sabi ko. Maya-maya pa'y bumangon na ang sampiro. Muli na namang tumawa na kinainis ko.

   "Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo ng good manners?" Nakangisi niyang tanong. "Sige alagad, sugurin mo at patayin ang babeng iyan" Utos ni Krestus doon sa sampiro. Walang pag-aalinlangang sumugod ang sampiro sa akin.

   "Ha?! Ano to, warm-up? Sige lumapit ka" Sambit ko sabay bunot kay Luna. Agad na kumalmot ang bampira sa akin na iniwasan ko naman. Nang umamba iyo para sa susunod na atake, agad ko iyong sinalag at saka siya pinutulan ng braso sabay sipa. Napabalandra ang bampira sa sahig. Alam kong hindi pa iyon sapat upang mamatay ang isang sampiro, kaya nung bumangon ito ay agad kong pinutol ang kabilang braso nito. Dumistansya ako ng kaunti sa bampira sabay gamit ko ng vertical spin kay Luna. Direkta ko itong naabot sa puso pero bago ito tuluyang bumagsak ay binigyan ko pa ito ng isang palm strike sa baba at isang round house kick sa ulo. Pagkabagsak ng bampira ay agad kong binunot ang dagger na nakatarak sa puso nito at ipinagpag pa ang mga natirang dugo rito. Pumalakpak naman si Krestus sa nakita niyang eksena.

   "Magaling! Talagang mahusay ka nga!" Natituwang puri niya sa'kin. "Kaya pala ikaw ang napili na maging pinuno ng angkan. Bakit hindi ka sumama sa'kin at sabay na'ting pagharian ang buong mundo? Pwede kitang gawing kanang kamay ko!" Alok niya.

   "Ayokong maging bampira! Ayokong pumatay at kumain ng nga inosenteng tao! Hindi mo ako katulad!" Sagot ko naman.

   "Kung ganoon, ibigay mo na lang sa aking ang barao (dagger) na iyan at malaya ka nang makakaalis kasama ang mga kaibigan mo" Ani ni Krestus.

   "Hindi, ayoko! Gagamitin ko ito para ubusin kayong lahat!" Sagot ko ulit.

   "Hmm... Kung ganoon, wala nang ibang paraan. Papatayin na lang kita tapos lalagyan ko ng sarili kong dugo ang dagger na iyan at itatarak ko sa'yo para makuha ko rin lahat ng naging nga abilidad mo sa paggamit niyan!" Wika niya. Itinaas ni Krestus ang kanuang kamay at saka niya pinagalaw ang mga malalaking bato na gumuho sa paligid. Isa-isa niya itong inihagis sa akin. Panay nan ang iwas ko sa mga bato. Hindi ko na napansin na nakalapit na pala si Krestus. Agad niya akong inundayan ng taga subalit sa ga-hiblang distansya ay kaunti akong nakaiwas kaya daplis lang ang inabot nito. "Sayang! Dumaplis lang!" Sambit ni Krestus at muling humalakhak. Nagulat ako nung makita kong may punit ang suot kong damit. Mabuti na lang pala ay nakapagpalit ako. Sanay naman ako sa crop top pero kase naiinitian ako sa longsleeve. Pinunit ko na lang ng tuluyan ang suot kong t-shirt at ginawa ko itong crop top.

   "Mas komportable ito kaysa t-shirt" Ani ko. "Game! Ituloy na na'tin ang laban, mahal kong lolo!" Dagdag kong wika. Maya-maya'y itinutok ni Krestus ang kanyang kamay sa aking direksyon.

   "Tignan na'tin sa isang ito..." Wika niya sa'kin. Bigla ay may isang malaking bolang apoy ang lumabas sa harapan ng kamay ni Krestus. Nakahinto ito sa harap niya. Hinugot nito ang kanyang espada at saka niya tinaga ang bolang apoy. Nang mataga, agad itong sumabog sa maliliit na piraso at pumunta iyon lahat sa akin. Bagama't ako'y gulat, hindi ko na nagawang makailag. Tumama lahat nang maliliit na fireball sa akin ay napabagsak ako nito.

DaggerWhere stories live. Discover now