Chapter XXXIII (D3)

10 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Gumawa kame ng bonfire at namahinga sa labas ng tent. Si Mang Erwin ay kumuha ng makakain samantalang sina Mang Dawin at Mang Edie ay nanatili sa tabi ko at nilibang sa pamamagitan ng pagkukwnento ng mga buhay nila nang sila'y mga sunadalo pa. Isang linggo na kameng nandito sa camping. Marami silang naituro sa'kin. Gaya ng pagsisiga, paghuli ng hayop bilang pagkain at pag-iihaw. Dito rin na'min pinagpatuloy ang aming training. Mahirap pero kinaya kaya maganda naman ang naging resulta. Si gitna ng aming pag-uusap ay may nakita kameng anino na papalapit sa amin.

   "Erwin, ang bilis mo naman" Biro ni Mang Dawin sa kanya ngunit hindi ito sumasagot. Dito na kame kinutuban. Baka mayroon siyang gawin sa'min na hindi maganda. Kung sino man siya. 

   "Sino ka? Sumagot ka" Tanong naman sa kanya ni Mang Edie ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Papalapit na ng papalapit sa'min ang isang anino.

   "Wag kang lalapit" Utos ni Mang Dawin sa kanya pero patuloy pa rin ito sa paglalakad. Umakma ng bubunot sina Mang Dawin at Mang Edie ng kutsilyo.

   "Rhian, dito ka lang. Kame na ang bahala" Bilin sa'kin ni Mang Edie. Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. Tumayo na sila at hinintay na lumapit yung anino. Nanlaki ang aming mga mata sa aming nakita. Hindi siya tao kundi isang bagay na gawa sa metal.

   "Isang robot" Wika ni Mang Dawin. Ah robot pala ang tawag sa kanya. Wala siyang ilong at bibig. Tanging mata lang ang mayroon sa kanya. Inambaan sila ng suntok ng robot sabay takbo pasugod. Mabuti na lang ay nakailag sila. Napatayo na ako sa nangyare.

   "Rhian, diyan ka lang" Bilin ni Mang Edi. Sinunod ko siya dahil may tiwala naman ako sa kanila. Alam kong matatalo nila ang metal na yan. Si Mang Dawin naman ang sumugod. Hiniwaan niya ito sa leeg ng dalawang beses. Laking gulat na'min na hindi siya tinablan. Agad siyang ginamitan ng back peast. Sa lakas ay tumilapon siya at nawalan ng malay. Nagchamber grip naman si Mang Edie sabay saksak niya sa ulo ng robot pero hindi pa rin ito tinablan at naputol lang ang talim ng kutsilyo. Sinapak siya at nawalan din ng malay. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa labanan. Hindi ko kase alam kung paano ako lalaban sa kaaway na hindi tinatablan ng kahit anong saksak. Sa takot ko ay kinuha ko ang kutsilyo ko at yung isa pang kutsilyo. Agad akong lumapit at pinagsasaksak siya pero hindi talaga siya tinatablan. Kaya napaatras na ako. Sumutok siya pero sa kabutihang palad ay nakailag ako. Hindi ko namalayan ang sampirong umatake sa'kin kaya nakalmot niya ako sa kaliwang balikat. Napahawak ako dito dahil naramdaman ko yung hapdi. Lumipat ang tingin ng robot at ang sampiro naman ang kinalaban niya. Pinagkakalmot siya ng sampiro ngunit ni isa wala kang makikitang kalmot sa katawan niya. Sa muling pagkalmot ng sampiro ay nakailag siya. Pagkalagpas ng bampira ay hinawakan niya ito sa paa at pinaghahampas sa lupa ng ilang beses. Nagulat ako sa ginawa niya. Sinong mag-aakalang magagawa niya yung gawin. Binitawan na niya ang sampiro at binalik niya ang tingin sa akin. Umamba siyang susuntok sabay takbo papunta sa akin at lundag sa ere. Pinalitan ko ng vertical grip yung kutsiyo na nasa kaliwa ko sabay bato sa kanya. Laking gulat ko ng tumalbog lang ito. Ganon pa man ay umunday ako ng saksak sa mukha niya ng maabot ko siya pero hindi siya natinag. Pagkasuntok niya ay pinangharang ko ang kanang balikat ko. Napaatras ako ng bahagya. Sinundan niya pa ng sipa dahilan ng aking pagtilapon at pagkabali ng kanang kamay ko. Bagama't bali na at hindi ko na gaanong maiangat ang aking kamay pero pinilit ko pa ribg bumangon at pinulot ang kutsilyo. Hinawakan ko ang kanabg kamay ko para saklolohan. Sumugos ako at agad ko siyang inundayan ng saksak sa dibdib. Sa kasamaang palad ay hindi siya tinablan at naputol lang ang talim ng kutsilyo. Tanging handle na lang ang natitirang hawak ko. Pinagdikit niya ang kanyang dalawang kamay sabay palo niya ng malakas sa likod ko. Bumagsak ako padapa. Niyakap niya ako sa sa tiyan at ibinuhay sabay bagsak niya sa'kin ng malakas sa lupa. Hindi na ako muling nakabangon. Hinang-hina na ako. Hindi ko na maigalaw ang kanang kamay ko. Inapakan niya pa ako sa mukha kaya lalo akong namilipit sa sakit. Bumangon yung sampiro at muling sinugod yung robot. Dumapa ako pero hindi na talaga ako makabangon. Nakikita ko na lang ang laban nila. Pagbagsak ng sampiro ay sinakyan niya ito at pinagsaspak. Tanging pagtilalsik lang ng dugo ang nakikita ko.

DaggerWhere stories live. Discover now